Vocal 2

21 2 0
                                    

Natapos na ang simpleng welcome program sa school. Actually, mag-gagabi na nga siyang natapos. May mga nagperform din kasing mga dancers at pepsquad member ng school. Namukha tuloy foundation day kaso walang mga booths -___-

Nandito na ko sa kwarto ko ngayon, nakatitig lang sa kisame. Pagod yung katawan at isip ko. Inaalala ko kasi si Mike.

Anu na kayang nangyari sa taong yun ? Ni hindi na nagawang magpaalam saming lahat ng maayos bago siya umuwi kanina, kahit text wala. Haayyss -___-

Kinasanayan na kasi naming magpaalam sa isat isa bago umalis o kaya naman magtetext nalang. May iba kasi akong nararamdaman eh, parang....

'ive never seen a diamond in the pleash

icut my tongue on wedding dress in the movies~~'

"hello?"

[WAAAAHHH... BESTY HINDI MANLANG TAYO NAGKITA KANINA] nailayo ko bigla yung cellphone ko sa tenga ko. Grabe talaga makasigaw tong babaeng to.

"ay, pasensya na hindi na kita natawagan kanina. Medyo pagod pa kasi ako. Kaming buong banda"

[ahh, ganun ba?! Pero grabe ang ganda ng performance niyo kanina. I'm so proud to be your besty] kahit hindi ko nakikita alam kong nakangiti ng malapad at halos magtatalon na 'tong babaeng 'to. Ang simple ng kaligayahan :D

"haha, salamat naman"

[ang gwapo nga ni justin kanina while professionally playing his guitar.. kyaaahh, ang galing galing nga rin talaga]

"besty, para namang hindi ka sanay na mapanuod kaming tumugtog sa reaksyon mong yan. Grabe ka! Eh simula pagkabata magkakasama na tayong lima at sa lahat ng performance namin nandun ka kahit pa practice lang yun, kaya bakit kung makareact ka jan parang ngayon mo lang kami nakitamg tumugtog at ang lakas pa maka-fangirl ng tono ng boses mo" natatawa kong sabi sa kanya. Haha

[hahaha, wala lang. Masaya lang kasi talaga ako para sa inyo. Anyway, Gelo told me that Mike suddenly dissappear after your performance, ni hindi na rin daw siya nakapagpaalam ng maayos senyo] kung napapansin niyong napapadalas ang pag-english niya. Well, matalino kasi yan. Rank 1 ang loka samantalang ako nasa rank 3 lang -3-

"about that, sabi nga nila nagmamadali daw. Kakausapin daw ng tatay niya..? Ewan ko dun, magkikita pa naman kami bukas kaya bukas ko nalang din siya tatanungin"

[ohh, i see. Sige kita nalang tayo bukas sa school may ipapakilaka ako sayong papable] kinikilig niyang sabi sakin :">

"haha, naku Jen. Alam mo namang mas gugustuhin kong makakilala ng bagong kanta kesa ng lalaki. Alam mong hindi pa ko handa"

[ahh, basta kelangan mo siyang makilala para naman makalimot kana nuh?! Ang ganda mo kaya masyado para problemahin si Daryl] matigas niyang sabi sakin.

"pero---" *toot toot toot*

bastos talaga yun. Babaan ba daw ako ng tawag? Hays, pag ganun na kasi yung ginamit niyang boaea ibig sabihin desidido talaga siya sa gagawin niya. Makatulog na nga lang maaga pa pala ko bukas.

*kinabukasan*

JENNY's POV

Nagsusuklay na lang ako ngayon ng buhok ko. Lagay ng pulbo at lipgloss.

"ayaaan, ang ganda ko na" nakangiti kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Im Jenny Valentines Peña. Childhood bestfriend ko si Ashley. Magkababata kaming lima, si Michael, Justin, Angelo, Ashley at ako.

My Nerdy Vocalist (On-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang