Eight

54 2 0
                                    

Ryder

Namimiss ko na sya. Until now, I'm still fvcking hurting because of her. Nung iniwan nya ako at sumama sa iba, nasaktan ako, Oo. Sino ba namang hindi? Iniwan ka ng babaeng wala kang ibang ginawa kundi ang mahalin sya.

Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung ano bang nagawa ko? Ano bang pagkukulang ko para gawin nya sa akin yon? Minahal ko lang naman sya eh! Pero bakit nagawa nya kong ipagpalit sa iba?

Ok naman ako nung makilala ko sya. Gago ako, Oo pero mild lang. Mahilig ako sa away pero hindi naman ako gumagawa ng gulo dipende na lang kapag kinakalaban ako at inaargabyado ang mga kaibigan ko. Pero simula ng dumating sya sa buhay ko, hangga't maaari umiiwas ako sa gulo. Ayaw nya kasing nakikipag-away ako kaya sa abot ng makakaya ko umiiwas talaga ako pero sobrang hirap talaga para sa mga katulad naming may gang.

She asked me to leave Infinity Gang but what can i do? Hindi ko lang sila basta kaibigan. Because for me tinuturing ko silang parang tunay kong mga kapatid. I love her but i also love them.

Dyan nagsimula ang madalas na pag-aaway namin dalawa. Akala ko simpleng tampuhan lang kaya hinayaan ko. Akala ko kasi simpleng lambing lang okay na kaming dalawa. Pero lagi nyang pinipilit na umalis ako sa Infinity. Hindi naman kasi ganon kadali yung gusto nyang mangyari.

Actually, close sya sa barkada ko. I asked her kung ano bang problema nya sa mga kaibigan ko at bakit gusto nyang buwagin ko ang Infinity. She always said na ayaw lang nya akong napapatrouble, na gulo lang daw ang mapapala ko sa kanila. I know all my friends don't like her pero hindi naman nila pinapakita at pinapahalata yon sa kanya dahil nirerespeto nila ako.

Nung una, ok naman kasi ang lahat at walang problema. Nagtataka nga ako kung bakit sya bigla nagbago. Ewan ko di ko alam, basta ang alam ko may hindi tama sa mga nangyayari at yon ang gusto ko malaman para masagot na ung mga tanong ko.

I'm here in my condo. Madalas ako dati dito. Paminsan minsan lang ako umuwe sa Infinity House kapag gusto ko, kapag birthday nila, at kapag nag aaway kami. Pero simula nung umalis sya at iniwan ako pumunta na lang ako dito para maglinis. Pero sa bawat punta ko dito ay parang pagtorture na rin sa sarili ko dahil sa twing nandito ako, nagpaflashback lahat sa akin.

Sabi ko dati sa sarili ko, kahit habangbuhay ako tumira dito okay lang basta kasama ko ang babaeng mahal ko. Ok naman sa kanya kahit hindi sobrang laki ng condo basta may kitchen, cause she really love to cooked. Tatlo ang kwarto dito. Ang master bedroom kung saan ako natutulog, Don naman sya sa isa sa mga guest room.

Kahit na magkasama kami sa iisang bubong hindi kami nagtatabi matulog kahit noong nagplano na kami ng kasal. Live-in na ngang maituturing dahil nagsasama na kaming dalawa pero alam ko naman ang limitasyon namin tsaka gusto ko ring ikasal muna kami bago ko sya pakialaman at isa pa, pareho kaming nag aaral pa.

Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng condo kasi kahit saan ako tumingin sya ung nakikita ko, ung mga panahong masaya pa kami, ung mga alala namin dalawa na kusang nagpaflashback sa isip ko.

Pinilit kong lumakad kahit na nga para bang sobrang bigat ng mga paa ko sa bawat paghakbang ko. Hanggang sa makarating ako sa may sala.

''Babeeee.. hahaha!!! tama naaa.. hahahaha..''

''Kamukha ko pala si kingkong ah? hahahaha .. Etong bagay sayo! Eto pa! hahaha..''

Halos umiyak na sya sa kakatawa dahil kinikiliti ko sya dahil sinabihan nya kong kamukha ko daw si Kingkong dahil nagmomovie marathon kaming dalawa.

Noon, ganito kami palagi kapag walang pasok sa school. Lumakad pa ako hanggang sa mapunta ako sa may kusina...

''Good Morning!'' She greeted, tsaka ako binigyan ng good morning kiss.

Your Love (Infinity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon