Chapter 3: When different worlds collide

14 0 0
                                    

DENNISE P.O.V

~

"Den gising na at may training kayo ngayun" kinakatok ni mommy yung pinto ko ng paulit ulit

Hays nakalimutan kong sabihin sa inyu na isa akong volleyball player, actually Captain ako sa Team, pinush talaga ni mommy na matuto ako ng volleyball, bata palang kase ako, tinatatak na ni mommy na maging isang volleyball player ako.Di naman ako salungat sa gusto ni mommy, actually gusto ko nga ang volleyball eh, pag galit ka sige spike lang, pag masaya ka sige dig lang, pag halo halo emosyon mo, sige laro lang at wag pakialaman ang mundo, yan ang tinuro saken ng volleyball. Ilang araw nalang ay pasukan na, at naghahanda kame ng buong team para sa nalalapit na HSOC ( High school overall competition) dito kase hinuhugot yung mga nirerecruit para maglaro sa universities tulad ng Ateneo,Lasalle,Ust,NU at madami pang school.

FF....

Kakatapos lang ng training

" Tara den kain tayo nagugutom na ako eh" - Kiara

" Sige san ba gusto mo?" -Dennise

" Sa karenderya nalang para tipid tapos madami pa tayo makakain" sabay ngiti sakin na parang bata

Si Kiara ang bestfriend ko since forever, i mean since sobrang bata pa kame. Maganda sya at sobrang bait at kalog, kuripot grabe di mo mapapalabas ni isang piso pag sa usapang libre. Papunta na kame sa karenderya malapit sa tapat ng school namin at nang mapaupo na kame at umorder eh nagkwentuhan kami.

" Kamusta na pala yung niligtas mo nung nakaraang buwan? nakikita mo pa ba?" -Kiara

" Di na. Patay na ata naholdap ulit" -Dennise

" Grabe ka naman malay mo naman takot lang lumabas dahil sa nangyare. Pero aminin mo gusto mo ulit syang makita" -Kiara (ngumiti sya na may kasamang pangiintriga"

" H-huh? hindi ah " (namumula)

"Ako pa utuin mo, eh nung nagkwekwento ka tungkol sa lalaking yun iba ang ngiti mo" -Kiara

"Natatawa kase ako, First time ko nagligtas ng tao, lalaki pa" -Dennise

"Sabe mo eh" -Kiara (sabay subo sa buong manok halos mabulunan sa takaw)

Paglabas namin sa karinderya busy ako sa kakakalikot sa bag ko, para kasing may nawawala, parang nawawala yung wallet ko. Biglang may kumalabit sa akin.

"Sa susunod, icheck mo muna lahat ng gamit mo bago ka lumabas" (nakangiti lang sya saken)

JASPER P.O.V

~

Nagugutom na ako wala pa din sya. Hays dadating pa ba sya? Andito ako ngayon sa isang fast food naghihintay sa girlfriend ko. Oo may girlfriend ako yung mama ko haha. Kanina pa ako nandito, sabe ng nanay ko babalikan daw nya ako may bibilhin lang daw sya, eh mag tatatlong oras na wala padin sya eh. Bwiset nakakaiyak, biglang tumawag si mama

"Hello anak, andito na ako sa bahay, nakalimutan kong may anak pala ako hehe" -mama

WTH ??? " Mama ano ka ba naman sana sinabe mo ng mas maaga, naghihintay tuloy ako dito sa wala" Medyo natatawa ako kase gawain nya talaga yun

"Sige na umuwe ka na lang" -mama (sabay baba ng phone)

Susmaryosep naman po. Pero ayos na din may pera pa naman ako eh kakain nalang ako sa iba ayoko na kase sa fast food na lasang kahapon yung fries nila at sana yelo nalang yung ibinigay nilang drinks nakakahiya naman eh mas lamang yung yelo sa softdrinks eh. buti pa sa tapsihan haha busog ka na mura pa.

Now or neverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon