"I Don't Know His Name"
By: PaperMachine26
Her POV
I don't know him-- everything about him.
EVEN HIS NAME.
Nagsimula ang lahat nung summer vacation. I'm a first year high school. I have summer classes dahil paminsan-minsan absent ako, due to my sickness.
I was in the library's window, staring at the blue sky. Nakapahalumbaba ako habang nakakatitig sa taas, ginagawa ko kanina ang homework ko dito pero tinamad na ako. Ewan ko, I feel like I'm tired.
"Ms. De Guzman, ano pang ginagawa mo dito? Kailangan mo pangmagpahinga." Napalingon ako sa nagsalita and saw the class's adviser - Ms. Geda.
I shook my head at bumaling sa mga paperworks na nasa harap ko. "Tatapusin ko lang po ito, Ms. Geda, tapos uuwi narin po ako at magpapahinga." I smiled to ease the worriness from her face. Ayoko nang nag-aalala pa sila para sa'kin, malakas pa naman ako.
She sighed. "Fine. But, bilisan mo na at hihintayin ka ng sundo mo mamaya sa labas, okay?" I smiled then nodded. Pinagpatuloy ko na ang paggawa ng homework ko para makauwi agad ako. For sure, nag-aalala na sila Mommy.
I was about to write on my notebook nang may narinig akong pagbasag. Then, I realized na ang katabi ko palang bintana ang nabasag. Nang dahil sa gulat ko, nahulog ako sa upuan at kasalukuyan ngayong nakatitig sa mga bubog na nakakalat sa sahig. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko alam kung anong bagay ang tumama sa bintana at nabasag i'yon.
Nagulat ako ng biglang may humila ng braso ko, gulat akong tumingin sa kanya. "Okay ka lang ba, Miss?" He asked worriedly. Hindi ko alam ang nangyayari sa'kin at nastarstruck ako sa mukha n'ya. He looked so hot with those sweats running down through his face. I think kakagaling n'ya lang sa pagtakbo, halata namang hinihingal pa s'ya.