"I'm happy kung anong meron ako ngayon. Pero bakit parang may kulang pa din? Hindi pa buo yung happiness ko. Anong kulang?"
"Den, mall show later. 4pm. Sm Bacoor, okay?" Mama Ten.
"Okay po." I said.11am in the morning. Kakagising ko lang. And I don't have any show except the mall show mamaya.
Yes. I'm an artist. But not that sobrang sikat na artista. Masaya ako dahil natupad ko yung wish ng mommy ko for me. Ang maging artista. But I know, hindi lang ito ang gusto nyang makamit. I know meron pa syang better plans for me.
My mom's my inspiration kung bakit artista ako ngayon. Nung una, ginagawa ko lang to para sa mommy ko. But later on, nagugustuhan ko na sya and I love doing this job. Masarap pala sa pakiramdam yung nakakapag-pasaya ka ng ibang tao sa simpleng ngiti mo lang.
Pero iba pa din pag buong mundo yung nakakakilala sayo. Mas masarap sa feeling yun. Yun ang pangarap ko. Minsan nga naisip ko, "ano kayang feeling na maging Justin Bieber? Masaya siguro noh?" That's my wish. Sana makilala din ako katulad ni Justin Bieber.
I'm Alden Richards. Artista. Pero hindi ko alam kung sikat ba talaga ako. Haha! You know what? Pag may mall show ako, kapag napupuno yung 1st floor ng mall, tuwang tuwa nako.
Pero kahit na hindi napupuno ang first floor ng mall pag nagmo- mall show ako, masaya ako dahil anjan lagi ang mga supporters ko na hindi ako iniiwan at hindi ako iniwan kahit saan. Thank you Aldenatics!
*knock knock*
"Pasok"
"Rj, lunch na. Let's go downstairs."
"Yes dad. Susunod na po."Nag-ayos nako at bumaba na agad.
"Hi Kuya!" Rizza, kapatid ko.
"May kailangan ka?" Sabi ko na kunyaring galit.
"Eto naman. Nag-hi lang may kailangan agad?" She said."Nasa harap tayo ng pagkain. Kumain muna tayo. Mamaya na yan." Dad said.
Nagsamaan na lang kami ng tingin ni Rizza after."May sched ka ba ngayong araw Rj?" Dad.
"Yes dad. 4pm po sa Sm Bacoor." I said after drinking my water.
"Ahh. Okay, mag-ingat ka sa byahe ah?"
"Yes dad."4pm. I'm already here in Sm Bacoor. Mall show right? Haha!
"Ready ka na Alden?" Said one of the staff.
"Ready na po."
"Sige pwede ka ng lumabas."And usual, hindi na naman nawala sa paningin ko ang Aldenatics na laging nanjan for me. I'm so happy na lagi silang nanjan para saken.
And natapos ang mall show. Pack up na. Happy na nakapag-perform ako ngayon. But inside me, parang may nagsasabing productive ba tong araw na to?
Haaay. Hindi ako pwedeng sumuko, right? Para to sa mommy ko and sa family ko.
Magiging productive to! Sure.And just like that, nagdilang anghel ako.
"Deeeeeeeeeeeeeeeeeeeen!"
"Mama Ten ano ka ba naman! Nakakagulat ka naman! Ano po yun?"
"Teka lang. Hihinga lang ako."
"Ano po ba yun? Kinakabahan ako sayo eh!"
"ETO NA! ETO NA ANG BREAK MO!"
"Break po saan?"
"Sa Eat Bulaga!"
"Talaga po sa Eat Bulaga!?"
"Oo! Tumawag ang management na gusto ka nilang kuning host dahil nakitaan ka nila ng potential nung one time na nag-guest ka doon. Naalala mo pa ba?"
"Opo naalala ko pa. Pero totoo ba yan Mama Ten?"
"Oo! Totoo nga! At sa thursday, kailangan nating pumunta sa Broadway para maka-pirma ka ng kontrata. Okay ba yun?"
"OKAY NA OKAY Mama Ten!!!!"At doon ko nahanap ang tunay kong happiness....