Ano ba problema nun. Ano na naman kaya ang nasa isip ng taong yun para sigawan ako ng wala manlang sinabing ano mang dahilan. Wala naman ako ginawa para mapahiya siya, suplado talaga ng lalaking yun. Kala mo naman kung napaka laki na ng nagawa kong pag kakamali para sigawan ako ng ganun sa harap pa ng maraming tao. At sa labas pa ng mismong classroom ko. Mabilis tatanda ang taong yun dahil sa subrang seryuso at suplado. Ang saya ko lang pag talagang nangyari nga yun.
Muli ako nakabalik sa katinuan ng marinig ko ang hiyawan ng mga babaeng kinikilig sa paligid ko. Sigaw dito sigaw dun, tili dito at hala tili padin dun. Para silang nagagalakan sa subrang saya na daig pa ang nanalo sa lotto.
Nag simula na akong humakbang papasok ng classroom, at sa bawat pag hakbang ng mga paa ko siya ring unti-unting pag linaw ng mga salitang nabubuo sa pandinig ko na kani kanina lang ay purong malabong salita at tiliian lamang. Bagay na di ko na dapat ikagulat pa. Ano pa nga ba? Kundi mga kababaehang puro kinikilig, ay hindi nga lang puro e. Kundi halos lahat na naman ng mga babaeng nasa paligid ang paniguradong mababaliw sa pag kakagusto sa lalaking suplado na ulopong na yun na nakakita at makakakita palang sa kanya. At sigurado ngayon sa mga oras na to paniguradong pinag kakagulohan na naman siya sa sariling class room niya mismo. Kung alam lang nila kung gano talaga ka suplado at kahaba ng sungay ng lalaking yan ewan ko lang kung gugustohin pa nila ang abnormal na lalaking yun.
Sa pag hahanap ko ng bakanting upoan nabaling ang paningin ko sa isang babaeng maganda na halos kasing tangkad ko lang. Maputi, singkit ang ilong na subrang liit pati na ang buong mukha bagay na mas lalong ikanaganda niya na kanina pa nakatingin ang lumapit na nakangiti na halos sakop na ata ang buong pisngi sa pag kakangiti ang papalapit na nag lalakad para salubongin ako. Pero agad ko din napansin ang isang kasama pa nitong siya namang kabaliktaran ng reaksiyon ng pag mumukha niya katulad ng isang parang mga manika ang mukha pwera lang ditong kayumanggi ang kulay at mahaba ang buhok. Agad ako napaisip kung ano ang problema. Tinignan ko ang paligid para masigurado kung talagang sa akin nga talaga nakatingin ang dalawang halos nasa harap ko na pala nakatayo.
“ ako nga pala si Sandra at siya naman ang best friend kung si andy..
Ikaw pala yung bagong transferee. Di ka kagandahan para sa kanya.” Naka bungis-ngis na tugon ng babaeng maputi na si Sandra na di hamak na mas maganda kesa ke andy. Napakunot ako ng nuo sa tanong nito. At kung sa ano ang ibig sabihin ng huling sinabi nito.
Kakaisip ng salitang sinabi niya pilit ko parin iniintindi ang salitang binitiwan niyang di ako kagandahan para sa kanya. Para kanino at sino naman kaya ang tinutukoy niya. Pero bago ko pa tuloyang sagutin ang tanong nito ng mag simula ng mag kagulo ang buong tao sa paligid ko ng makita kong pumasok na ang teacher para sa 1st subject ngayong umaga. Muli ako nag lakad para humanap ng upoan kung san ako pweding umupo.
Tulad ng paulit-ulit na nangyayari sa tuwing napapalipat ako sa bagong school oh kahit naman sa first day of school ganun din. Bilang isang bagong student sa paaralang to kaylangan ko ipakilala ang sarili ko. Bagay na nakakatamad na, at talagang iniiwasan kong mangyari dahil na din sa sadyang mahiyain talaga ako pag nasa harap na ng maraming tao lalo nat pag hindi ko naman kilala. Isang simpleng sitwasyon sa iba, pero pakiramdam ko pag ako na sa ganung sitwasyon para akong maiihi sa subrang kaba at takot. At di lang yun naiiyak ako pag di ko magawang masagot ng maayos ang mga tanong o pag may pag kakataong bigla ako natutulala at na memental block sa gitna.
Tumakbo at lumipas ang mga oras ng di ko namamalayan. Ni hindi ko na nga nagawang napansin na patapos na pala ang isang buong araw. Ang tanging napansin ko lang ay ang kahit san ako pumunta puro pangalan nalang ni allen ang naririnig ko. Mga babaeng kinikilig kahit na pangalan lang niya ang mabanggit. Ang ulopong na yun, sigurado na namang mainit ang ulo niya. Siya lang ata ang taong kilala kong ayaw na ayaw ang masyadong napapansin at sikat. Wala naman ng bago dun, dahil sigurado namang sisikat talaga siya kahit pa san siyang lupalop na lugar dalhin.
Natapos ang isang buong araw na parang di ko naman nagawang napansin. Para lang isang ordenaryong araw sa isang araw na paulit-ulit na dumadaan at lumilipas. Wala man lang pag babago, bukod lang sa salitang isa akong bagong salta sa bagong paaralan na pinapasukan naming dalawa ni allen.
![](https://img.wattpad.com/cover/6169588-288-k811966.jpg)
BINABASA MO ANG
A promise to forever(on going)
RomansLoving someone don’t need any REASON… It doesn't matter the age gap.. Doesn't matter how she/he looks.. Doesn't matter the way she/he move or speak.. Doesn’t matter what other people say.. what matter is.. HOW do you LOVE each other.. HOW do you NE...