Chapter Five - Silence means Yes

19 0 0
                                    

<ALICE'S POV>

Ngayon? Kung alam nyo lang na kung gano kasakit yung nabangga ako sa puno. Try nyo, para malaman nyo! So 'yun, dahil dun sa Zeus na 'yun nagkalampa-lampa na ko, ngayon? Ako na yung LOSER OF THE DAY, tuloy. Nandito ako nakaratay, may nakabalot pa sa ulo.

"Gosh. Alice, what happened? Are you okay?" concern na tanong ni George.

May sense ba sya? Kung OO, hindi na sya magtatanong, di ba? 

"Nabangga ako sa puno. Tsk, mukha bang okay ang ganitong kalagayan? Nakaratay sa higaan, may ano sa ulo. Okay pa? Gosh! Think George, think— ah!" Sabi ko.

Aray lang ha, ang sakit na nga ng ulo ko. Kumulo pa ang dugo ko, at umakyat pa. Tss.

"Sorry na. Chill! Ano bang nangyari sa'yo? Share." Sabi ko.

Dang-kulit nitong babaeng 'to! Kakasabi ko lang ng nabangga sa puno, hay! Again? Again and again and again? Shemay!

"Ilan ba load mo?" Tanong ko.

Binigyan nya lang ako ng are-you-serious-look, kyahj. Slow bii.

"200? Basta unli text or call lang ata e. Ewan, bakit?" Nagtataka nyang sagot.

Slow. -_-

Kinuha ko nga yung isang baso ng tubig at akmang ibubuhos sakanya, haha. Nakakakita ng Ninja! Takip agad yung mga wala ring matutulong na braso nya.

Haha! Grabe yung itsura nya, ininom ko lang naman.

"Ah. Kaya pala UNLIMITED KA. Ulitin ko gusto mo? Nabangga ako sa puno. O?" paliwanag kong bored.

I hate this feeling! Ayoko na, gusto ko ng bumangon at humarot, at mag-maldita kaso masakit pa ang ulo ko. Actually, noo yung tumama sa puno. Samantalahin nyo narin ang kabaitan ko, ouch. 

"So ano nga?" tanong ni George.

Chill Alice, chill. I'm trying to chill. Baka kumirot nanaman kasi yung ulo ko e. Mahirap na, baka maya-maya wakas na tong kwento na wala sa oras. 

"Okay, what do you mean?" chill kong sagot.

Lagot 'to sakin kapag okay na'ko. Abusado sya ha.

"Bakit ka nabangga sa puno?" tanong nya ulit.



CHILL!! Aray! 

"Kasi nga, pwede ba? Di ba dapat nagpapahinga ako? Hindi kwine-kwento sayo ang mga nonsense na nangyari yesterday. DI BA? RIGHT? *tumango sya* Okay, good. I'm gonna take a rest para lagot ka sakin." sabi ko sabay smile.

Tumalikod na ko sakanya, at itinaklob ang kumot. 

After a few minutes.....

Oh, I think I'm fine. Oh yeah, I'm fine. I'm back! How's Alice? 

Nagstretch-stretch pa ko at oo nga. Okay na ko. 

Kailangan ko munang mag-linis ng katawan, para nagtataray na mabango pa di ba? 

Tapos na ko mag-shower ng biglang paglabas ko sa shower room. Shellac! Si Zeus nanaman! Bakit naman sya pinayagan pumasok dito? Tsaka nasa kama ko pa talaga sya ha, grabe sya. Buti nalang nagbathrobe pa ko. Tuwalya lang dapat e. 

"Witwew." sipol nya.

Ugh! Nakakainis na 'to ha. Ang bastos pa.

"Labas nga! Labas! Labas!" pagtataboy ko sakanya.

In fairness, natulak ko sya palabas ha? Ang bigat. Kakaligo ko palang ito pawis na.

Tapos na ko magbihis, makapag-drawing nga.

Nasa kalagitnaan na ko ng pagdra-drawing ko.

"Akalain mo nga naman, ang isa daw MALDITA. Magaling mag-drawing, Girlfriend goals!" sabi ni Zeus.

Liningon ko lang sya nung sinabi nya yung 'Girlfriends goals', seriously? 

"Bakit nandito ka nanaman?" tanong ko na nakakunot ang noo.

Pasalamat sya, medyo mahilo-hilo pa tong ulo ko. At hindi kaya mag-maldita.

"Hindi mo kasi li-nock e. Ganito lang o." in-action nya pa yung pag-lock ng pinto ha.

Arghh.

"Alam ko. Buti nalang hindi ka pumasok nung nagbibihis ako no? Kung pumasok ka, kakasuhan sana kita ng tresspassing (malay ko ba kung tama spelling)" sabi ko.

Bumalik nalang ako sa pagdra-drawing ng biglang nasa likuran ko nanaman sya. Shellac naman o! Ayaw ko pa naman na kapag nagdra-drawing ako merong unggoy sa likod ko.



"Aba, aba. Parang ako yang drinaw-drawing mo ah?" sabi nya.

Sya daw 'yun? E babae yung drinaw-drawing ko, short hair lang sya.

"Pano naging ikaw 'yan? E babae 'yan. Tsk. Tsk." sabi ko.

"Crush mo ko no?" sabi nya.

Ngayon ko lang nalaman na feelingero pala 'to.

Hindi lang ako umimik, nakakainis na kasi.

"Tss. Silence means Yes. Crush nga ako." sabi nya habang palabas na, nakawak yung dalawang kamay nya sa bulsa ng pants nya.

Lumingon lang ako ng nakabilog ang bibig. 

_________

CHAPTER FIVE - SILENCE MEANS YES





MR. B meets MS. MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon