I know marami satin gustong gusto makita si Pj Simon sa personal. Hindi lang basta makita gusto natin siyang makausap, mayakap at minsan halikan sa pisngi.
Ang tanong ay magagawa mo pa kaya yan pag totoong nasa harapan mo na siya? o baka bigla ka nalang matahimik pag kaharap mo na? Mawala sa sarili ? etc.Hi ako si Marz tubong Pangasinan, Yes ! kababayan ko si Marc Pingris. 19 years old napo ako at third year college sa kursong Civil Engineering.
Minsan naisipan kong magpunta ng Our Lady of Manaoag dito samin sa Pangasinan nang hindi araw ng linggo, gusto ko kasi magsolo gusto ko ako lang doon sa loob ng Simbahan, so since wala na naman kaming klase tumuloy talaga ako. Pagdating ko dun wala ngang katao-tao, ako lang, noon ko lang nasilayan ang buong lawak ng Simbaha sobrang laki nga talaga at ang lawak. Sobrang tahimik ng paligid puro mga huni ng ibon lang naririnig ko. Nagtungo ako sa pikaharapan, yun talaga gawain ko sa kahit saang simbahan doon mas ramdam mo ang pagdarasal. Siyempre hindi maiiwanan sa dasal ko palagi na makita si Pj. Hinamon ko si God nang mga oras na yun sabi ko Lord sana naman po this time pagbigyan mo na ako na makita si Pj Simon sa ngayon wala po akong kakayahang magpunta ng Manila kaya Ikaw nalang po sana magdala sakanya dito.
Pagkatapos kong magdasal naupo lang ako doon, nagmuni-muni palingon-lingon sa paligid, sa pintuan baka dumating nga si Pj "ngiting parang tanga". Medyo natagalan akong nakaupo nabored ako kaya nagdecide ako na magpuntang garden sa likod ng simbahan, maganda kasi doon daming views may fountains, mga isda, mga halaman, images etc. Pagdating ko doon selfie anywhere paikot-ikot lang ako hanggang sa magsawa.
Nang napagod nako nagdecide ako ulit na bumalik muna sa Simbahan medyo maaga pa kasi para umuwi.
Pagpasok ko ulit sa loob halos nasa pintuan palang ako may nakita akong lalaki na nasa pinakaharapan sa loob ng simbahan, nakatalikod ito at nakayuko halatang nagdarasal. Ako naman parang idinikit sa kinatatayuan ko. Inaantay kong lumingon yung lalaki, likuran palang desenting-desenting tignan.
Nang lumingon na siya As In ! Oh My GOSH !!! Nabulabog ang napakatahimik na Simbahan sa sigaw ko buti nalang talaga walang ng ibang tao dun. Hindi ko narin alam panu ako nakalapit sa kanya Yes si Pj Simon nga po tinutukoy ko, nakakatawa dahil halatang gulat na gulat din itsura niya, pero nung ngumiti na ay Grabe ! angPogi po talaga. Siyempre sinamantala ko na ang pagkakataon niyakap ko siya ng sobrang higpit at kinausap. Pero sabi ko wait lang po wag ka munang mawawala magtaThank you lang ako kay Lord tinupad niya agad Wish ko "sabay ngiting paCute". Nakakatuwa nagantay nga siya, pagkatapos ko nagAya na siya sabay na kami lumabas ng Simbahan, sa gitna pa kami naglakad habang tinutungo namin ang labas kung anu-ano pumapasok sa isip ko kasal-kasalan lang ang peg. Tiyaka siya nagsalita, tinanong niya kung may iba paba akong pupuntahan o may gagawin pako. Siyempre sabi ko wala kahit meron haha. Inaya niya ko na kung pwede samahan ko muna siya sa Dagupan hindi niya daw kasi kabisado ang daan." Malamang di siya taga roon" Mamimili daw siya ng mga bangus o kung anong pwede niyang ipasalubong sa mga teammates niya. Siyempre ulit payag ako agad parang date narin yun !
Sa Parking area kami nagtungo, nakita ko na agad white yung kotse niya. Para paring wala ako sa sarili kinukurot ko tenga ko baka nananaginip lang ako. Pero totoo talaga, Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse niya Sobra-sobrang saya talaga nararamdaman ko, buti nalang nagagawa ko pang kumalma. Nung nasa loob na kami pareho ng sasakyan papaandarin na sana pero biglang Kring...Kring...Kring... may nagriring, nagkatinginan kami pareho tas may dinukot siya sa bulsa niya cellphone niya, wait lang huh sagutin ko lang to sabi niya. Sinagot na niya yung phone niya pero may natunog parin kaya hinalungkat ko narin bag ko.
Ay grabe alas-sais na pala pala ng umaga alarm clock ko nayung natunog, may pasok pako ng 9.Panaginip lang pala lahat, pero parang totoo talagang nangyari sa tuwing maalala ko. Nakakatuwa din kasi naikwento ko ito sa isa kong kaibigan na fan na fan din ng Team, at sinabi niya sakin White nga daw talaga ang kotse ni Pj haha Anggaling. Ganun paman kahit panaginip lang ito Thankful parin ako kay God kasi parang totoong experience narin talaga yung nangyari, na binigyan niya parin ako ng pagkakataon na mayakap si Pj kahit sa panaginip lang. At hindi parin ako nawawalan ng Pag-asa I know maraming paraan, marami pang pagkakataon para magkita kami. Sana maging daan din tong panaginip ko na ibinahagi ko sainyo.
Naway nagustuhan po ninyo. Maraming-maraming salamat sa paglalaan niyo ng oras niyo sa pagbabasa. Sana po ishare niyo rin sa mga kakilala niyo po na Die hard Fans ni Pj. Again Maraming salamat po. God Bless :-)
Kung may nainis man Sorry po :-D
@Lee_Eyt

BINABASA MO ANG
"Dreams Do Come True"
Short Story[ Kwentong PBA ] Hi everyone, Hi PBA Fans specially sa mga Team Star Hotshots and most specially ulit sa mga die hard fans ni PJ Simon tulad ko. Tandaan ! Libre ang mangarap. Pero hindi kalang dapat basta nangangarap lang, dapat may gawin ka para ma...