CHAPTER THREE

11 0 0
                                    

<ALICE'S POV>

Kanina pa ko nakakulong dito sa kwarto ko, hindi ko ba alam kung bakit hindi ako lumalabas dito.

Gusto ko maging wag mag-maldita ngayon, tutal, wala rin naman akong masusungitan ngayon.

Gusto ko mag-drowing, oo, porket maldita ako wala na kong talent. Duh, remember, maldita, hindi nagpapahuli.

Kukunin ko na sana yung drawing book ko, na galing Italy.

Nang biglang nahulog ang family picture namin, na nakapatong sa desk. Nabasag, malamang, but, nabasag lang si Mommy, kami ni daddy, ako, si George, at Paul ay buo pa. Bigla nalang sumama ang pakiramdam ko, may parang hindi maganda e.

“Alice, ano ‘yan? Baki— ito na ba ang kabayaran sa pagiging maldita natin? No,” sabi nya, bakit ba? Frame lang ‘yan, di ba? Pwede pa mapalitan. Tumulo nalang yung luha ni Georg. Ugh! Ano ba?

“Bakit ba?” tanong ko, ang kulit, hindi sumasagot, taasan ko nga ng isang kilay.

“Oo na, ito na. Masama ‘yan, lalo na, *sniff* lalo na, na, si mommy lang ang nabasag.” sabi nya, ha? Di ko gets, slow ko ngayon ah.

“Anong kasamaan naman ang dulot nyan?” tanong ko ulit. Halatang naiinis na sya, kasi tanong ako ng tanong, pero, palagi naman syang barado sakin kaya, sasabihin nya nalang. No choice e.

“Kasabihan lang ‘to ah, mamamatay daw.” sabi nya, nag-gasp lang ako pero ang sabi 'DAW', Daw; means, hindi pa katotohanan. T‘saka, kasabihan lang naman.

Medyo kinakabahan ako, pero, I'm trying not to believe, kasabihan lang naman.

“George, alam mo, ang funny mo.” sabi ko. Sabay hawak sa balikat nya.

And, smile.

“Funny?” tanong nya, nagsalubong ang mga kilay nya.

“FUNNYwalain, no? Kasabihan, hindi tayo sure, t‘saka ang sabi mo, 'DAW' o, kahit ikaw nga e, hindi pa sigurado.” sabi ko habang naka-smile, at tinarayan sya sa huli, at inalis ko yung pagkakahawak ko sa balikat nya.

“Ang ganda ng joke mo no? Nakakatawa, ha.ha. Grabe!” sabi nya.

“Tss. Ako pa ba?” pagmamayabang ko sakanya. Duh, ang galing ko kaya mag-joke, grabe nga tawa nila e.

“Humugot line, ka nga!” panghahamon nya sakin.

“Yuck. I'm a Princess, pang tambay sa kanto lang ‘yan no!” sabi ko.

Bakit naman ako huhugot? Wala kong dapat hugutin, tamad ako. Ang bigat kaya, so, bakit ko pa sila huhugutin?

“Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong!” pangaasar nya sakin. Batukan ko nga, two times pa. Solid batok pa!

“Pano pag humugot ako? Ilalaglag kita sa hagdan.” sabi ko. Tumango naman sya, akala nya siguro, hindi talaga ako marunong humugot? Duh,

“Ang PLASTIK tinatapon, hindi pinapakalat, o, ngayon? Dumadami tuloy ang lahi nila. Nandito na nga sa harap ko e.” sabi ko, hindi ko lang alam kung hugot ba ‘yun.

Tumahimik lang kami mga five minutes, bakit? Pakialam mo?

“Binabawi ko na ‘yung about sa hagdan, bye!” tumakbo naman sya agad palabas ng kwarto ko.

Kahit kailan talaga! Napaka-duwag naman talaga nito ni George.

<THIRD PERSON'S POV>

Para kay Georgina, hindi lahat ng oras ay mataray sya, tutal, may pumalit na din naman sa trono nya, so, bakit pa sya magsusungit? Kung baradong-barado na sya kay Alice.

“Gusto ko pumunta sa coffee shop!” utos ni Georgina sa mga alipores nya.

Ngayon, ang kamalditahan nya, ginagamit nya, for emergency, or sa kalokohan. Katulad ngayon, gusto mag  CS.

“Pero, Ma'am George, hi—” sabi ng Yaya. Natigilan sya.

“What? George? Excuse me, close ba tayo? Sa pagkakaalam ko, YAYA ka lang dito. And, only Alice, can call me that!” pagtataray nya sa maid.

Nagulat ang maid, dahil hindi naman nya akalain na maldita si Georgina, hindi rin naman kasi ganito si Georgina these past few days, mabait sya, at basta.

“O? Hindi mo ba alam na? Pure Maldita ako? Ini-stop ko lang, dahil. Kailangan ko pa ba i-explain? Alam ko, hindi na, kasi wala rin namang may pakialam.” pagsusungit ulit nya.

Oo, ini-stop nya lang ‘yun, dahil kailangan, about sa image nya, as a first Princess in Callabourn. Pero, ewan ko lang sakanya kung ibabalik na ba nya ‘yung kamalditahan nya.

Umalis na lang si Georgina, at bumalik sa kwarto ni Alice. Hulaan ko, hihingi ‘yan ng advice.

Tok tok...

“O? Bakit nanaman? Bagong kasabihan? Sorry, ayaw ko makinig sa ka-boringan mo.” pagtataray ni Alice kay Georgina.

Kahit mas panganay pa ‘tong si Georgina, kung makaasta si Alice parang panganay. Okay lang ‘yan, dulot lang ‘yan ng pagiging MALDITA nya.

“I hate you! I'm here to heard some advice from you. Gusto ko na maging MALDITA ulit, ayaw ko ng magpaka-tanga, para lang sa image ko? I don't even care naman kung ayawan nila ko, at hindi na nila ko maging idol. At least, maldita ako. Basta! Maldita ako. Its so rude, ‘yung kapatid mo, tuloy sa pagka-career ng pagiging maldita  tapos ako? Ganito lang? Pa-thug life lang? Ang daya! Ang da— aray naman!” explain nya kay Alice. Batukan nga ni Alice, ang daldal kasi.

“Ang masasabi ko? Edi mag-maldita ka, buhay mo ‘yan, I don't care! T‘saka, wag ka na ngang plastik dyan, show your true color!” sagot ni Alice.

<ALICE'S POV>

Advice daw e, ‘yan, best advice ko. Bakit? Thinking that, ako ‘yung mga taga-advice na galing sa puso talaga? Duh, no. Galing sa utak ‘yung sakin.

“How about my image?” tanong nya.

Ang pu, sabi nya kanina She don't care about her image, ‘tas ngayon? Ang bushell naman o.


“Ano ba? Sabi mo, wala kang pakialam about your image? Tss, bahala ka nga dyan!” naiinis kong sabi.

Pano naman? Ang gulo gulo.

Yumuko sya, tapos biglang humagulgol sa pag-iyak, shella!



“Hoy! Ba-bakit ba?” tanong ko.

Kunwari concern, pero yuck. Bakit naman magiging totoo ‘yun?


“Okay! Thanks for the advice! Don't worry, ibabaon ko ‘yun.” sabi nya, sabay tayo na at binuksan na ‘yung pinto.


“Ay! Ibabaon mo pala? Wag mong ubusin! Baka, wala ng dumating na package e.” pahabol ko.


That's great! It's time for Georg, that show her true colors. Kahit ako, kahit di na ko humingi ng advice e. Kaya ko naman e, maldita ako e, barado naman sila, t‘saka I'm a Princess.


********_____________********
********_____________********
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Madalas, hindi nalabas si Alice sa room, dahil she's a Princess nga. Bawal ang gala, not like me.

Nasa, bahay lang kasi ako palagi, ngayon napaka-gala na. Remember, PEOPLE CHANGE.

MR. B meets MS. MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon