Hindi pa din ako makapaniwalang nakakamit ko na ang pangarap ko. May mga tao ng nakakakila saken at nakakatuwang natutuwa sila saken dahil sa ginagawa ko.
Masaya ako. Ganun din ang pamilya ko. Very supportive sila saken. Haaay. Sana tuloy tuloy na 'to.
It's wednesday. 7am. Barangay again. Wooooh!!!
Pag gising ko wala na si Coleen sa kama nya. -_- Pumasok na. Bumaba nako para mag-breakfast. Naabutan ko si Dean na kumakain na.
"Ikaw lang? Asan sila nanay?" Tanong ko.
"Edi pumasok na. Hindi ka pa sanay. Tsh" Dean said.
Dean is the youngest saming magkakapatid. Ewan ko kung anong nangyari dito pero dati naman nung medyo bata pa yan, sweet yan saken eh. Ngayon, binabara nako. Nahawa na sa ka-demonyohan ng kuya ko. -_-
"Eh bakit ang sungit mo? Meron ka ba? Nagtatanong lang eh." I said.
"Ang non sense kase ng tanong mo! Tapos nakong kumain. Maghugas ka ng pinagkainan ah? Yaya Dub!" Sabay dila nya saken.
"Aba't......" Sasapakin ko na sana kaso kumaripas na ng takbo paakyat eh.
They are like that to me. Binubully nila ko. They always call me Yaya Dub tapos kunyare uutusan nila akong maghugas o kaya maglaba. Haha! Lakas ng loob! Pati si nanay at tatay, Yaya Dub na din ang tawag saken.
Okay lang naman saken. Hindi naman kase ako pikunin. Hihi. :) Teka nga, mag-aayos nako. Kailangan ko pang pumunta ng barangay.
*****
[Alden's POV]Kakatapos ko lang mag-gym and I'm on my way to EB. Yes, I'm always like that. Gym muna bago work. Nakasanayan na eh.
Kasama ko si Mama Ten. P.A ko. Natatawa ako kase tawa sya ng tawa sa pinapanuod nya.
"Mama Ten ano ba yang pinapanuod mo bakit tawang tawa ka?" Tanong ko habang nag-ddrive.
"Hahaha! Eto kaseng bagong labas sa EB, yung Yaya? Ayun, pinapanuod ko yung mga dubsmash nya sa Youtube. Grabe nakakatawa yung mga expression ng mukha nya. Walang pakialam kung panget sya eh." Pagkikwento nya.
"Ahh si Yaya Dub. Oo, tawang tawa nga din ako sa mga dubsmash nya eh." Sabi ko.
"Alam mo Tisoy, fan na nya ako. Idol ko na sya! Ang galing nya eh. Wala nakong ginawa kundi i-stalk sya." Mama Ten.
"Hahaha! Baliw ka na Mama Ten." Pagbibiro ko.
"Totoo nga! Oh eto, alam mo ba totoong pangalan nya?" Tanong nya.
"Hindi. Ano ba?"
"Maine Mendoza ang gamit nya sa TV. But her real name is Nicomaine Dei Mendoza. Ang cute dba? Unique."
"Hahaha! Baliw ka nga talaga Mama Ten. Pati pangalan nya alam na alam mo ah?"
"Syempre. Ano ka ba Rj! Ganun talaga pag idol dba? Stalk pa more ang peg."
Tinatanong nyo bakit Rj? Kase my real name is Richard Faulkerson Jr. Yup, that is. ;) Mga malalapit na tao lang saken yung tumatawag saken ng Rj kasama na dun si Mama Ten.
"So sya na bago mong idol? Hindi na ako?" Pang-aasar ko.
" Ano ka ba! Syempre iba ka kase alaga kita eh. Wala naman akong choice. Hahaha." Sabi nya.
Inirapan ko na lang sya. Andito na kame sa Broadway at kailangan ko pang mag-shower dahil nga galing akong gym.
"Good morning Alden!" Bati saken ni Ms. Allan.
"Good morning po Ms. A"
Kakatapos ko lang mag-shower nung batiin ako ni Ms. A. Pumunta nako sa dressing room para mag-paayos dahil magsisimula na ang EB at segment ko na agad ang sasalang.