Chapter 1

6 0 0
                                    


Takot ang lumalandas sa gwapong mukha ng isang lalaking pinaghahabol ng mga armadong lalaking nakasagupaan niya lang kanina.

"ughhhh, malas naman oo! " ang tanging salitang nabanggit ng lalaki ng makitang dead end na ang dulong tatakbuhan.

Hindi na nito malaman ang gagawin at hinahanda na lamang ang sarili sa kahahantungang kamatayan.

Paano nga ba sya napunta sa ganitong kalagayan??

Naglalakad sya sa isang iskinita ng makita nyang pinagtutulungang bugbugin ng mga lalaki ang isang matandang pulubi.Naawa sya sa matanda kung kaya't wala na syang pakialam kung mapapahamak man sya.Tinulak at pinagsusuntok ang mga ito at itinayo ang matanda.

"I-ikaw..." nanghihinang sabi nito.

"Ikaw *cough* nga...I-ikaw nga ang *cough* chosen *cough* one." nakangiting sambit ng matanda habang umuubo pa.

"Ano po? Ano po ang pinagsasasabi ninyo?" naguguluhang tanong nya sa matanda.


"Hana*cough*pin mo an*cough*g iyong guar*cough*dian...Si-siya *cough* lang ang ma*cough*kakatulong sa*cough* iyo.Hanap*cough*in mo si Ros----" hindi na natuloy pa ng matanda ang sasabihin ng barilin ito ng mga armadong lalaki.

"Sh*t" ang tanging nasabi lamang niya ng akmang babarilin narin siya ngunit buti nalang at agad siyang nakatakbo sa labis na gulat.Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang mga sinabi sa kaniya ng matanda.Chosen one?? Hindi niya maintindihan.



Nagulat na lamang siya ng may magpaputok ng baril at siguradong sa puso niya ito tatama. Napaatras na lamang siya sa gulat at nagtaka ng hindi mahawakan ang pader habang hindi lumilingon sa likod.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw niya ng parang hinihigop siya ng kawalan at parang bumabaliktad ang kaniyang sikmura.


Gayon na lamang ang suka niya ng bumagsak siya sa damuhan.Hindi alintana ang tingin sa kanya ng mga tao roon.Tao nga ba?? Hindi mga pangkaraniwan ang mga nakatira doon na nagpalamig sa katauhan ni Jefte.Kaya gayon nalang ang takot niya ng makita ang isang lalaking naglalakad patungo sa kanya.Mayroon itong mga tenga na katulad sa mga elf at nakakatakot ang mga mata nito na tumatagos sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao.


" Ikaw nga..." Gulat ang rumehistro sa kanyang gwapong mukha ng binigkas ng elfman ang salitang sinabi ng matanda ng unang makita siya nito kanina.Hinila sya nito at napanganga nalang sya ng makitang nasa isa na syang hindi kalakihang bahay na sa tingin nya'y bahay nito ni elfman.

"Dumito ka na muna mortal. Sabihin mo, ano ang iyong pangalan??"elfman

"Jefte... Ako si Jefte Elfman."

"Elfman? Hahaha . Hindi elfman ang pangalan ko chosen one. Ako si Ronnie."

"Ah! Pasensya na po!"sya habang inililibot ang mata sa kabuuan ng lugar.Isa lamang iyong maliit na bahay na kinulayan ng berdeng pintura.Meron ding dalawang kwarto,kusina at C.R. Hindi sya pamilyar sa lugar kung kayat hindi na nya napigilan pa ang sariling magtanong.

"Ano po bang lugar ito? Kanina lang po ay hinahabol ako ng mga armadong tao tapos hinigop ng kung anuman at pagkatapos ay nandito na ako." tanong nya kay ronnie.

"Nandidito ka sa guardiania, mundo ng mga hindi pangkaraniwang tao.Mahiwaga at may mga kapangyarihang nilalang na hindi nakikita sa mundo ng mga mortal."

"Guardiania? Kung gayon , bakit ako nandidito kung ako ay isang mortal lamang?"

"Mortal lamang?Ikaw ang chosen one kung kayat nakapasok ka dito.Malalaman mo rin ang lahat pero sa ngayon ay magpahinga kana muna. Bukas nalang ulit tayo mag usap."elfman

Hinatid na sya sa kwarto ni ronnie at ibinagsak ang sarili sa kama sa pagod na biglang naramdaman.Ngunit bago sya makatulog ay nabanggit nya ang pangalang...









Roselle......"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ROSELLE: THE GREAT GUARDIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon