CHAPTER FOUR

14 0 0
                                    

<ALICE'S POV>

Well, wala naman akong magawa sa kwarto. Papasok nalang ako, malay mo, may biglaang schedule di ba?

“So, papasok ka na sa school. Para ano? Para walang malaman, tss.” pagtataray ni George sakin habang nagaayos ako ng bag.

“Ano bang problema mo?” tanong ko,

Nakakagulat sya ngayon ha, maldita sya. Hindi naman nya sakin ‘yan nagagawa.

“Nagpra-practice lang ako. Nakakalimot na ata ako, kung pano maging maldita.” sabi nya, na halatang naiinis na. If I care?

“Bakit ako? Ang daming maid, ‘yun ang pag-practicesan mo! Bahala ka nga dyan.”

Naiinis kong sabi. Freak, kahit sya nagturo sakin how to be a Maldita, wala syang dapat i-taray sakin, baka mapuno ako. Barado nanaman sya.

“Galit agad? Practice lang e.” sabi nya.

Nakakabeast mode.

Lumingon ako sakanya at nakapamewang.

“Excuse me, hindi ako makakatulong sayo, okay? Kaya pwede? Lumayas ka na dito! Labas labas!” pagtataboy ko.

Wala akong respeto? Sana naman nabasa nyo ang mga sinabi ko no? MALDITA. Ako si Ms. M, Ms. Maldita, o?

“Ano ba ‘yan! Ito na nga, lalabas na.” sabi nya sabay kamot ng ulo.

Tok tok..

“A-Alice! Si-si” nagpapanic na sabi ni George.

Tumayo ako ng tuwid, at nagcrossed-arms at tinaasan ko nga ng kilay.

Ako kasi, hangga‘t hindi pa alam, kalmado muna. Ang weird naman, kung nagpapanic sya, nagpanic ka na din.

“Alice, itigil mo muna ang pagma-maldita mo, wala sa oras! Emergency ‘to, halika doon sa royal gate.” pagyayaya nya sakin.

Kalmado parin akong naglakad, chin-up, lakad maldita.

**ROYAL GATE**

“Mo-mommy? Mommy!” sabi ko, habang paluhod ng paluhod.

Eto’ na ba ang kabayaran sa kamalditahan ko? Sobra naman ata’ ang kinuha nila. Sobra! Kahit napaka maldita ko kay mommy, I really love her! And, nobody can change that love! Nanay ko sya e. She's my first lady, friend.

Humagulgol na ako sa pag-iyak, syempre, sino ba namang hindi iiyak kapag nawalan ka ng isang tao na pinaka-importante sayo.

“Alice,” sabi ni George sakin.

“Mommy!” sabi ko.

Sigaw ko habang umiiyak, hawak-hawak na nila ako sa braso, pero kumakalas ako.

Habang sila, kinukuha na nila si mommy, at inilagay na sa strecher.

“MOMMY! Bitiwan nyo nga ako!” sabi ko.

Nakaalis ako sa pagkaka-hawak nila at hinabol ‘yung kotse pero, wala na e. Wala na.

OA mo na Alice. Pilit pumapasok ‘yun sa isipan ko, pero, nasa seryosong sitwasyon ako.

**CEMETERY**

Habang sila nagiiyakan, ako eto’ may hawak na bote, umiinon, paika-ika lumakad.

“Ahhh! Bakit ba? Aray—” natapilok kasi ako.

May sumalo naman sakin. Hindi ko sya maaininag sa hilo ko, nakatulog ako.

…………………

Dumilat na ko, huh? Nagbago na ba ang kwarto ko? Ang bilis naman nila, let me see.

MR. B meets MS. MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon