Chapter 18

3 0 0
                                        

Dedicate to: Ma.Theresa Moreto

Siguro nakalahati na rin namin yung pag dedesign habang gumagawa kami kwento lang sya ng kwento ng mga nangyari sa kanya. Sa tanda pala nang babaeng ito wala paring lovelife. Kanina pa rin nya pala naikwekwento yung bestfriend nya.

Teka diba sabi mo naikwekwento mo ako kay reynalyn? Tanong ko, habang nagdidikit na ng mga picture samantalang sya naman nag gugupit ng design.

Oo bakit?

Kasi eh bakit hindi pa nya ako kilala?

Ah kasi kapag ipapakita ko yung pictures mo ayaw nya, kasi may topak din yung bestfriend ko na yun eh ayaw nya na tinitignan muna ang picture ng isang tao gusto makita muna nya sa personal bago sa picture. Natatawa tawa pa nyang kwento. Masaya ako kasi nakahanap sya ng bestfriend nya kasi nung mga bata kami lagi nalang syang may kaaway tapos kami ni kuya ellis yung tagapagtanggol nya nung nandito pa ako sa pinas.

Ok na ito, magsusulat nalang naman ang kailangan tapos tapos na. Sabi nya habang ipinapapaayos kay manang yung mga kalat namin.

Sige mauna na ako, babalik ako bukas ah. Diko pa pala nasasabi sa kanya na first day ko na rin bukas sa school na pinapasukan nya.

By the way kailan pala ang pasok mo sa school? Sa CEU ka pa rin ba?

Oo dun parin,at by tommorrow papasok na ako kaya magkikita talaga tayo bukas. At ang pagkakaalam ko mag kaklase tayo. Napangiti naman sya at ilang sandali lang nag paalam na rin ako. Katapat lang naman ng mansion nila yung sa amin eh.

Iniisip ko pa rin si reynalyn hanggang ngayon, oo crush ko sya noon pa noong nakilala ko sya. Grabe iba talaga ang ganda nya pag sa personal na. At ang swerte ko kasi malamang kaklase ko sya kaya araw- araw ko syang makikita. Hanggang sa matulog ako mukha pa rin nya yung nakikita ko.

Reynalyn's Pov.

Maaga na akong umalis sa bahay nila besty kasi may dadaanan pa ako sa faculty mamaya eh. Nasabi ko na rin sa katulong nila dito na pakisabi nalang kala kuya ellis at besty na nakaalis na ako. Nag taxi nalang ako papunta ng school. Maaga nga talaga akong nakarating sa school kasi wala pang mga masyadong tao dumiretso na ako sa faculty at hinintay si sir rigor sa table nya.

Sa totoo lang habang nakaupo ako naalala ko yung mukha ni paul kahapin. Di na ako magsisinungaling gwapo kaya sya. Hahaha, alam ko na kung bakit patay- na patay sa kanya si besty. Sa katunayan nga kung hindi lang yun type ni besty magiging crush ko yun. Napatigil ako sa pag- iisip ng makita kong papasok na si Ms. Urbino sa faculty at kasama nya si Paul? Dito sya mag- aaral? Panigurado tuwang tuwa si besty dito hindi nya siguro ako napansin at ilang minuto lang dumating na rin naman si Sir. Tinanong ko lang kung paano makukuha yung sagot sa isang equation ang hirap kasi ilang oras ko din yung pinag aaralan kagabi. Ng malaman ko yung formula lumabas na rin ako ng faculty ang dami na namang estudyante hindi pa kasi time. Habang naglalakad ako nakasalubong ko si kuya jay.

Oh saan ka galing? Sya

Ah sa faculty lang po kuya may tinanong lang kay sir. Sabi ko naman

Sipag talaga neto. Sigurado ako proud na proud yung kuya mo sayo at syempre kung nasaan man yung mga magulang mo mas proud sila dahil may anak silang tulad mo. Ang aga- aga nag dradrama.

Kuya Jay naman ang aga- aga pa lang tapos khng makapag salita parang may pinang huhugutan. Natatawa tawa ko nalang na sabi.

Sya nga pala sasabay kami ni ellis ng lunch sa inyo ni cherry mamaya ah. Pagkasabi nya nun umalis na rin sya nag bell na rin kasi. Kaya mabilis na tumakbo na rin ako papunta sa room.

