One Shot-I Just Thought 2

104 2 0
                                    

Monday.
Eat Bulaga.
Shoot.
Shoot.
Shoot.

My sched for today. Full. Gusto ko lang magpaka-busy.

"Sure ka ba Meng na kaya mo ang sched mo ngayon? Baka walang tulugan ngayon 'to." Ate Pat being the worried ate.

"Ate Pat kaya ko po. Para hindi na din ako masyadong mag-isip ng mga bagay-bagay na hindi maganda."

"Ahh. So yun 'yon! Dinadaan sa pagka-busy yang sakit jan sa puso mo ganun?" Sht. Ayokong isipin. Bawal ang sad.

"Ate Pat naman, ayoko lang maging malungkot kase yun yung purpose ko di ba? Good vibes lang dapat! Bawal ang sad, ganoin!" Sabi ko sa kanya.

"Nako Meng. Wag ako! Kilala kita. Yun nga ang purpose mo, pero yan ba talaga nararamdaman mo ngayon? Pano yan, eh magkasama pa naman kayo mamaya sa isang shoot?"

Oo nga pala. Pano ba? Trabaho right? Mag-ttrabaho ako. Yun lang.

"Trabaho Ate Pat. Trabaho 'to at ayokong pagsamahin ang personal life ko sa trabaho." I said seriously.

"Meng. Alam mong nandito lang ako pag kailangan mo ng makakapitan diba? I'll always be your ate. Malalagpasan mo din 'to. Malakas ka diba?" Ate Pat saying those words make me want to cry. Very hard.

"Ate Pat wag mo naman akong paiyakin oh! Bahala ka. Mahirap akong patahanin." Segway ko para pigilan ang luha kong nagbabadyang tumulo.

"Hindi lang ako makapaniwala na magagawa yun ni Alden. Kilala ko yun eh! Mabait yun eh."

"Pero nagawa nya Ate Pat. Yun 'yon. Nagawa nya." I said bitterly.

Bakit ba ako ganito ka-affected? Eh hindi naman kame. Hindi din naman sya nanliligaw. Wala. Walang meron samin.

Pero sa akin meron. Umasa ako. Akala ko kahapon na. Kahapon na yung right time. Mali pala ako. Assuming pa. Haha! Nako Menggay! Wag ka kasing funny. Masyado ka eh.

Akala ko kaya nya akong magustuhan. Akala ko may gusto na din sya sakin. Akala ko na-ffall na din sya sakin. Akala ko lang pala lahat yun. Yung pagiging sweet nya, akala ko totoo. Akala ko siya na. Hindi pala.

Bakit ba kasi ang dali mong na-fall sa kanya, Menggay? Porque sweet sayo? Porque inaalagan ka? Porque tinetext ka? Porque concern sayo? Haaaay.

Ikaw naman kase! Puro sya na lang nakikita mo! Puro magagandang bagay nakikita mo sa kanya. Hello? Pano naman sya magkaka-gusto sayo eh hindi ka naman maganda! Wala kang talent! Wala kang kayang gawin! Ang hirap mo pang paki-samahan kase masyado kang introvert! Wala naman kaseng maganda sayo, pano ka nya magugustuhan?

Masakit. Oo. Pero kailangan kong tanggapin kase eto yung totoo. Na hindi ako yung taong gusto nyang makasama. Hindi ako yung gusto nya. Masakit. Pero wala eh. Ganun talaga.

"Ate Pat hindi pa naman nag-sstart yung shoot, samahan mo naman ako please? Ica cream tayo sa labas! Pretty please?" I said with matching puppy eyes.

Eating ice cream's my stress reliever. Kahit saglit lang. Napapasaya ako ng ice cream. What I really need right now.

"Aysus! Yun lang pala. Halika na."

We stayed up a little longer sa isang convenience store para ubusin yung isang galloon ng ice cream.

"Ate Pat selfie!" She immediately pose to the cam. I'll post it on twitter.

@mainedcm: Bawal ang sad, dapat happy! #sweettooth #stressreliever w/ @pat_05 pic.twitter/pfrt2475fgh

"Tara na Ate Pat. Balik na tayo."

"Ano medyo okay ka na ba?" Ate Pat.

"Hello? Okay naman talaga ako noh! Ano ka ba!"

Blessing In Disguise (AlDub Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon