Pasensya na kung ngayon lang nakapag update. Masyadong busy sa school. :) K. Enap.Enjoy reading ! :)
--
Nagising ako ng mahapdi ang mata ko. Tumayo ako sa kama at pumunta sa harap ng salamin. Tiningnan ko ang mata ko. Sobrang pula nito at namamaga pa.
Pumunta akong cr para maghilamos. Di ako nakuntento sa paghihilamos kaya naligo na ako ng tuluyan.
Pagkatapos kong maligo kinuha ko ang cellphone ko sa kama at sa napagpasyahang bumaba.
Nakita ko si manang sa paglilinis sa sala. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.
"Iha kumain ka na. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa."
"Mamaya na po Manang. Di pa po ako gutom." sabi ko dito ng hindi ako tumitingin sa kanya.
Feeling ko gutom ako na hindi. Ewan ko ba kung bakit ganto ang pakiramdam ko.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa panonood kahit puro cartoons ang palabas.
Bigla nalang nagsink in sa utak ko na itetext ko nga pala si Nico para sabihin na hindi ako makakapasok.
To: Nico
Nics di nga pala muna ako makakapasok masama pakiramdam ko.
Sent
Ilang minuto palang ang nakalipas ng magvibrate ang cellphone ko.
From: Nico
Ahh. Ganun ba? Sige. Take care Anica. :)
Pagkabasa ko nun di ko na sya nireplyan pa.
Alam ko namang maiintindihan nya ako. Masarap kasama yan si Nico. Lalo na kapag namamasyal kami lagi nya akong nililibre. Kahit lunch namin sa clinic treat nya lagi.
One time nga nung nagbar kaming dalawa nung medyo may tama na kaming dalawa umamin sya sakin na gusto nya ako.
Di ko nalang pinansin dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Tsaka hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. At alam naman nya yun.
Inabot na ako ng tanghali sa panonood. Paboring ng paboring ang mga palabas kaya napagpasyahan kong pumunta sa mall para magshopping. Para naman makapagrelax. Lately kasi lagi akong stress sa trabaho tapos ngayon dinagdagan pa nung Jacob na yun. At para na rin makabili ng bagong damit. Wala na akong masuot ehh.
Hayyy! -_-
Nagbihis na ako. Simple lang ang suot ko ngayon. Nakashort at hanging sando lang ako at pinartniran ko ng plat sandals.
Kinuha ko ang bag ko saka nagpaalam kay Manang.
Sumakay ako ng kotse ko at mabilis itong pinaandar. Madali naman akong nakarating.
Pagpasok ko palang ng mall pinagtitinginan na ako ng mga tao.
Bakit ba ganyan sila makatingin? Ngayon lang ba sila nagkita ng maganda? Hahaha. Joke lang. Pero maganda naman talaga ako. Hahaha
Bago ako pumasok sa isang boutique pumunta muna ako sa isang restaurant. Gutom na rin ako dahil hindi nga pala ako kumain kanina ng agahan.
Umorder na ako. Pati mga crew ng restaurant na to nakatulala sakin. Bakit ba? Hirap ng maganda. Hahaha.
Inikot ko ang paningin ko para makahanap ng mapwepwestuhan. Sakto namang iisa nalang ang bakante mesa.
Dali dali akong pumunta kung nasan ang mesa pera pagkalapag ko ng order ko bigla nalang din may naglapag ng pagkain sa mesa.
BINABASA MO ANG
Touch Me Like You Do
Romance*** Prologue --- Nagbitaw ako ng isang salita na hindi ko naman pala kayang panindigan. --- Characters: Anica Chua Jacob Chin Nico Lee Shine Go Jexel Fhang Lucy Perez Iza Yu Sara Padua --- Hi readers! :) I hope you like my story. First time ko pong...