Thirteen

30 3 1
                                    

Georgina

4 days din akong nakabed-rest sa hospital dahil sa ka-OA-yan ni Clyde. Sya ung nag asikaso sa akin together with Nanay Belle, nakiusap akong wag ng ipaalam kay Dad ung nangyari sa akin dahil alam kong mag-aalala lang yon. Alam kong nahihirapan na si Dad, kaya ayoko ng makadagdag pa sa problema't alalahanin nya.

Ung mga Flower Gyrl, dinadalaw nila ako every lunch at kapag uwian na, dito sila dumadaretso para sabay-sabay na sila pauwi nila Nanay Belle. Ang Infinity Boys naman, dumadalaw lang sa akin twing lunch, nakikigulo at umaasa sa pagkain luto ng magkapatid na Wesley at Alicia, nakakahiya tuloy sa kanila. Si Clyde, hindi umalis sa tabi ko, sya ung nag alaga sa akin.

Malakas na naman ako at hindi na masyadong masakit ang katawan ko katulad nung una. Kung tatanungin nyo ko, kung dumalaw si Ungas.. Hindi po! kahit dungaw, wala po!! Tsk! Hindi sa hinahanap ko sya, o sa gusto kong dalawin nya ko, kasi.. diba? Haist! Ewan, bahala sya sa buhay nya.. Buti pa nga si Xandara, laki ng galit sa akin nun' pero dinadalaw ako kahit napipilitan.

Naalala ko tuloy ung last day ko sa hospital...

(Flashback)

''Are you sure, okay ka na?'' Tanong ni Clyde.

Gusto kasi nya, 1 week ako dito sa hospital para daw sure na sure na okay na ako. Gadh!!! 2 days pa nga lang ako dito, gustong-gusto ko ng magpauwi kay Nanay Belle eh! At dahil nga bantay sarado ako kay Clyde kaya umabot din ako ng 4 days dito.

''Tss. Sa palagay ko, okay na sya. At kung sasabihin nyang hindi pa, aba! nag iinarte na lang yan!'' Ismid ni Xandara.

''Shut-up! hindi ikaw ang kausap ko. Ano bang ginagawa mo dito, Xandra?''

Eto na naman at nagbabangayan na naman ang magkapatid. Tsk!

''Bakit, ikaw? Anong ginagawa mo dito?'' Balik tanong ni Xandara.

''Nagbabantay malamang!'' Yamot na sagot ni Clyde.

''Pwes, nagbabantay din ako.'' Taas-kilay na sagot ni Xandara.

''Kaya na naming dalawa ni Nanay Belle ang magbantay kay George.''

''Who told you na sya ang binabantayan ko?'' Xandara answered.

''Bakit? Sino bang dapat bantayan?... yung naka-admmit, diba?''

''Kapag ba magbabantay, yung naka-admmit agad?? Di ba pwedeng yung nagbabantay sa malanding naka-admmit muna?'' Banat ni Xandara.

Parang ang sarap makakita ng mga unang lumilipad pa-landing sa mukha ni Xandara!! -____-

Natigil lang ang bangayan ng dalawa nung bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang nakataas-kilay na mukha ni Nanay Belle..

''Kung magmamaldita ka lang dito. Bukas ang pinto, makakauwi ka na. Wag mong hintaying sipain kita palabas!''

Kitang-kita kong napalunok si Xandara sa sinabi ni Nanay Belle. Kahit ako, nanlaki ang mata ko sa narinig ko. I mean, kaming Flower Gyrl sanay na sa mga ganyang galawan ni Nanay Belle pero Xandara baguhan kumbaga! Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang simpleng pag ngisi ni Clyde.

''Labas...!'' Diing sabi ni Nanay Belle.

I looked at Clyde, ang hinayupak! hindi man lang pinagtanggol ang kapatid nya at tila nag eenjoy pa sa eksena.

''Hmmm.. Nay, wag nyo naman pong palabasin si Xandara. Ganyan lang talaga sya.'' I said.

Nanay Belle took a deep sighed. ''Eh! sinong susundo sa mga kaibigan nyo sa baba? Alangan namang ako pa? Aba! kayong mga bata kayo uh-oh! masakit na paa ko.''

Your Love (Infinity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon