AUTHORS NOTE: First; Guys sorry sa late na pag update hehe nahirapan kasi akong makahanap ng timing para makapag type.Second; sorry din kung pangit tong chapter to hahaha hirap kasing magisip ng mga dapat mangyari. Lastly; wag nyo pong isipin na ako ang character ahh hindi kasi talaga ako yan,,, hahaha..^_^
P.S: paki vote at follow narin po and your comments, reactions, suggestions, corrections, and violent reactions are highly appreciated..:D pasensyahan na rin po ninyo yung mga typo error ko..^_^
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Wahh!!! , ikaw?, paano?, bakit?, anong?” tanong ko sa kanya na hindi maituloy gawa ng pagkakagulat.
“hello” sabi nya na habang nagkakamot ng batok.
“ahh Hi, halika pasok”
“So whats with that’s stick? Kala mo masamang tao?” sabi nya habang tumatawa
“hehe ako lang kasi mag isa dito ngayon, grabe ka rin kasi makapindot ng doorknob ehh” sabi ko habang umiinit ang pisngi sa kahihiyan.
“hmm sorry may aso kasi sa labas, kaya di ko napigilang pindutin ng pindutin yung button” nakatingin sya ngayon sa sahig halatang nag iiwas ng eye contact.
“Ahh ganun ba?, so nag dinner kna?”
“hindi pa ehh”
“tara may mga nakahandang pagkain sa kusina” sabi ko habang papunta sa kusina sumunod lamang sya. Inilabas ko yung mga pagkain na nilagay ko sa ref at ininit as microwave.
“Vince ang dami nyan ahh mauubos ba natin yan?”
“ dito kasi sana sila papa magdidiner kaso lang may emergency meeting sila ngayon.”
“Ahh”
Habang kumakain kami ay nagtanong ako “paano mong nalaman na ditto ako nakatira?”
“Actually pumunta ako sa school kaninang hapon para abangan ka sana, nakita kitang nakatayo dun malapit sa sa entrance gate , kaya lang when im about to pick you may humintong sasakyan sa harap mo tapos sumakay ka, kaya wala na akong nagawa kundi sundan ka tsaka ayaw ko ring hindi tumupad sa usapan”
“HuH?? Ibig sabihin kanina ka pa jan sa labas? Bat di ka kumatok agad?”
“hmm kind of, nakakahiya kasi”
“ehh kung may masamang nangyari sayo?”
“ehh wala naman ahh, tsaka sanay na ako sa mga ganyan”
“sanay pala hah kaya pala halos masira na ang dorrbell sa kakapindot mo”
“Hinde naman sa aso ako sanay sa ibang bagay lang”
“Anong ibig mong sabihin?” I ask with confusion
“ ahh teka teka lang diba dapat ikaw ang kiilalanin ko ngayon?” sabi nya habang tinatapos ang kanyang pagkain.
Tama nga naman sya, masyado lang akong nagiging excited, natapo kaming kumain na wala masyadong usapan kasi baka pag mag tanong akowala na naman akong makuhang sagot. Sinabihan ko nalang sya na dun muna sya sa sala habang nililigpit ko yung mga pinag kainan namin. Pagkatapos kong hugasan ang mga plato ay dumerecho na ako sa sala pero nagulat ao sa aking nadatnan, nakita ko syang tahimik na lumuluha habang nakatingin sa family picture namin..