Hi, ako si Aliza Perales. First year High School student na sa pasukan. Akalain mo yun! Nakagraduate pa ako ng grade school. Katamad kaya! Anyway, kakalipat lang namin dito sa Cavite. Gusto kasi ng parents ko na dito na magaral kasi dito sila nagtatrabaho eh. Nakapag enroll na din ako sa San Agustin Academy, grabe sobrang mahal pala dun. Uniform at books palang ubos pera na agad. Pero oks lang, si parents naman ang magbabayad. Ginusto nila yan kaya keribels nila yan!
-Aliza's Point of View (POV)
Lumayas muna ako ng bahay saglit. Nakakabagot kasi eh. Wala naman akong ginawa kundi mag pesbuk twitter tumblr at kung ano ano pang kaechosan. Andito ako sa isang mall ewan ko kung anong mall to basta mall!
Hay, grabe naman. Napakainit naman dito! Nasa desyerto ba ako. Ugh!!
"HOY ALIZA!" may biglang sumigaw sa likod ko habang tumitingin ako sa isang shop.
Lumingon ako wala naman tao. Feeler lang siguro ako. Yan nangyayari kapag laging magisa. HAHA.
Pagtapos ng limang segundo may kumalabit naman sakin.. aba syempre lumingon ako!
"ALIZA! SABI NA NGA BA IKAW YAN EH! ANG GALING KO TALAGA!!"
Nagulat naman ako dahil napaka lakas ng sigaw niya, napatingin tuloy lahat ng tao. Si Yani lang pala! -_-
"Uy! Yani!!! Bakit ka nandito? Layo naman ng narating mo?"
-FLASHBACK-
Si Yani ay isa sa bff ko nung Grade 4 ako. Ngayon ko lang siya ulit nakita kasi nag home school siya. Mas gusto kasi yun ng parents niya para makapag focus daw siya. Nako tong si Yani. Maharot yan at sobraaaaang takaw. Lahat kinakain niyan. Walang inaayawan yan. Kaya tabachoy oh tignan mo kulang nalang lagyan ng apple sa bibig para magmukhang lechon. HAHAHA, ang sama ko!
-END OF FLASHBACK-
"Anokaba! Dito na ako nakatira at magaaral! E ikaw ba? Bakit ka nandito?"
"OHHH?!! AY SALAMAT LORD, KAHIT SI YANI YAN TITIISIN KO NALANG SIYA ATLEAST MAY KAKILALA NA AKO AT DI NA AKO LONER!" Sigaw ko ng malakas. Pasensya, baliw lang talaga ako minsan lalo na pag di macontrol ang saya. Masanay na kayo!!
"Grabe ka naman makapagsalita diyan. Eh ako kaya magtitiis sa babaeng baliw ba naman na tulad mo! Kahiya ka kasama minsan eh! -.-"
"Atleast minsan lang no, hindi lagi!! Bleeee!!!" Alam ko childish padin ako. Pero bakit ba. Bata palang naman ako ah. Cute ko kaya!
"HAIST! Dami pa sinasabi, san ka ba magaaral? Buti gumraduate ka no? Loka loka ka eh. HAHAHA!"
Bastos din tong Yani na to no. Aba syempre gumraduate ako. Teacher's pet kaya ako!! Eh malay ko ba, bata pa ako non. MATURED NAKO NGAYON. promise! pero joke lang :(
"Sama ng ugali netong lechon na to! Katayin kita dyan e. Sa San Agustin Academy ako e. I'm sure ikaw din. Mayaman ka naman kasi eh."
"ABA! Ms. Aliza Perales, kung alam mo lang no dinala na sana kita sa mental hospital matagal na! kung di lang kita kaibigan talaga eh. Galeng mo a. SAA din ako magaaral eh. Ganda dun no!"
Natapos din ang baliw baliwan naming usapan at nagkwentuhan naman habang papunta sa Jolibee. Ewan ko ba dito sa nilalang na to. Gutom na daw siya. Ayus lang, libre nya naman eh. Hahaha.
*KAIN KWENTO TAWA KAIN KWENTO TAWA*
Wala na kaming ginawa pang iba kundi mag kwentuhan at tumawa! Hay, infairness namiss ko din si Yani ha!
Kinuha ko number ni Yani syempre para keep in touch sa aking bff lydia's lechon.
At umuwi na ako. Mag gagabi na din, baka pagalitan pa ako ni mudrakels. Oks lang naman kasi kay pudrakels lagi kasi siya busy sa work kaya okay lang.
Pumunta na ako sa aking mala prinsesang kwarto at natulog. Kapagod din pala maglibot ng mall noh?
Time to have my beauty sleep! :)