Bet

4.3K 203 62
                                    

Ano nga ba ang napagusapan ni Vice, Billy at Vhong?

Flashback

"Oh ano nanaman bang problema mo?" tugon ni Vice at niloud speaker ang cellphone para mahanap nya ang powerbank habang kausap sina Vhong.

(Kamusta na dyan Brad?) tugon ni Vhong.

"Pwede ba?! Alam kong may kailangan ka. I mean kayo." natatawang tugon ni Vice.

(Ano ba Vice? Ikaw ha. Baka nakakalimot ka sa pustahan natin ah? Oh, nasagot ka na ni K. Nasaan na bayad namin?) tugon ni Vhong sa kabilang linya.

"Tangina nyo! Pwede bang kalimutan na yang pustahan na yan?" singhal ni Vice.

(Bakit? Mahal mo ba sya? Hoy, may pustahan tayo na kung sasagutin ka ba ni K o hindi, oh, nanalo kami ni Billy. Nasaan na?) sambit ni Vhong sa kabilang linya.

"Di ba kayo makapaghintay? Nasa london pa ko!" tugon ni Vice.

(Ay oo nga pala, balita ko sya leading lady mo ah. Diba dapat si Anne? Bat si K na?) singit ni Billy. Napansin ni Vice na magkasama pala sina Billy at Vhong.

"Pwede ba, tantanan nyo ko!" sigaw ni Vice.

(Ay sus. Mahal mo na ba sya? Bat sya sinama mo dyan?) tugon ni Vhong.

(Oo nga brad. Mahal mo na ba si Karylle?) sambit ni Billy.

It took seconds for Vice to answer, "H-Hindi. Alam nyo namang bakla ako diba! At oo nanalo na kayo sa pustahan nyo. Babayaran ko naman kayo eh, hindi kayo makapaghintay." Magsasalita ulit si Vice nang....

End of Flashback--

"V-vice?" tugon ni Karylle na kanina pa naririnig ang LAHAT ng pinagusapan ni Vice, Vhong at Billy.

(Oy? Si K ba yun, Vice? Hi K!! Musta?) singit ni Vhong. Hindi nya kase alam na nakaloud speaker sila.

Sa sobrang borda ni Vice sa dalawang kaibigan ay agad nyang pinatayan ng linya ang dalawang kaibigan.

Lumapit nang dahan dahan si Vice sa naluluhang si K.

"K-Karylle..." tugon ni Vice.

"Paki...pakiexplain n-naman sakin yung narinig ko.." mahinahon na sambit ni Karylle.

"Karylle---"

"Putangina Vice yung katotohanan lang yung hinihingi ko!" at tuluyan nang humagulgol si Karylle.

"K, let me explain---"

"Tangina naman, Vice! Sabihin mo sakin yung totoo!" sigaw ni Karylle na pinapalo palo ang dibdib ni Vice.

"K... noon.... alam k-kase ni Vhong at Billy na gusto mo k-ko.. dahil nga, l-little pony kita.. kaya nagpustahan k-kami.... na k-kung sasagutin mo ako o hindi. Pag sinagot mo ko, sila p-panalo.. pag hindi, a-ako... n-nanalo sila. S-sila ang panalo... kaya kinukulit nila ako kase di ko pa sila nababayaran." naluluhang tugon ni Vice.

Hindi muna umimik si Karylle, kaya kinuha na ni Vice ang opportunidad na magsalita muli.

"Pero, K.. maniwala ka... mahal kita... Karylle, mahal kita..." sambit ni Vice at tuluyan nang umiyak.

"Sa tingin mo, maniniwala pa ako dyan, Vice?" tugon ni Karylle nang nakatingin diretso sa mata ni Vice.

"K-Kary----"

"Anong ginawa ko sayo, Vice? Minahal naman kita ha! Vice, minahal kita! Vice, bat mo ko niloko? Pinagtripan?!?! Pinagpustahan?!? Putrages naman Vice! Anong ginawa ko sayo? A-anong ginawa ko s-sayo." sigaw ni Karylle habang humahagulgol.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon