Chapter 14

6 0 0
                                    

Dedicate to:Reynalyn Viloria


Ellis

Pauwi na ako.Naihatid ko na rin si Jay pero hindi sa bahay nya diko naman alam bahay nun eh.Papunta na ako ngayon sa hospital,pero hindi parin mawala sa isip ko yung babaeng yun sa prisinto kanina.Hindi ako pwedeng magkamali sya si Lilly sya si Kielly Almazan kaya nung narinig ko yung Almazan kay jayson noon bumalik na naman yung mga ala-ala ko sa kanya.






Pagpasok ko sa room ni reynalyn,naabutan kong tulog na ang kapatid ko.Mahal talaga nya yung bestfriend nya panigurado bukas magkaka stiff neck ito.Nahiga nalang din ako sa sofa.Sa sobrang pagod siguro nakatulog na ako kaagad.




Nagising ako sa ingay ng kapatid ko.

Kuya,kanina pa kita ginigising si besty gising na!!!!!

Edi tinignan ko sya at gising na nga yung bestfriend nya.Nilapitan namin sya

Kamusta?may masakit ba sayo?tanong ko habang hinahaplos ang buhok nya si cherry naman pumunta sa kabilang gilid.

Umiling lang sya at pag katapos nagtanong.Kuya ellis nasan po si kuya?kamusta na sya?mahinahong tanong nya siguro hindi parin alam ni cherry na na coma si wally kasi hindi naman sya lumabas ng room ni reynalyn eh.

Iniisip ko kung paano sasabihin kay reynalyn yun ng hindi sya nabibigla.Naisip ko na naman kung kailan kaya magigising si wally.Nabalik lang ako sa katawan ko ng tawagin ako ng kapatid ko.Di naman ako umalis sa katawan ko eh kasi patay lang ang umaalis sa katawan hahaha tawa na kayo ah......

Kuya katagal mo namang sumagot nasaan ba si kuya wally?tanong ni kapatid kong mataray pero mahal ko.

Ahhmmm,ahhmmm....patay nako hindi ko alam sasabihin ko ba?

Kuya naman eh pasusupense!!ang arte talaga ng kapatid ko.

Umalis si wally kagabi lang ako ang naghatid sa kanya papuntang airport may aasikasuhin daw syang importante wag kang mag-alala habang wala sya ibinilin ka nya sa akin doon ka na muna pansamantala titira sa bahay.paliwanag ko kahit puro kasinungalingan edi ako na sinungaling,kasi alam ko na pag nalaman nya na na coma yung kuya nya baka mabaliw pa yan o kaya mag pakamaay kasalanan ko pa.Hindi ko nalang ipapaalam sa kanya na nacoma yung kuya nya hanggang hindi nagigising si wally.

Umalis?hindi man lang sya nagpaalam sa akin mas inuna pa nya yon kaysa sa sarili nyang kapatid.sus ang drama talaga ng kapatid ni wally magsasalita sana ako pero naunahan ako ng kapatid ko.

Gagi ka besty malamang tulog ka paano sya makakapagpaalam sayo?At tsaka malay mo importante talaga yun baka para sa future nyo.Pero teka kuya bakit hindi sya nagpunta dito kagabi?Ok na sana eh,kaya lang nagtanong pa tong kapatid ko.

Gaga ka din syempre nagmamadali baka maiwan sya nung eroplano.Pagsisinungaling ko na naman.Tumango lang naman silang dalawa at nagpaalam na rin muna ako na lalabas muna para kausapin yung doctor.Oh baka sabihin nyo na nagsisinungaling na naman ako,totoo yun kakausapin ko talaga yung doctor itatanong ko kung kailan makakalabas si reynalyn.Sakto naman na paglabas ko ay nakita ko yung doctor.

Doc.kelan po pwedeng makalabas yung pasyente dito.turo ko sa room na nilabasan ko.

Bago ka magising na icheck ko na sya at anytime pwede nyo na syang ilabas.Pero yung kuya nya wala paring pagbabago.

Ah ok po.Ilalabas na namin sya ngayon.Doc pwede po bang humingi ng pabor?

Oo naman iho,basta wag mo lang hingin na gisingin ko kaagad yung kaibigan mo ngayon ah.sabi nya at medyo tumawa kahit wala namang nakakatawa.

Hindi po iyon hihilingin ko lang po sana na sana po wala pong makakaalam na nasa ganyang kalagayan po yung kaibigan ko lalong lalo na po yung kapatid nya at kapatid ko.paliwanag ko

Bakit naman?napaka tsismoso rin pala nitong doctor na to.Pero bahagya akong napatingin sa uniform nya na may nakalagay na "Doc.Avendaño".Pamilyar yung apelyidong yun pero wala akong oras na alamin yun focus muna ako kay wally.

Kasi po doc ayaw ko pong malaman ng kapatid nya na na coma sya kasi baka po magpakamatay pa yun kasalanan ko pa.

Ok hindi na ako magtatanong pa kasi marami pa akong kailangang gawin.pagkasabi nya nun umalis na sya.


Tinawagan ko nalang muna si moy para itanong kung pwede ba na sa bahay muna tumira si reynalyn.Alam ko naman na papayag yun eh kasi parang anak na rin ang turing nya sa mga yun.Nakakailang ring palang nasagot na kaagad ni mommy yung tawag.

Mommy.

Yes my dear what's the problem?

Mom,pwede po bang dyan na muna tumira sa bahay si reynalyn?

Why?

Mamaya ko nalang po ipapaliwanag sa inyo kapag nakauwi na kami.

Ok,ipapahanda ko na kay yaya yung guest room.Uuwi na rin ako ng maaga.Good Bye.pagkatapos namatay na.

Dumiretso nalang ako sa cashier.Tinanong ko na rin kung magkano yung bill nya.Pagkasabi nung nurse nagbayad narin ako ginamit ko nalang yung pera sa ATM ko.Tinxt ko na rin si cherry na maghanda na sila para makalabas na kami dito sa hospital na ito.Hindi muna ako pupunta sa room ni reynalyn dahil naisipan ko na puntahan muna si Wally doon sa kinaroroonan nya.Pagkarating ko hindi na  ako pumasok nanatili nalang ako doon sa labas.

Bro,kelan ka ba gigising?ako na munang bahalang mag alaga sa kapatid mo.Sorry kung nagsingaling ako sa kanila.Basta gumising ka kaagad dyan ah maawa ka naman sa kapatid mo wag mo syang iiwan pero habang wala ka ako muna ang tatayong kuya sa kanya,proprotektahan ko sya sa lahat ng pagkakataon pangako ko sayo.Pabulong na sabi ko kahit alam ko naman na hindi nya ako naririnig pero gagawin ko talaga ang lahat para masigurado kong ligtas si reynalyn araw-araw.

Nanatili lang ako ng ilang minuto doon at umalis narin nagpunta na ako doon sa room nya at saktong pagpasok ko ay nakahanda na sila.Kinuha ko na lahat ng gamit at nag diretso narin kami sa sasakyan.Tahimik lang ang byahe namin pauwi ng bahay sigurado ako na pagod tong dalawang ito kaya napaka tahimik.





Reynalyn

Nakasakay kami ngayon sa kotse ni kuya ellis at papunta na kaming bahay nila.Nagtatampo ako sa kuya ko kasi hindi man lang nya ako hinintay na magising pero naiintindihan ko naman baka nga talaga importante yon.Buti nalang nandyan sila besty na laging nasa tabi ko.Ng makarating na kami sa bahay nila bumaba na kami ni besty at inutusan na ni kuya ellis na kunin na nung katulong nila yung mga gamit ko.Dumaan na rin pala kami sa bahay kanina para kunin yung mga iba kong gamit kasi daw baka magtagal si kuya sa states sabi ni kuya ellis.Dinala naman ako ni besty sa guest room nila.Sinabi lang nya na magpahinga na daw muna ako at magpapahinga na rin daw muna sya kaya iniwan nya na muna akong mag-isa doon.Sa tingin nyo ba makakatulog pa ako?eh ang tagal ko na atang tulog eh.Kaya inayos ko nalang muna yung mga gamit ko.Pagkatapos kong mag ayos nahiga nalang muna ako.Naisip ko ano na kayang ngyari doon sa nabunggo namin ni kuya.Oo alam naman namin ni kuya na kami yung may kasalanan kaya kami na aksidente pero mamaya ko nalang aalamin yun kasi panigurado na walang alam si cherry tungkol doon kaya kay kuya ellis ko nalang itatanong mamaya pag nakauwi na sya.Kasi ang alam ko umalis daw sya eh pupuntahan yata nya si kuya jayson.








>>>>>>>

I Lost My BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon