Chapter 1

323 11 22
                                    

AUTHOR'S NOTE:  

HELLO GUYS!! Hindi ako writer pero nainspire lang ako gumawa ng story, actually first time ko talaga gumawa ng isang kwento, kaya bare with me lang po, sana magustuhan ninyo ang likha ng aking malikut na isipan. 

Ang kwentong ito ay hango lamang sa isang kathang isip na galing sa malikot kong imahinasyon kaya ang pagkakapareho o pagkakatulad sa mga pangyayari, lugar, ay isang coincidence lamang. I also used some of my friends'  nickname to protect their privacy. 

                                                                         CHAPTER 1  

Ako nga pala si Kelvin 19 taong gulang, katamtaman ang taas siguro nasa 5.9 - 5.10 ft. ang height ko, maputi at singkitin na may makapal na kilay, masasabi kong lumaki akong masaya kahit wala na akong mama dahil pumanaw siya noong 7 taong gulang pa lamang ako dahil sa stroke. Mejo nakakaangat kami sa buhay pero hindi lahat ng luho ay binibigay sakin ni papa, pero ewan ko ba kasi parang hindi ako mahilig sa mga gadgets hindi katulad ng mga kaibigan ko na kung ano ang uso at latest ehh meron sila. 

kung tatanungin nyo ako patungkol sa aking personalidad ako ay masayahin, palakaibigan at madaling makisama sa maniwala kayot sa hindii. 

hayyy... etong kwentong eto ay hango sa aking buhay, kung paano ako natutong umibig, masaktan, magparaya, at makipaglaban sa larangan ng pag-ibig.  At eto ang simula ng aking estorya.................

TOK TOK TOK...... Isang malakas na katok ang gumising sa aking pagkakahimbing...Hmmm... ang tinatamad kong sagot. "HOY KELVIN!! anong oras ka na naman ba gigising? it's 7:30 am na, unang araw pa naman ng klase mo tatamad tamad ka na naman." ang mejo inis na turan ng aking kuya. 

"HAHH...?" gulat kong tugon sa kanya. 8:30 kasi ang start ng first subject ko ngayong umaga. "HAHH pala ha? hahaha" hagikhik ni kuya mula sa labas ng kwarto ko. "Bilisan mo na jan at nakahain na ang almusal. "sige kuya mga 10 mins baba na ako", dali dali akong kumuha ng towel at naligo sa cr sa loob ng aking kwarto, after 2 mins ay nkalabas na ako ng cr at nag ayos na ng sarili, since simple lang akong tao at walang kaarte arte ay mabilis lang akong natapos at bumaba na ako.. 

"ohh kala ko 10 mins langbakit ka inabot ng 15 mins?" ang ngingiti ngiting sabi ni kuya,, "abat inorasan talaga ahh" tugon ko. "o sya kumain kanat maisabay ka na namin ng kuya mo" singit ni papa. 

Habang nasa sasakyan ay panay pang aasar sakin ni kuya since 2 lang kaming magkapatid ehh close na close kami nyan, siya si kuya Josh 23 yrs old matangkad at mas gwapo sakin..haha.. at kasalukuyan siyang nag tatrabaho sakompanya namin as assistant ni papa. 

"oyy kelvin ndala mo ba ang comforter?" tanong ni kuya "HUH? bakit ko naman dadalhin yun?" taka kong tanong sa kanya. "haha baka kasi antukin ka mamaya sa klase nyopara may mahigaan ka, sleepy head ka pa naman" pang aasar nya sakin. "haha tado ka kuya ehh kaw ba nadala mo yung ref?" balik kong tanong sa kanya. "Eyyy grabe ka naman ano kala mo sakin ganon na katakaw?" sagot niya. "haha bka naman atakihin ka ng pagka glutton mo malayo pa naman ang canteen dun hihihi.." na ikinahagalpak naman ni papa. "oyy pa ganon na ba ako katakaw?" parang batang tanong niya kay papa. "ewan ko sa inyo pero napansin ko ahh laging nauubos yung mga pagkain natin sa ref ". na siya namang ikinahagalpak ko sa katatawa. "sige kuya amng asar kapa karma lang ya hahaha". "atleast bawi naman sa katawan!" sabi niya sabay flex ng kanyang braso "di katulad ng iba jan buto't balat na" banat nya "HAH!! mahiya naman ako, sa macho kong to?" "tssspuro hangin naman ang laman" 

dahil sa pagaasaran namin ni kuya ay adi ko na namalayan na nasa gate na ala kami ng school. "Eyy tama na yan Vin dito ka nalang, ano plano m after class?" tanong ni papa sakin. "ay pa wag mo na yang alalahanin may sarili yang paa" singt naman ni kuya. "Kuya hah nakakarami kna ngayon, may oras ka din" sabay ngisi ng parang aso,,"pa siguro mag cocomute nalang ako pauwi para mka pamasyal pa.hehe cgeh bye" "sige anak ingat ka" 

To have more info, ako pala ay isang nursng student sa isang sikat na nursing school dito sa Davao, Ang gusto sana ni papa ay about business ang ipakuhang course saken kaso wala siyang magawa ehh haha.. tapos bobo din ako sa math..:D 

Mat ang first subject ko ngayon which i really hate, kaya nga nursing ang kinuha ko kasi malayo sa math pero ito siya ngayon lapt ng lapit saken,, ahhh kaasar talaga to ohh. Since first day of class pa naman it's all about orientation and self intruducing. Isa isa kaming nagpakilala sa harapan kahit mejo nahihiya ma ako ay nilulun ko ng buong buo ang pagiging mahiyain ko. Napag alaman kong halos lahat ng Classmate ko ay hinde tga rito sa davao. 

Dahil mejo sa likuran ako nka upo a last akong nagpakilala "ngeks ang tagal ng turn ko.", "Mr. at the back it's your turn" sabi ni Ms. Victory. "Hi ako nga pala si Ralph Kelvin Tamarez just call mi "Vin" or "Vince" 16 years old I hope magkakilanlan tayong lahat. 

"Thank you Mr. Tamarez you may now take your seat pero wag doon sa likod just sit beside mr. Francisco" "yes ma'am" magalang kong sagot sa kanya at tinungo ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Mr. Francisco ba yun? 

"Vince pare" pakilala ko sa kanya sabay abot g kamay para makipag kamay "Pare Ben nalang" at nakipag kamay siya 

Dumaan ang maghapon at ako namay walang problema sa aking unang araw ng college, at maswerte ako at nagkaroon ako ng mga bagog kaibgan kaya hinde naman ako nahirapang mkapag adjust. 

Dumaan din ang ilang linggo at unti unti na rin akong nasanay sa aking kapaligiran at mas dumami pa ang aking mga kaibigan at unti unting lumalabas ang pagka kalog at kakulitan ko. 

isang araw habang kumakain kami ni ben sa canteen "oyy vince tingnan mo yug mga chicks sa kabilang table ohh tingin ng tingin sa atin hehe" bulong niya sakin sabay taas baba pa ng kilay ang loko.. "tapos?"a pabalang kong sagot sa kanya., Sa totoo lang at hindi naman sa pagbubuhat ng sariling upuan ehh may angking kaggwapohan at kakisigan naman ako at ang besfriend kong to ehh ay napakahabulin ng mga chicks dahil malakas ang kanyang charm pagdating sa mga babae samahan pa ng kanyang buffed na pangangatawan nahalatang batak at alaga sa pag gygym.  

"alam mo na!!! haha" nakangiting aso ang loko.. "hoy..hoy..hoy.ano na namang kahalayan ang nasa kokote mong loko ka?" "wala ahh kaw talaga" sagot naman niya. "Pero seryoso pre ahh, nagkakagusto kaba sa mga babae?" tanong niya "huh? aong klaseng tanong ba iyan syempre naman haha. "talaga lang ahh? so nka ilang gf ka naba?" at ang tanong na ito ay sya namang ikinatameme ko dahil hindi naging maganda ang ending ng kauna-unahang gf ko kasi halos ibigay ko na ang lahat at halos sa kanya nalang umiikot ang mundo ko pero alam nyo kung anong masakit? ehh yung pinagpalit nya ako sa itinuring kong bestfriend. 

Tila nabasa ni Ben ang pag iba ng mood ko kaya sinabi nalang niya na "ahh sorry" makikita mong sincere sya. "okay lang" tugon ko at ikinuwento ko sa kanya ang lahat. "pare I understand you" "wala yun and besides tanggap ko na at mas enjoy kaya maging single iwas stress and im enjoying my freedom.. haha" sabay batok sa kanya "arayyyy para san yun?" habang hinihimas himas niya ang tinamaang ulo "para yan sa pagpapaalala mo sakin loko ka! hehe" 

Natapos ang first sem ko at sa awa ng diyos ehh nkapasa naman ako pero ikinalulungkot ko ay may mga classmates akong hindi nakapasa sa chemistry which is the one and only major subject pag firstyear kapa, pambihira talaga yang subject na yan pati ako muntik nang bumagsak. 

Ispend my vacation hanging out with my kuya at papa., minsan dun ako tumatambay sa office ni papa pag naboboard ako sa bahay, atleast kasi dun nakakatulong ako kahiy papano, binisita din namin ang lola sa probinsya talaga namang napakasaya ko nung bakasyon kahit sandali lang. 

2nd sem first day of school ay exited akong pumasok at maaga talaga ako, habang naglalakad ako papasok sa gate may isang babaeng tumatakbo palabas then suddenly nabangga nya ako nawalan sya ng balanse buti nalang nahawakan ko ang kamay niya at nakabawi siya sa pagkakaout of balance but when i look upon her,,, I was mesmerized she was so simple looking pero mahahalata mong mayaman siya dahil sa kanyang kutis, malamlam ang kanyang mga mata, cute na ilong, manipis na mga labi mapula pero hindi dahil sa lipstick, shes so simple but shes irresistable, and shes adorable. "Hmm ang kamay ko po" mejo nahihiya niyang sabi, then i snap out sa pagkakakatulala. "ahh sorry" at binitiwan ko na ang kanyang kamay at sa pagkakataong iyon ay nahiya ako ng sobra,. "sorry din nagmamadali kasi ako" then she run away heading the parking lot at naiwan akong nakatulala, when im about to compose my self may napansin akong bookmark sa sahig, isang simpleng bookmark na may design na music notes at may nakasulat na "cath". "so that girl was Cath" ang sabi ko sa aking sarili at wala sariling napangiti at naglakad papasok sa aming room na lutang ang pag iisip. 

---------itutuloy---------

"A BOY'S LOVE STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon