AUTHORS NOTE: First; Guys sorry sa late na pag update hehe nahirapan kasi akong makahanap ng timing para makapag type.Second; sorry din kung pangit tong chapter to hahaha hirap kasing magisip ng mga dapat mangyari. Lastly; wag nyo pong isipin na ako ang character ahh hindi kasi talaga ako yan,,, hahaha..^_^
P.S: paki vote at follow narin po and your comments, reactions, suggestions, corrections, and violent reactions are highly appreciated..:D pasensyahan na rin po ninyo yung mga typo error ko..^_^
Kinabukasan habang nasa hapag kainan
“Pa, kuya may bisita pala ko mamaya paki prepare ang bahay ahh” masaya kong paalam sa kanila.
“Aba aba kung makapag utos lang para kaming mga katulong ahh” bara ni kuya “Hinde pwede mahal ang serbisyo ko Kelvin boy...”
Okay lang kuya babayaran kita kahit ilan gusto mo”
“Aba bago yan anak ahh mabuti naisipan mong magdala ng bisita dito, sino pala yan Vin?”
“Pa naalala nyo ba yung sinabi ko sa inyo na babae na nakakuha ng pansin ko?”
“ahh yung sinabi mong kikilalanin mo?, teka nanliligaw kana vin?” tanong ni papa na mahahalata mong naamuse sya.
“Kelvin boy wag masyadong mabilis ahh baka hmmm….” Pag tease sakin ni kuya
“haha grabe naman kayo makapag isip gagawa lang naman kami ng assignment report namin, sinwerte lang ako sya nagging partner ko. Ditto pala kami mag didiner para hindi magipit sa oras”
Ahh at tango lang ang isinagot nilang dalawa.
“sige Vin anong oras pala kayo makakarating? Si papa
“siguro around 4-5 pa”
“just call or text pag natapos na klase nyo para masundo kayo ni kuya mo!”
“Pa bakit ako? Pwede naman silang mag comute ahh” hahaha namamakto na namn tong kuya ko, parang bata ehh katanda-tanda na, nakakapagtaka talaga na nagging kuya ko to! Pero sweet naman pag may kelangan, kung wala naman puro pang aasar lang ang laman ng kukote kaya naman walang tumatagal na karelasyon kasi lagging nababadtrip sa kanya ang mga nagging gf nyan.
“Josh babae ang bisita ni kelvin, kaya pag bigyan mo na minsan lang namn yan ehh> paliwanag ni papa “and besides may hinihingi ka sakin diba?
“Okayy pa, so it means my wish will be granted asap?”
“soon anak” sabay ngisi ni papa at balik sa pagbabasa ng dyaryo.
“Ano yung wish mo ya?” “Ayyyy it’s not of your business kiddow hehe”
“okay malalaman ko rin naman yan”
“Sigepa mauna na ako txt lang ako mamaya pag patapos na ang class namin”
“Sige ingat” at pumunta na ako ng school. Nag cocomute lang ako kasi ayaw kong magpahatid, para kasing bata pag hinahatid pa. gusto ko ring maranasan ang buhay ng mga estudyanteng nagcocomute lang.
Pagdating ko sa school tamang tama papasok na yung professor naming sa anaphysiology si ma’am Pete. At nang makapasok ako ako sa room ay hinanapko na agad si cath pero sa kasamaang palad ehh wala pa sya, nakakapagtaka lang kasi hindi naman yan sya nalelate. Isinantabi ko nalang ang pag-aalala ko, “baka natraffic o baka tinanghali ng gising” sa isip ko lang. nag start na ang class wala parin, 7:50 wala, 8:30 wala parin kahit anino lang man niya, 9:45 na at patapos na ang class naming walang Cath parin ang dumating kaya nababahala na ako na baka umabsent sya, paano nalang ang usapan naming mamaya? Wala pa naman akong number niya.., natapos na ang klase walangtalagang cath na dumating nadismaya ako kasi baka hindi matuloy yung usapan namin.
“uyy Vince naano ka? Bakit ganyan mukha mo?” siRC habang nagliligpit ng mga gamit nya. Yagi ko yang kaseatmate na singer ng section naming na isa rin sa pinakamaingay at kalog pag nasa mood. Tahimik at maldita pag wala.
“ahh wala” pag sinungaling ko
“oyy inlove ata ahh……oyyyy….” Pang aasar niya
“inlove ka jan tumahimik ka nga!” Saway ko
“Classmates inlove si Kelvin!!!!” sigaw nya sa loob ng kwarto
“Charrrr…” sigaw ni Colleen
“Sino yan Vince?” sigaw din ni Euni
“Oyy kilala ko yan!!! ‘Hint’ absent sya ngayon” si ben
“Tumigil nga kayo mga buang!!” Saway ko sa kanila na umiinit na ang tenga kot mukha
“si Cath?? Vince crush mo si Cath?!! oyyyy si vince lumalandeeeeee!!!” si RC na parang kinikilig
“oyyy nag bablush sya ohh” si Grace
“Oyyyyyyyyyy” sabay sabay nilang sabi
“Oh great..! Now im stucked with this brainless people hahaha paano ako makakawala ditto?...” sa isip ko lang.
“oyyy” sabi ko at nakisabay nalang ako sa kanilang pang aalaska.
“Vince wag na mahiya aminin mo na!!” si Kent
At dumating na yung teacher naming sa chemistry at yun puro discussion na naman. But until now I’m still wondering why Cath doesn’t come today. I can’t focus focus now from listening, now she makes me worried. May problema kaya sya?, may nangyari kayang masama sa kanya?, Now I’m being paranoid.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang nag aabang ako ng taxi pauwi hindi ko maiwasang mapatulala, bagsak balikat akong nakatayo sa sidewalk… Kring!!! Kring!!! Kring!!! Ang cp ko, si kuya pala tumatawag…
“Hello?”
“Vince tapos na klase nyo? I’m on my way to your school” naalala ko palang susunduin nya ako ngayon.
“Ahh hindi kami matutuloy ngayon” malungkot kong sabi sa kanya
“Nagka problema ba?”
“Absent sya ngayon ehh”
“Sige sige sunduin nalang kita”
“Okayy ditto lang ako sa harapan ng main entrance maghintay” sabi ko at pinutol na ang linya
After 15 mins dumating na sya at sumakay na ako,,. Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik lang kami, wala akong ganang makipag usap ngayon, at alam kong alam ni kuya yun.
Nang makasating na kami sa bahay ay nagsalita na si kuya “vin may emergency meeting kaming puputahan ni papa ngayon. Mejo gagabihin kaming uuwi ngayon. Pero nakahanda na lahat para sa dinner sana natin mamaya, kaya help yourself nalang ahh” “sige kuya” sabi ko nalang at lumabas na sa sasakyan at pumasok sa bahay.
Pumunta muna ako sa kusina upang icheck kung anong inihanda nila papa. Nakita kong maraming pagkain ang natatakpan sa itaas ng lamesa, wala na akong magawa ehh kaya I just shove it in the fridge at pumunta na ako sa kwarto para gawin yung mg assignments ko.
It’s about 7pm amd i’m still doing my assignments when I hear the doorbell is now making noise which means may bisita kami. Nakakapagtaka lang, sino kaya yan? Ganitong oras?, lumabas ako ng kwarto upang tingnan kung sino yung doorbell ng doorbell.
“sino yan” sigaw ko ngunit walang sumagot,, doorbell pa rin ng doorbell. Mejo kinakabahan na ako “Sino kaya to?”
“sandali lang!!” sigaw ko ulit pero hindi parin tumitigil sa kakapindot ng switch ng doorbell ang tao at lalo pa talagang binilisan. At yun kinabahan na talaga ako ng sobra. Kinuha ko yung arnis ni papa na nakalagay sa malaking vase sa tabi ng pinto at dahan dahan kong hinawakan ang door knob, pinagpapawisan na ako ng malamig ngayon at nanginginig na ri ang mga kamay ko. Ako lang pa naman mag isa ngayon dito sa bahay.
Hawak ng kanang kamay ko ang arnis at sa kaliwa naman ay ang doorknob dahan dahan kong pinihit at inunlock pag bukas ko ay "Wahhhhhhhhhh"
-------ITUTULOY-------