Lagay ng kunting pulbo at tinignan ang buong sarili sa salamin bago ako tuloyang agad na bumaba. At tulad nga ng nasa isip at inaanasahan ko naabutan ko itong nakatayo at naka pamaywang habang kunot ang nuo na nakaabang sa akin ang mamang allen. Sa isip ko agad ako napangisi habang tinitignan ito pababa ng hagdan habang paunti-unti ang pagtaas ng kaliwang kilay niya. At sa pag katuwa ko ay mas binagalan ko pa ang bawat pag hakbang ng mga paa.
"babagalan mo pa o iiwan na kita?". Naasar na tanong nitong nakatingin ng masama. Na agad din nitong pag talikod palakad sa pinto palabas ng bahay.
"teka sandal lang! Di kanaman mabiro eh."
" ma alis na po kami." Pahabol na sigaw ko ke mamang hindi ko alam kung narinig ba ang sinabi ko, habang nag mamadaling patakbong bumababa. Patuloy parin ang pag lakad nito palabas ng bahay ng wala manlang lingon-lingon upang tignan ako.
Mula sa likoran patuloy ko paring tinitignan si allen sa kanyang likoran na patuloy parin sa paglalakad na sa tingin ko nakasimangot na naman. Agad akong tumakbo palapit sa kanya.
"excited ka na no?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"saan?" tugon nitong patuloy pa rin sa paglalakad.
"sa pag pasok sa bagong school...
Teka bagalan mo lang naman ang pag lalakad, di naman natin kaylangan mag madali maaga pa naman di naman tayo malalate." Nakasimangot na tanong ko habang patuloy paring nakatingin sa mukha niya. Agad ako humawak sa braso niya para mapabagal ito sa pag lalakad. Napahinto ito sa pag lalakad at napatingin sa akin ng nakataas ang dalawang kilay.
"at ano naman ang dapat ko ika excite?...."
"sisikat kana naman kasi agad dun sa bagong lilipatan nating school. Siguro naman makakahanap kana ng babaeng magugustohan mo dun." Nakangising sabi ko sa kanya. Sa reaksiyon ng muka niya nakikita kong kunti nalang at magagalit na to sa pangungulit ko at siyempre makakabawi na ako sa pang aasar niya ngayong umaga.
"wala akong pakialam at oras sa mga ganyang bagay....
Tanggaling mo nga yang kamay mo at nabibigatan ako. Sa bagal mong mag lakad kaylangan pa kitang hatakin at akayin....
At kung pwedi lang bago mo pakialaman ang buhay ko o ang buhay ng ibang tao. Bakit di mo muna ayosin yang buhay mo lalong lalo na yang pag aaral mo. Wala kana ibang alam kundi ang mangi-alam. Mag salita kapa at iiwan kita ditong mag isa, tignan natin kung magawa mong mahanap agad ang school." Taas ang boses na pasigaw nitong sabi. Sa reaksiyon niyang nakikita ko ngayon halatang di niya nagustohan ang mga nasabi ko. Para magalit at mag seryuso siya ng tulad nitong nakikita ko ngayon sa mga mukha niya. Mukhang napa subra ata ang ginawa kong dapat na pang aasar lang. Muli itong nag lakad ng mabilis.
Ang tignan siya kahit nakatalikod lang mula ulo hanggang paa makikita mo na agad na napaka gandang lalaki niya kahit di mo pa nakikita ng buo ang mukha niya. Kaya nakapag tataka namang sa subrang dami ng magagandang babaeng nag kakagusto sa kanya e ayaw man lang pumatol ng kahit isa. Sayang nga lang sa subrang suplado at seryuso niya di ko alam kong makakakuha pa kaya ng lovelife to. Mula pa nuon ni minsan wala pako narinig o nakita manlang na may kasama itong babae o pinakilala o kahit nga ang mag kwento man lang kung may natitipohan ba siya o balak na ligawan o nagugustohan. Kahit san naman siya pumunta halos lahat ng babae nag kakagusto na sa kanya. Kahit na nga ata pati matatanda nagugustohan siya. Minsan tuloy nabibiro siya nila papa kung baka pareho kaming babae sa pamilya. Haha well pag nag kataon pareho kaming mag kapatid ng gusto.
Isipin ko palang natatawa na ako. Sakaling si allen isa nga talagang "bading"? Wow may makakasama na ako sa pag punta ng parlor pag sakaling gusto ko mag pa ayos ng buhok, pwedi ko ng itanong sa kanya kung bagay ba sa akin ang ganito bagay ba ang ganun. Sa tuwing bibili ng gamit oh ng damit sabay naming susubokan isukat na dalawa kung bagay ba. Mag papatalbogan sa pag aayos. Mag papalitan ng make up at higit sa lahat ang makita si allen na naka suot pang babae. Isipin palang ang bagay na yun "hahaha" gusto ko ng humagalpak sa kakatawa. Umupo at mag pa gulong-gulong masyado kasing masagwa sakaling ganun nga.
"papasok ka ba oh tatayo kanalang diyan?"
"huh?" walang muwang na tanong ko sa tanong ni allen. Nagulat ako ng makita kong nasa labas ako ng isang room. Hinanap ng mata ko kung nasaang lupalop ako naruruon. Ngunit mas lalo lang akong nagulat ng nasa labas na pala ako ng bagong school ko at di lang yun. Kundi sa sarili kong class room mismo.
"pumasok kana!!!
Wala kana naman sa katinuan. Pwedi ba ayosin mo nga yang sarili mo..
Nakakahiya ka. kanina kappa nakangiti ng mag isa. Alam mo bang pinag titinginan at pinagtatawanan na tayo ng mga tao dito.
Alis nako. Diyan kan!!" pagalit ngunit halatang nahihiyang sabi ni allen sabay talikod ng parang walang nangyari. Gusto ko pa sanang tawagin to para maka pag paalam pero di ko na nagawa dahil bigla nalang ito nawala sa paningin ko dahil sa bilis ng pag lakad nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/6169588-288-k811966.jpg)
BINABASA MO ANG
A promise to forever(on going)
RomansaLoving someone don’t need any REASON… It doesn't matter the age gap.. Doesn't matter how she/he looks.. Doesn't matter the way she/he move or speak.. Doesn’t matter what other people say.. what matter is.. HOW do you LOVE each other.. HOW do you NE...