Nakita ko naman si besty na nakaupo lang at may ginagawang kung ano- ano sa cp nya. Naupo nalang din ako sa tabi nya. Napansin naman nya yung presence ko at nagulat nalang ako sa sumunod na ginawa nya.

Oh my gawd besty kung nagtagal ka lang sa living room kagabi edi sana nakita mo si paul. Grabe ang dami naming na pag kwentuhan kagabi. Kinikilig nyang sabi at mas worst namamalo pa sya. Eto ang hirap sa mga katabi mong kinikilig eh kung hindi ka sasabunutan kukurutin ka naman kung hindi naman papaluin ka o kaya bigla ka nlang yayakapin. Magsasalita pa sana sya ng batukan ko na sya.

Aray naman babae ang brutal ah. Pagrereklamo pa nya.

Ako pa ngayon ang brutal ikaw nga namamalo nalang magkwekwento na nga mamamalo pa. Kilig ka naman masyado nakausap mo lang at tinulungan ka sa project kung maka react ka akala mo kasal na kayo. Inis na sabi ko sa kanya nagulo patuloy yung damit at buhok ko sa mga ginawa nyang pamamalo sa akin.

Teka nakita ko pala yang prince charming mo sa faculty kanina kasama ni Ms. URBINO ah. Dito yata mag- aaral. Sabi ko habang inaayos yung damit ko.

Alam ko na yan, he told me that last night before he left in our house. Sabi nya at maya maya lang nagsi upuan naman na kami ng maayos because nandyan na si Ma'am.

Good Morning. Binati na rin namin sya at umupo din lang.

So we have a new student. Galing sya ng states and I hope maayos ang maging pakikitungo nyo sa kanya. Tumingin si mam sa may pinto at pumasok nga si paul.

Introduce your self now. Maam said and sit in her chair.

Good morning. Paul Javillo I'm pure pilipino but when my mother died me and my father migrate in states. Sabi nya while wearing his smile.

May kakilala ka ba dito? Tanong ni mam sa kanya.

Yes mam, she's my friend since birth. Sabi nya sabay ngiti kay cherry at ang bruha palihim daw ba naman akong kurutin sa kamay sa sobrang kilig nya.

Oh really? Ok sat beside her. Sabi ni mam at katulad ng sinabi ni mam naupo na sya sa right side ni besty ako kasi sa left side ni besty eh. Kung alam ko lang baka dina maka pag focus sa pakikinig tong bestfriend kong ito sa sobrang kilig.

Natapos rin yung dalawang subject namin at nakakainis ah alam nyo ba na in two hours hawak ni cherry yung kamay ko masyado syang kinikilig tapos tuwing ngingitian sya ni paul kukurutin nya ako. Kung diko lang talaga bestfriend ito kanina ko pa to sinaksak ng ballpen na hawak ko eh. Akmang tatayo na sana ako ng hilain na naman nya ako paupo.

Problema mo ba best? Iritang tanong kona sakanya nagugutom na kaya ako.

Saan ka ba kasi pupunta? Engot talaga tong bestfriend kong ito.

Malamang pupunta na ng cafeteria break time na kaya. Sabi ko sa knya sabay hila sana sa knya kaya lang hinila din nya ako at lumayo muna kami kay paul nang saglit.

Pwede ba wag na muna tayong pumunta sa cafeteria? Time ko lang to para makausap pa at makasama si paul nakiusap kasi sya na mag stay nalang muna dito. Sabi nya pero pabulong lang yung kaming dalawa lang yung makakarinig. Aangal pa sana ako ng magsalita uli sya.

Pls.bestfriend? May pa pout pout pa syang nalalaman. Ayoko nga noh kaya ko naman magpunta mag- isa kasi nga nagugutom na ako hindi kaya ako kumain ng breakfast kanina kasi nga diba nag mamadali ako.

Edi ikaw dito kana lang, basta ako kakain ako. Wala na syang nagawa kaya lumabas nalang ako ng room. Nakakainis na yun ah parang dati lang hindi mo yun mapapapayag na hindi pumunta ng cafeteria.

Malapit lapit lang naman yung cafeteria dito eh. Nag txt ako kay kuya ellis kung nasa cafeteria sila kaya lang sabi nya wala daw sila dun nasa liblary daw sila napilit na naman sya ni kuya jay hahaha..... namimiss ko na rin yung kuya ko,bakit kaya hindi parin sya nagpaparamdam.

I Lost My BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon