Sa Umaga...

8 0 0
                                    

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang matinding kirot dito sa puso ko. Dito sa loob ng puso ko.

"Glenn! Ano ba? Hindi ka ba kikilos riyan? Hindi mo ba ako naririnig?" Galit ng sigaw ng nanay ko.

Ah! Isa pa 'tong nanay ko. Nakakarindi. Nakakainis. Hindi ako makapag-emo ng matino dahil sa kadadakdak at walang tigil na pag-uutos niya. Oo. Ganoon ang dating sa 'kin ng mga ginagawa niya. Minsan nga sa utak kong malawak ang imahinasyon naiisip ko na tila isang machine gun ang bunganga ng nanay ko. Maingay. Walang tigil. Nakakarindi. Nakakainis.

Hindi ako kumilos. Nanatili lang akong nakahiga sa divan namin habang nababalot sa makapal na kumot. Kunwa'y nilalamig ang katawan bagaman at ang dibdib ko ang nilalamig. Ni hindi ko tiningnan ang nanay ko. Wala akong pakialam. Wala akong nararamdaman. Hindi ako natatakot. Wala na sa akin kung paulanan na naman niya---nila---ako ng sangkatutak na sumbat.

"Ano ba? Hindi ka ba talaga kikilos riyan, ha? Hindi ka nakakarinig? Kanina ko pa iniuutos sa'yo na mag-ipon ka ng tubig dahil hihina raw ang tulo at baka tuluyan pang mawalan ng tubig! Wala tayong gagamitin 'pag nagkataon!"

Hindi pa rin ako kumilos. Hinayaan kong magbunganga ang nanay ko. Tutal doon naman siya magaling.

Bumababa ng hagdan ang ate ko. Nagpabili ng conditioner. Sumunod na rin ako. Makaiwas man lang sa nakakarinding boses ng nanay ko.

Pagbalik ko galing sa tindahan ay walang imik na iniabot ko lang sa kapatid ko ang ipinabili niya. Muli ay bumalik ako sa dati kong pwesto. Nahiga akong muli at nagtalakbong ng kumot. Kay lamig talaga.

Tahimik na ang nanay ko. Hawak niya ang cellphone niya. Malamang nagte-text na naman siya sa tatay ko na hindi nagpapadala. Mabuti naman at natahimik rin siya. Nakukulili na ang tenga ko sa kagagalit niya. Halos basag na ang ear drums ko sa katutungayaw ng nanay ko. Umagang-umaga pa lang...

Maya-maya ay muli na namang umarangkada ang bunganga ng nanay ko.

"Glenn! Ano ka ba naman?! Ni isa sa mga sinabi kong gawin mo, wala kang sinunod? Ano ba talagang problema mo, ha?" 




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GlennTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon