Tuwing tayoy magkakausap ang puso ko ay napupuno ng kasiyahan ngunit alam kong mas mapupuno ito ng sakit kapag ikay tumalikod na alam mo ba kung bakit?
Kasi tuwing tayoy maguusap walang ibang salitang lumalabas dyan sa bibig mo kundi ang kanyang pangalan. Sana mabigyan ako ng lakas upang masabi sayo na hindi sya ang kausap mo at itigil mo na dahil mas pinapalaki mo lang ang biyak sa aking puso na walang tigil na tinitibok ang iyong pangalan.
Hindi mo lang alam na tuwing ikaw ay aasarin sakanya ako ay napipilitang tumawa at sumali sa asaran upang walang maka halata na ang aking puso ay nadudurog. Nadudurog ng paunti unti dahil walang nakaka alam sa aking totoong nararamdam para sayo sinta. Lagi kong naiisip na sana minsan ay bumaliktad ang mga lamesa at ako naman ang iyong hahangarin at ang ating mga kasama ay hindi titigil sa kaka asar sa atin tulad ng ginagawa nila sa inyo.
Lagi kong sinasabi sa aking isipan habang ikaw ay tinititigan ay sana ako na lang iyong babae na wala mong sawang tinititigan iyong babae na ikukwento mo sa mga kaibigan at sasabihin mo sakanila kung pano ka nya napapasaya at kung pano nya nabubuo ang iyong araw.
Hanggang kailan ba ako maghihintay na maging ako naman?
Hanggang kailan ko ba sasabihin ang mga katagang "ako naman. Ako na lang."