Chapter 10 - Surprise ni Mr. Right (2)

1.7K 52 9
                                    


"Are you happy?" tanong ni Vice kay Karylle habang sila'y nasa balkonahe, nagmumuni-muni at nilalanghap ang masarap na simoy ng hangin.

"Alam mo... simula nung dumating ka, yung mundong madilim na nakagisnan ko, binago mo yun. Wala pa ata akong nakitang tao na kinayang pagsama-samahin ang pamilya ko kahit na may mga alitan silang lahat sa isa't isa. Thank you, Vice. For changing my life in a moment..." Karylle.

"Wala yun. Ginawa ko lang yun para mapasaya kita. Feeling ko kasi hindi sapat ang kilig na pinapadama ko sayo para pasayahin ka ng lubusan. Pero nung nakita mo kanina na parang mistulang reunion ng family mo ang birthday mo kanina, dun ko na laman na may isang bagay pa pala na mas makakapagpasaya sayo. At yun ay yung makita mong sama-sama sa iisang okasyon ang pamilya mo..." Vice.


"Eh ano bang naisip mo at bakit pinagsama-sama mo silang lahat?" Karylle.


"Tinatanong pa ba yan? Eh kasi nga mahal kita." Vice.


"Sus. Pare-parehas lang talaga kayo." Karylle.


"Nino?" Vice.


"Nung mga lalaking nakilala ko. Ganyan din sila. Bumabanat na mahal nila ako tapos sa huli iiwanan nila ako. Kaya hindi kita pinapayagan pang maging girlfriend mo ko eh. Lalo na't di mo pa ko nililigawan. Pag pumayag ako, alam kong isusumbat mo sakin yan." Karylle.


"Ang alin?" Vice.


"Putcha naman oh! Ang labo mo namang kausap! Ang point ko nga kasi, alam ko na pagdating sa dulo nito mare-realize ko nanaman ulit na kaparehas ka lang nila!" Karylle.


"Paano kapag napatunayan kong mahal talaga kita?" Vice.


"Hindi mo mapapatunay yan dahil mahirap kang paniwalaan. Una, sikat ka at artista ka. Pangalawa, kilala ka bilang womanizer. Pangatlo, maraming rumors na nakabuntis ka na raw. At panghuli, kakapiranggot na lamang ang mga taong seryoso. Hindi ko na lanag alam kung kasama ka sa kanila o hindi. Basta ako, seryoso ako pagdating sa pag-ibig. Kasi... seryosong bagay yon." Karylle.


Iniwan ni Karylle si Vice sa balkonahe at bumaba para makipagkamustahan sa kanyang mga bisita, habang si Vice naman ay nasa balkonahe, pinagninilayan ang mga sinabi sa kanya ni Karylle.



~*~



Vice's POV

Paano ko ba makukuha ang puso mo? Ako ba 'tong di seryoso o sadyang matigas ka lang? To be honest, mahirap magpakatotoo, mahirap maging totoo, at mahirap ito-totoo ang pag-ibig. Hindi ako sanay sa mga matagalang relationships. It's true na womanizer ako pero NEVER akong nakabuntis. Makakapal lang ng mga muhka nung mga babaeng yun. Gusto lang nilang panindigan ko ang anak ng iba.

Tatanga sila eh. Kung hindi sila nagpadala sa mga lalaking nang-iwan sa kanila, eh di sana hindi sila nagkaganyan diba? Tapos isusumbat nila sa akin na hindi ko sila pinanindigan? Bakit? Akin ba yang anak nilang yan na pinapasagot nila? Hindi ko pa man naipapa-DNA yung bata pero alam ko nang di akin yun. Dahil never pa kong nakikipag-sex. And yes, you heard it right. Kumbaga sa mga babae, virgin pa ika nga.

Sex on Fire | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon