Chapter 12 - Eiffel For You

2.4K 90 8
                                    


Habang inaantay si Vice na makauwi, nagtwitter muna si Karylle para mawala ang pagka-bagot.


"@anakarylle: Craving for pizza and mojos."


Sa kabilang dako naman, ilang minuto na lang ay pauwi na si Vice. Habang siya'y nagda-drive, may biglang nagpop-up na notification sa kanya. Nakita niya naman ang tweet ni Karylle, at sakto namang napangiti siya. Instead na magreply sa tweet ni Karylle, nagtweet din siya sa kanyang account.


"@theviceral: Crave no more, baby. ;)"


Nang magtweet ng ganon si Vice, nagtaka naman si Karylle. Napaisip tuloy siya kung bakit niya itinweet iyon. Kahit alam niyang siya lang ang baby ni Vice, napapaisip siya na baka may iba pang baby si Vice. Pero dahil sa gusto niyang good vibes at positive lang, di niya na lang iniisip ulit yung tweet ni Vice. Ilang minuto lang ay nakatanggap siya ng text galing kay Vice.


From Vice:

Craving for pizza and mojos? Why don't you open the door? ;)


Napangiti naman si Karylle at dali-daling binuksan ang pintuan. Pagbukas niya ng pinto ay bungad sa kanya agad ang pizza, mojos at softdrinks na binili ni Vice. Mas lalo naman siyang kinilig dahil sa kagat-kagat na red rose ni Vice. Tinawanan lang ni Karylle ang kakyutan ni Vice at nakuha pang picturan ito.

Pero dahil sa slight naaawa na siya dahil sa dami nitong dala, kinuha na niya ang mga biniling pagkain ni Vice at nilagay sa mesa. Pumasok na rin si Vice at sumunod kay Karylle. Habang nag-aayos naman si Karylle, bigla naman siyang binack hug ni Vice.


"Mamayang gabi tabi tayo matulog ah?" sabi ni Vice habang nilalambing-lambing si Karylle.

"Paano kung ayaw ko?" sabi naman ni Karylle sabay tingin ng pang-aasar kay Vice.

"Eh di hindi kita isasama bukas sa flight ko papuntang Paris. Madali naman akong kausapin eh." Bigla namang bumitaw si Vice at naghanda ng dalawang baso at nilagyan ito ng ice cubes.

"Hala! Uy! Nagbibiro lang eh. Sige na nga tabi na tayo matulog." Pagmamakaawa ni Karylle.

"You know what? You're cute. Kailan ba talaga kita pwedeng ligawan?"

"If you really really love me, you'll wait for me."

"Well... ok. Sabi mo yan. Mag-aantay talaga ako kahit gaano pa yan katagal."

"Kahit na maputi na buhok natin pareho?"

"Kahit na kumulubot man ang muhka natin pareho, at kahit na parehas na rin tayong makakalimutin. Mag-aantay ako."

"Buti ka pa kaya mong mag-antay. Siya, hindi."

"Huh? Sinong siya?"

"Wala! Tara na kainin na natin 'tong binili mo for me. Kanina pa ko nagc-crave."

"Change topic pa hahaha. Sige na nga ako rin tomguts na eh."

"Kawawa naman baby ko gutom na. Oh, kain!" sinupalpal naman bigla ni Karylle sa bibig ni Vice ang isang slice ng pizza.

"Ano? Masarap? Hahahaha." Pang-asar na tanong ni Karylle.

"Mesherep. Hahahaha. Pinagtitripan mo ko ah?"

Sex on Fire | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon