"ALL NEW" part 1

42 5 0
                                    

“ALL NEW”

“Naayos  mo naba ang mga gamit mo?” Wika ni allen habang nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto. Agad itong nag lakad papasok ng walang makuhang sagot mula sa akin.

            Nag kunwari akong di ko ito narinig at napansin. Habang pa simpleng nilalakasan ang volume ng ipod na pinapakinggan ko ng patago ng hindi niya nakikita. Agad kong pinag patuloy ang pag aayos ng mga gamit ko, habang pigil ang tawang gusto ng kumawala sa bibig ko. Umupo ito sa tabi ko at  seryusong napatingin sa akin. Agad ko din tinugon ang tingin niya sa mga mata ko na kunyaring nagtatanong bakit siya  nasa luob ng kwarto. Ang mga mata niyang nag tatanong na parang hinu-huli kong talaga nga bang hindi ko narinig ang sinabi niya. Agad din itong napangiti na parang nang aasar.

            “ARAY!!!!!!!!!!! Ano kaba!!!!!!! Tsk..... bwesit nito bakit na naman ba?!!!!! Pabigla-bigla kanalang nangungurot at sa ilong pa talaga e noh?” Agad kong hinawakan ang ilong kong uminit dahil sa lakas ng pag kakakurot niya. Pero mas uminit ang ulo ko ng halos natatawa na ito pag tingin ko sa kanya. Halos mangiyak ngiyak nako sa subrang inis ko para dito. Ay diyablo! Nabubuhay talaga ang lamang lupa ng lalaking ito pag nakikitang napipikon at naiinis na ako.

Tulad ng palagi niyang ginagawa pag nakikita niyang naiinis, naaasar at nagagalit na ako o sa tuwing nakikita niyang hindi ko na nagugustohan ang ginagawa niya. Agad nitong nilalagay sa pisngi ko ang dalawang palad niya para pakalmahin at kahit ang palakasin ang luob ko sa tuwing napanghihinaan ako ng luob, sa tuwing nalulungkot at natatakot ako. Sa tuwing nagagawa niya kasi ang bagay na yun kahit anong emosyon pa ang nararamdaman ko, gano man ka sama o ka tindi ang galit ko, gano man ako nanginginig dahil sa subrang takot, kusa na lang biglang nawawala na parang walang nangyari.

            “pano ba naman yang style mo paulit-ulit na lang. Wala kanabang alam na bagong palusot? Akala mo siguro di ko nakita yung kamay mo sa ipod mo? Sa susunod galingan mo huh? Masyado na kasing luma talaga.....

                        Bilisan mo ng pag ayos ng gamit mo at baka ma huli tayo. Ayoko ma late.......

                        Sa sunod na pag tawag ko sayo bumaba kana kung ayaw mong iwan kita.” Nakangiti ngunit seryuso nitong sabi. Agad itong tumayo at tumalikod para lumabas ng kwarto. Tinignan ko ito gang sa mawala na siya sa paningin ko. Agad akong napabuntong hininga at napa-isip.

Napatingin ako sa buong paligid at agad na napansin at naalalang nasa ibang lugar na nga pala ako. Panibagong buhay, bagong bahay, bagong lugar, bagong kapit bahay at makikilala, bagong school, bagong classmates at kaibigan halos lahat bago. Palagi na lang kami napapalipat ng tirahan dahil sa trabaho ni papa. Papatayo ng bahay titirhan lang ng ilang taon at mag papagawa uli para maibinta naman ang isa. Pero sa ngayon sa wakas sana nga totoo ng dito na talaga kami maninirahan ng pang matagalan. Nakakapagod din ang papalit palit na environment, may pag kakataong minsan hindi ka gaano mahihirapan sa pag adjust pero madalas mahirap talaga. Bagay na akala ng iba masaya kasi marami kang makikilala at bagong makakasalamuha.

Agad kong tinapos ang pag impaki ng mga gamit ko bago pa tuloyang bumalik at magalit na naman si allen dahil sa tagal at kupad kung kumilos. Ang lalaking yun, kahit na kaylan napaka sungit talaga at suplado. Siguradong aasarin na naman ako kapalit ng pag papaantay ko sa kanya.

A promise to forever(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon