After 1 week
Ash's PoVNaglalakad ako ngayon papunta sa music room. Tapos na rin naman yung klase ko. It's already 5:30 in the afternoon. 5pm kasi start ng audition para sa papalit na vocalist ng banda.
Pagdating ko, may kumakanta na. Lumapit na rin ako at umupo sa tabi nila Vincent. Kumpleto buong grupo dito. Ako na lang pala ang wala. Wala lang kasi talaga akong magawa kaya ako nagpunta dito. Hahayaan ko parin naman silang mamili ng magiging bago naming vocalist. Kaya hindi ko rin pinapansin yung nakanta. Kumakain lang ako dito. Haha
Naisipan na naming umuwi. Isang oras lang naman inabot namin. And we still have the whole week para mamili sa mga nag-audition. Sabi lang nila, itetext nalang daw kung sinu ang nanalo. Haha.
"Osiya, ba-bye na. Salamat sa paghatid sakin" sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt ko. Hinatid na kasi ako ni Vincent pauwi.
"Haha. Sunduin kita bukas. Goodnight" sagot niya naman bago ako bumaba. I just smiled at him at tumango. Kumaway muna ako sa kanya bago pumasok sa pintu namin.
"Hi ma! I'm home" naabutan ko si mama na magluluto sa kusina.
"Magbihis kana at bumaba dito nang makakain na tayo ng hapunan."
"Opo ma"
Pagdating ko sa kwarto nagbihis na ko agad ng kumportableng damit. Nakaupo ako sa kama ng makita ko yung teddybear na binigay niya sakin.
-Flashback-
"Hi babe. Happy anniversary" he said while giving me flowers and chocolates.
"Aww.. Thankyou. Ang sweet mo talaga. Haha. Kaya nataba ako eh. May regular supply ako ng chocolates mo"
"Syempre naman. Tsaka kahit naman tumaba ka ng tumaba ikaw parin ang pinaka-sexyng babae para sakin" he is now holding my hands. I can see sincerity in his eyes. I am so inlove with this guy.
"Haha. Bolero ka talaga" sagot ko habang natawa sabay hampas ng mahina sa braso niya. Kinikilig ako eh. Hahahaha.
"Ahm.. Babe, may sasabihin pala ako sayo"
"Anu yun?"
"Lilipat na kasi kami ng bahay. Kaya baka bihira nalang tayong magkita"
"Ahh ganun ba? Sige okay lang. Marami namang paraan para magkausap tayo eh. At tsaka na sa iisang school lang tayo napasok. Anu ka ba. Haha"
" Yun pa yung isa babe, lilipat na rin daw ako ng paaralan. Yung mas malapit sa lilipatan naming bahay"
"Ha? Bakit naman ganun? Di ba pwedeng dito ka parin mag-aral" Huhu. Bakit kailangan pang lumayo. Mamimiss ko siya.
"Yun kasi napag-desisyonan ng parents ko. Pero don't worry babe, tulad nga ng sinabi mo. Maraming paraan naman para makalabas tayo eh. Haha." He said then hug me. "Wag ka nang malungkot jan"
"Basta ba eh wag kang mambababae sa lilipatan mo ha? Kundi kakalbuhin ko yung babae mo" I answered him kahit medyo naiiyak na ko dito.
"Haha. Oo naman! Ikaw lang babae ko. Oh eto, may isa pa kong ibibigay sayo" humiwalay na kami sa yakap. Inabot niya sakin ang isang teddybear.
"Kapag namimiss mo ko, yayakapin mo lang yan para kunyarin ako na rin yung yakap-yakap mo"Napangiti na ko bago yakapin yung stufftoy.
"Wow ! Thank you babe. Iloveyou"
"I love you more than I love myself"
-End of Flasback-
Yakap-yakap ko yung teddybear. Namimiss ko na siya. At hanggang ngayon mahal ko parin siya. Hindi na ko umiiyak ngayon. Ayoko nang umiyak.
Inayos ko na lang yung teddybear bago bumaba at kumain.
Inahanda na ni mama ang lamesa pagbaba ko.
YOU ARE READING
My Nerdy Vocalist (On-going)
Teen FictionAng istoryang ito ay may pagkarated SPG na hindi angkop sa mga bata. So if you're below 18, then go away *shoo shoo* Bawal sayo 'to. Don't say I didn't warn you. -minervathena