Chapter 2: My Heroine?

22 0 0
                                    

JASPER'S P.O.V

~

"Hays sobrang init, ba't pa kase kailangang pumila dito" napakamot nalang ako sa ulo habang tinignan ko yung relo ko at nako po 10:20 na pala malapit na mag lunchbreak di paden ako nakakapag enroll, akala ko ba si mama na mag eenroll saken, hays buhay. Hintay dito, hintay doon, hanggang sa wakas ako na ang nasa unahan ng pila.

"O Jasper, ikaw pala yan, ilang buwan lang kitang di nakita ang laki mo na agad ahh at mas lalo kang pumopogi" sabe ni Mrs. Penilde

"Hehe grabe naman po kayo, pero salamat po, ganito po talaga nagagawa pag ipinanganak ng artistahin hehe" tumawa nalang ako at di ko na masyadong chinika at gusto ko na agad umuwi.

Pagkatapos pumila napatigil muna ako sa tindahan para bumili ng yosi, in short yung all time favorite kong Stick-O hehe gulat kayo no akala nyo nag yoyosi ako no? Di ah, good boy ata to. Biglang may nagpaload na isang magandang babae na may hawak na sandamakmak na paperbag. At nahulog nya ang mga ito, natamaan pa ako sa paa.

"Ay sorry po kuya" Sabe nyang mahinhin at sabay pulot sa gamit nya, pinulot ko na din yung iba

"Okay lang, akina lagay muna natin yan dito sa bench" at inilagay ko iyon sa bench

nang nakita ko may lumabas na dalawang condom sa isang paperbag nya, dalawang box kamo, sh*t nakita nya yung gulat kong mukha.

"Grabe mukang may bakbakan mamaya ah" sinabi ko lamang iyon sa mahinang boses, at napalunok sabay ngiti

"Bastos!!" sabay may naramdaman akong hapdi sa kabila kong pisngi at sinampal na pala ako

"Masaket yun ah, wala naman akong sinabeng kabastos bastos, eh ikaw nga yung bastos diyan, dalawang box ng condom na dala dala mo," medyo naiinis na ako

"Sorry-" sabay may tumulong luha sa mga mata nya

Teka ba't umiyak to, wala namang akong ginagawa ah, hala pano to, "okay lang miss, sorry den" sabay napayakap sya saken at nagulat ako ng sobra, niyakap ko na den, pero di ibig sabihin nun ay nag tatake advantage na ako ahh, siguro kailangan nya lang ng comfort, may pinag dadaanan siguro.

"Pwede mo ba akong dalhin kung saan makakapag gaan ng loob ko?" tumingin sya saken na parang isang batang inaway ng kalaro, at dahil wala naman akong ginagawa ng panahong iyon,

"O-osige" sabay bitaw sa kanya at binuhat ko na ang gamit nya.

WAAAAAAAAAAAAAH yan ang gustong sabihin ng isip ko ngayun, isang magandang babae na naka palupot sa balikat ko, grabe bigay ba ito ng poong maykapal? Advance Graduation gift ko na ba ito? Hays walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang mga tanong na kakaiba. Maya maya nandun na kame sa aming destinasyon, isang tahimik na lugar sa taas ng maliit na bundok kung san ako nagmumuni muni at pag gusto kong mapag isa. Sya lang ang unang babaeng dinala ko dito, at hindi ko pa sya kilala. Tatanungin ko sana sya kung anong problema nang biglang..

"Ahm Miss-" biglang may sumuntok sa likuran ko, oo galing sa likod ko, isang lalakeng malaki edad 30 pataas at may hawak na baseball bat. Napahilata ako sobrang saket. Mga magnanakaw pala.

"Ilabas mo na bata lahat ng pera mo" sabe nung matandang lalaki,

"E-eto napo" naibigay ko nalang sa sobrang sakit, biglang di pa sila nakuntento yung magandang chix kanina naglabas ng pang kuryente na ginagamit ng mga pulis, may dalawa pang lumabas na lalake, para siguraduhing di ako makakaimik

DENNISE P.O.V

~

Kasalukuyang nagdadrama ako, de joke lang, hehe sadayang kakatapos ko lang mag enroll at ayoko muna umuwe, andito ako ngayon sa isang secret place ko para magisip isip at mag isa, ang senti no? hehe ganito lang talaga ako, may pag kakataong gusto ko lang mag isa. Habang nalowbat yung phone ko dahil sa kakapatugtog ko ng music, may naririnig akong parang nasigaw ng tulong at para bang nasasaktan. Pumunta ako sa kabilang parte ng secret place ko at dun ko na nakita na may apat na taong pinagtutulungan ang isang lalake,

"Tu-tulungan nyo ako!" mahinahon ngunit malakas ng sabe

"tumahimik ka !, haha tol paglaruan na naten to oh, matagal tagal na akong di nakakapag goodtime" sabe nung lalaki 1 sa lalaki 2

"Anak naman ng kamote" sabay kumuha ng malaking bato at binato yung dalawa at natamaan sila pero nagtago ako

"Sino yun? angsakit nun ah, tara tigilan mo na yan mukang may nakakakita na satin" -Lalaki 1

"Hanapin nalang naten para makasiguradong mapatahimik natin sya" - Lalaki 2

"ano ba kayo umalis na tayo dito bago pa tayo maisumbong" -babae

"Tara na! pasalamat ka bata makakatakas ka ngayun, salamat nga pala sa wallet mo, mukang busog na busog ah" -Lalaki 3

Pagkaalis nung apat na bumugbog sa lalaki, nilapitan ko sya para tignan

"Ayos ka lang?" sabay abot ng kamay ko sa kanya para tulungan

JASPER'S P.O.V

~

umalis na ang mga lalaki, patay yung sukli sa pinang enroll ko andun pa, pambibili ko pa yun ng mga kailangan ko sa school, malaki pa naman ang halaga na andon. Pero bugbog sarado talaga yung muka ko at ang sakit ng katawan ko, biglang

"Ayos ka lang? " sabay abot ng kamay nya sakin

"Muka ba?" inabot ko naman yung kamay nya

"Tara dalhin na kita sa ospital, mukang malala yung tama mo sa mukha mo" hinawakan nya ang muka ko at tinitignan yung mga sugat

"Ikaw ba yung bumato sa mga kumag na yon? Sa-salamat ah" di ako makatayo masyado dahil sa sakit ng katawan ko kaya kinuha nya yung braso ko para iakbay sa balikat nya para alalayan ako

"Wala yun, talamak talaga mga magnanakaw ngayun, lalo na ngayun enrollment na ng mga estudyante, mga katulad naten ang tinatarget nila na mas bata at walang palag maswerte ka yun lang ang ginawa sayo" -Dennise

"Maswerte pa ba to eh tignan mo nga yung muka ko? parang natuyot na ampalaya sa sobrang bugbog" -Jasper

"Para ka ngang di nabugbog eh, may lakas ka pang makipagtalo saken, oh dito nalang aalis pa ako eh, ingat ka sa susunod ah, dahil sa sususnod wla na ako para iligtas ka" -Dennise

Iniwan nya lang ako sa harap ng ospital para siguraduhing ligtas ako. Natameme lang ako at umales na sya papalayo,

"Ayy teka Miss, ano nga palang pangalan mo?" sinubukan ko pang tumayo para lang habulin sya

"Dennise" at ngumiti sya saken na para bang matagal na kameng magkakilala, ang cute cute ng ngiti nya nakakatunaw ng puso

"Ako nga pala si Jasper" sabay abot ng kamay ko para magshakehands

"Maraming salamat dennise"

Tumango lang sya at ngumiti sabay sumakay na ng jeep

Di ko makakalimutan tong araw na to, bukod kase na first time ko maholdap, eh babae pa ang nagligtas saken. Paguwi ko sa bahay sobrang nag alala si mama saken dahil di nya ako macontact, eh syempre, ikaw ba naman nakawan eh. at sa nakita nyang mga sugat at pasa sa katawan ko, umiyak si mama sa sobrang pag aalala,

"Mama di naman ako namatay eh" -Jasper

"Kahit na, dapat pala ako nalang ang pumunta sa school mo"

"hehe wag kang mag alala ma, may anghel namang nagligtas saken eh" -Jasper

Now or neverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon