"Jexel wag mo ko iwan. Parang awa mo na". Pagmamakaawa ko sa boyfriend ko."Anica tama na. Hindi na kita mahal".
"Ouch! Sinunghaling ka. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo hindi mo ko iiwan. Sabi mo magsasama tayo habang buhay. Sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Anica matagal na yun. Kalimutan mo na yun. Oo, sinunghaling na ako. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero wala na talaga tayo." galit na sigaw nya sakin at bigla nang umalis.
Ang sakit. Sobrang sakit. Siya ang kauna unahang naging boyfriend ko. Magdadalwang taon na din na kami pero sinayang nya. Napakawalang kwenta nya.
"SIMULA NGAYON HINDI NA AKO MAGTITIWALA AT MANINIWALA SA MGA LALAKI. PAREPAREHO LANG KAYO." malakas kung sigaw.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Mahal ko si Jexel. Mahal na mahal. Pero sinayang nya yung matagal na pinagsamahan namin.
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag para tawagan ang mga kaibigan ko. Ang mga kaibigan ko na alam kong makakatulong sakin.
*ring* *ring*
"Isa sagutin mo. Wag kang makisabay sa galit ko. Kailangan ko kayo. Sh*t!
Hindi nya sinagot kaya nagtext nalang ako sa kanila.
To: Iza; Lucy; Sara
Hey bitches! Bar tayo.
Sent
*Zzzzzz* biglang nagvibrate ang cellphone ko. Dali dali ko namang tiningnan.
From: Sara;
Sige bitch. Dun pa din?
To: Sara
Yup.
Sent
From: Lucy;
Ge. :)
From: Sara;
Ahh. Sige. Bihis lang ako. :*
From: Iza;
Bitch, sorry di ko nasagot call mo nasa baba kasi ako. Sige. :) punta na ko.
Di ko na nereplyan. Yan ang gusto ko sa mga kaibigan ko isang text o tawag lang andyan na agad sila.
Umalis na ako sa park para pumuntang bar. Buti nalangmaayos ang suot ko ngayon. Di ko na kailangang umuwi.
***
"Hey Anica!" bati sakin ni Iza.
"Ohh! Hi Iza mylabs!" balik kong bati sa kanya. Sabay beso.
Biglang dumating na din yung dalawa.
"Hi guys." sabay na bati ni Lucy at Sara samin saka nabeso at umupo.
"Ani, anong problema at pinapunta mo kami dito?" tanong ni Lucy.
"Ahh. Simple lang naman. Sabi ko sabay tulo ng luha. Break na kami ni Jexel. Nakipagbreak sya sakin kanina. Iyak kong sabi sa kanila.
"Ano? Break na kayo? Panong nangyare yun ehh nitong mga nakaraang araw halos hindi na kayo mapaghiwalay." sagot ni Iza..
"Hindi ko din alam ang dahilan ehh. Basta sinabi lang nya sakin na break na daw kami." paliwanag ko habang tuloy tuloy pa din ang iyak.
"Hey girl! Tama na yan. Wag kang mag iyak ng dahil lang sa lalaki. Madami pa dyan." ani Sara
"Madami? Yoko na girl. Parepareho lang sila. Mga manloloko." sabay inom ko ng alak.
"Ani wag mo namang lahatin. Sige iinom mo lang yan. Mawawala din ang sakit nya." turo ni Lucy sa dibdib ko.
Yun nga ang ginawa ko uminom ako ng uminom.
"Pagkatapos ng gabing ito kakalimutan na kita. Aalisin na kita sa buhay ko. Kakalimutan ko lahat ng alaala na ginawa natin. I hate you Jexel. I hate you." bulong ko sa sarili ko.
Bigla nalang may humila sakin. Yun pala si Iza.
"Girl sayaw tayo. Tama na kakaemote mo dyan. Walang mangyayare kung magpapakalasing ka lang."
Sumama ako sa kanya sa dancefloor. Siksikan sa bar sobrang daming tao. Hindi na ako makapaglakad ng ayos dahil nahihilo na ako. Dami ko kasing nainom. Muntikan na akong matumba buti nalang hawak ako ni Iza.
Sa punakagitna ako dinala ni Iza at bigla nalang nawala sa paningin ko.
"Asan na yun?" sabi ko.
Nagulat nalang aki na may biglang humawak sakin. Di ko na masyadong makita ang muka dahil nanlalabo na ang mata ko. Hilong hilo na ko. Kunting galaw ko nalang siguradong matutumba na ako.
Umalis na ako sa gitna ng dancefloor. Pagiwang giwang akong naglakad. Hindi ko alam kung san na ako napapunta. Sobrang labo na ng mata ko.
Maya maya lang may nasagi akong sofa at bigla akong nabagsak. Bakit ganun? Sofa tong binagsakan ko pero parang ang tigas?
Sa sobrang kacurious'an ko kinapa ko kung ano ang naupuan ko. Isang matigas na bagay. Itinaas ko ang kamay ko. May nahawakan ako na parang bato. Parang abs ng lalaki. Teka san ba ako napunta?
Itinaas ko pa ang kamay ko hanggang sa makapa ko ang muka nya. Ang lambot ng pisngi nya. Ang tangos ng ilong. At ang nipis ng labi. Mahaba ang pilikmata nya. At medyo makapal ang kilay. Teka sino ba to.
Unti unti akong tumayo pero bigla akong hinila nung pinagkakaupuan ko. Bigla nya akong niyakap. Tatayo ulit sana ako pero naramdaman kong komportabe ako sa kanya. Feeling ko walang mananakita sakin ngayong yakap nya ako.
Ngayon ko lang naamoy ang bango nya pala. Sa sobrang pag uusisa ko di ko na alam kung pano aalis dito. Bigla akong nahilo. Inaantok na din ako. Unti unti akong nawawalan ng diwa pero narinig ko pang nagsalita ang misteryosong lalaki.
"Akin ka nalang Anica".
Ang huling salita na narinig ko at bigla nalang akong nakatulog.
---
BINABASA MO ANG
Touch Me Like You Do
Romance*** Prologue --- Nagbitaw ako ng isang salita na hindi ko naman pala kayang panindigan. --- Characters: Anica Chua Jacob Chin Nico Lee Shine Go Jexel Fhang Lucy Perez Iza Yu Sara Padua --- Hi readers! :) I hope you like my story. First time ko pong...