Chapter 6: Kia

14 0 0
                                    

Kiara P.O.V

~

Hi. Ako nga pala si Kiara Caballero. You can call me Kia for short. 16 years old at nagaaral sa kasalukuyang school ni Denisse. Katulad nga nung pagdescribe saken ni Jas, may maikli na buhok, payat, matangkad ng kaonti kay Den at may matangos na ilong, at dahil may halong kastila kame makikita mo sa kutis ko ang pagiging mistisa. Wow may sarili akong chapter ahh, bongga naman ituuu. Hmm sino nga ba ako? Ano nga bang meron sa chapter na to? Well, ganito kase yon. Ako ang nagiisang anak na babae sa amin at prinsesang prinsesa ako kung ituturing ng aking ama. Simula pagkabata ko sobrang arte ko na. Maarte sa gamit, maarte sa damit basta yung tipikal na kikay. Ang pamilya ko ang isa sa may ari ng pinakamalaking kumpanya sa bansa at dahil panganay ako, hindi malabo na ako ang magmana neto balang araw. Kahit wag na ako magaral hahaha dejoke. Nagkakilala kami ni Den nung kindergarten palamang kame. Naging close na kame simula ata nung unang nginitian nya ako. Hanggang sa tuloy tuloy na, lagi kaming magkakaklase at hindi sya pumapayag na hindi kame magkatabi sa upuan, talagang nakikipagdigmaan sya hahaha. Pumasok din ako ng Varsity ng volleyball sa school dahil sakanya. Talagang mabaet si Denisse. Matulungin at halos di mo makikitaan ng problema sa muka nya. At dahil nagiisa akong babae, sya naden ang tumayong ate ko dahil ilang buwan lang ang tanda nya saken. Sobrang sweet ni Den den. Yung tipong hahalikan nya ako sa noo ng walang dahilan, hahawakan nya kamay ko pag nakikita nyang nilalamig ako, bigla nya akong yayakapin sa likod at pag napakamoody ko, pinapatawa nya ako sabay kiss sa pisnge. Di nya ako pinapabayaan at pagkatapos namen lagi magtraining lagi nya ako hinahatid sa bahay kapag walang magsusundo saken. AYAW na ayaw nya akong nakikitang umiiyak kase naluluha nalang sya at nag aala super saiyan sa galit kapag sinasaktan ako ng iba. Naalala ko nung nagbirthday ako niregaluhan nya ako ng time capsule. Sabi nya, ilagay daw namen lahat ng importanteng bagay para saming dalawa at ibabaon namen to sa likod ng bahay namen. Sabay sabi ng "Makalimutan ko na lahat Kia, wag lang ikaw". Noong araw na yon, iba ang naramdaman ko, iba yung pagtitig ko sa mga mata nya, noong araw na yon, bumilis ang tibok ng puso ko, noong araw na yon iba ang saya ko at noong araw na yon, dun ko narealize na onti onti na pala akong nafafall sa bestfriend ko......

-----------------------------------------------------------


Lunch break. 

Nagtatawanan si John at Jas sa video na nakita nila sa facebook. Tipikal na araw sa school.

John: HAHAHAH ambobo lang pre di ko na kaya hahhahha

Jas: Kung makatawa naman to, mamaya sayo mangyare yan eh

(blah.. blah..blah)

John: Pero pre tignan-

Kia: John! 

John: Oh kia andyan ka pala, kumai-

(bigla kong hinila si John sa kinauupuan nya at kinaldkad ko sya palabas ng room)

John: T-teka lang naman kia pwede naman tayong maglakad lang ng mahinahon

(Di ako naimik at hinila ko sya hanggang sa makarating kame sa rooftop ng school)

John: Teka malapit na matapos lunch break kia, ano ginagawa naten dito?

Kia: John, kailangan kita makausap, tungkol don sa inamin ko sayo nung nakaraan.

John: Wag kang magalala kia, wala namang nakakaalam kundi tayong dalawa lang.

Kia: Alam ko John, pero kailangan kong ikwento sayo to, para maintindihan mo pa ako

John: Kia, di mo naman kailangan ako kaladkarin dito sa rooftop, pwede namang paguwian.

Kia: Panigurado, sasama sila Den dahil matik na pagkatapos ng klase, hinihintay ako non.              Magtatampo yon kapag may iba akong lakad na hindi nya laam. Duhh magbestfriends nga diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Now or neverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon