Chapter 11 - Love Me Harder

2.4K 85 10
                                    


"Hey!" bati ni Vice kay Karylle na kasalukuyang nanonood ng tv sa sala. Tinabihan siya ni Vice at si Karylle naman ay nakatingin lamang sa kanya.

"Uhmmm... may gagawin ka ba mamaya?" tanong ni Vice sa kanya.

"Ahhh. Wala naman, bakit?" Karylle.

"Yayain sana kitang lumabas? Pwede ba?" Vice.

"Naunahan mo ko. Ano ba yan!" Karylle.

"Ha? Bakit? Balak mo rin ba kong yayain mamayang gabi? Hahaha." Vice.

"Oo sana eh. Hihihi." Karylle.

"Ok sige. Para maiba naman, ikaw ang magde-decide kung saan tayo pupunta mamayang gabi. Ako manlilibre, ako magda-drive, pero ikaw ang map..." Vice.

"Map...?" Karylle.

"Map patungo sa puso ko. Ay! Hahahaha." Vice.

"Ang luma ng pick up line. Laspag na yan jusme. Narinig ko na dati yan kay Billy." Karylle.


Nag-iba naman ang mood ni Vice nang marinig niya iyon. Sinadya talagang sabihin ni Karylle na narinig niya na iyon kay Billy. Pero kahit na sinabi ulit ni Vice iyon sa kanya, kinilig pa rin siya ng kaunti. Pero dahil nga laspag na para sa kanya, kaunting kilig lang ang naramdaman niya.

Inaamin ni Vice sa sarili niya na minsan nagseselos siya sa kaibigan ni Karylle na si Billy, na dati na ring nanligaw sa kanya, lalo na't magkatrabaho sila nito. Minsan ay naiinis siya kapag idadahilan ni Karylle ang pagiging busy niya sa trabaho kahit minsan ay nakikita niyang kasama nito maglunch si Billy. Napag-awayan na rin nila ito dati pero in-explain na sa kanya ni Karylle na si Billy ay may girlfriend na at wala siyang dapat ika-selos.

Mayamaya'y pumunta muna si Karylle sa kanyang kwarto, habang si Vice naman ay tahimik na naiwan sa sala. Tumayo muna si Vice at pumunta sa kanyang kusina para uminom ng isang shot ng vodka. Pagbaba naman ni Karylle ay may bitbit siyang brown envelope at hinanap niya si Vice. Nang makita niya na, na sa kusina lamang ito, pinuntahan niya ito at ipinakita ang kanyang bitbit.


"May pinadala kaninang mail sayo. I don't know kung ano yan and kanino galing basta pumirma lang ako para matanggap ko 'to. So, ayan ikaw na ang tumingin kung ano yan baka kasi bomba yan eh. Joke hahaha just kidding." Napangiti ng slight si Vice sa medyo waley pero cute na joke ni Karylle.


Binuksan niya ang envelope at nakita niya ang passport at papeles na kanyang ipinalakad sa kanyang personal assistant. Habang binabasa niya ang mga nakalagay sa papel, todo silip naman si Karylle at pinipilit alamin kung ano iyon.


"What's that?" tanong ni Karylle kay Vice.

"This?" sabi ni Vice sabay ipinakita kay Karylle ang hawak niya. "This will be your passport papunta natin sa Paris. And yung mga papers naman, pirmahan mo ito dahil io-open kita ng bank account."

"What?! Are you serious?! Pupunta tayo sa Paris?!"

"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, ok lang. Maiwan ka dito. Ako na lang pupunta sa Paris Tour ko."

"Uy! Kasi naman eh! Sasama akooo! OMG! Thank you, Vice! Thank you! Thank you! Thank youuu!"

"Karamihan talaga sa mga babae, gustong makapunta sa Paris. If I know, dati pinapangarap mo na makakapunta ka rin sa Paris someday, and now... eto na. Matutupad na ang pangarap mo na makita ang Eiffel Tower."

Sex on Fire | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon