"I Don't Know Her Name"
By: PaperMachine26
His POV
I don't know her -- everything about her.
EVEN HER NAME.
Naglalaro kami ngayon ng mga kateammates ko sa Soccer. Trip lang muna namin maglaro, wala pa kasi ang iba naming teammates kaya kami muna ang naglaro.
Sinipa ko ang bola at sakto i'yon sa net. Napasigaw ako. "Kita n'yo 'yun? 'Di n'yo kaya 'yon!" At tumawa ako ng malakas.
"Hmp! Lucky day mo lang ngayon! Humanda ka mamaya!" Tyler said at mukhang handa nanamang sumugod. Nasa sakanya ngayon ang bola.
Napabaling naman ako kay Von. "Oo nga! This time kami na ang mananalo, Midget!" At tumawa silang dalawa.
Umiinit ang dugo ko at tinignan sila ng masama. "Hindi nga sabi ako Midget!" Sinugod ko na silang dalawa at mabilis pa sa alas-kwatro ko nakuha sa paanan ni Tyler ang bola at tumakbo.
"Hoy! Ang daya mo!" Narinig ko sigaw ni Von. Lumingon ako and stick my tongue to them. Nakakatawa 'yung mukha nila. Ngunit laking gulat ko ng madapa ako sa isang bato. "Akin na 'to!" Kinuha nila ang bola sa'kin at tinawanan nila ako pagkatapos. Kainis.
Nagulat ako ng makita na mali ang sipa ni Von kaya sa kabilang direksyon ito napunta. Sinundan ko ang tingin ng bola at laking gulat ko na ang karoroonan ng bola ay mayroong tao!
"Von! Ano bang ginawa mo?! Ba-" Napinhinto na ako ng nakarinig na ako ng pagbasag. "Shit." Pabulong kong sambit at dali-daling tumakbo papunta building na'yon.
Binuksan ko agad ang pinto at nakita ang isang nakaupo sa sahig na babae. Agad akong lumapit sakanya at hinila ang braso. Parang nagslowmotion ang paligid nang iniharap ko s'ya sa'kin. Gulat na gulat s'yang nakatingin sa'kin. Bumalik ako sa wisyo ko. Ano bang nangyayari sa'kin?