Chapter 4

21 0 6
                                    

-Aliza's POV-

Waaaaaaw!! Tulo laway ko pag pasok ko sa entrance ng SAA. Malamang diba alangan sa Exit ako pumasok. Shunga lang. -_-

Grabe dami ng tao pala dito. Parang langgam lang! Syempre new student ako... Inexplore ko muna! Sa laki ng school at dami ng facilities malamang talagang mawawala ako dito.

Lakad lakad lakad...hinahanap ko kasi yung HS building. -_-

San ba yon! So g r r!!

-Andre's POV-

YEAH MEN!! Pasukan na. Hello baon! May pang dota na ulit ako.

Papasok na ako ng room pero.....

"ARAAAAAAAAY!!! OUCH OUCH OUCH!!! ANG SAKIT!!!"

May nabangga akong babae. Ewan di ko kilala to. Naligaw lang siguro. Psh.

"Psh shunga naman neto"

Bahala siya dyan di ko naman siya tinamaan eh.. Ata? Kahit na nabangga ko sya KUNG nabangga ko man, eh di ko naman yun sinasadya! OA lang yon. Kaya bahala sya sa buhay nya. May sarili siyang kamay at paa kaya tumayo sya magisa dahil malelate na ako sa klase. :|

Aalis na sana ako kasi nakakahiya na lahat ng tao nakatingin akalain pa nila sinaktan ko yang OA girl na yan. Psh.

Biglang may humablot ng damit ko O.O

"HOY ANG SIGA MO AH SINO KA BA!"

"Psh, wala ka na pake dun basta ang alam ko wala ako sa palengke! Makaalis nanga. OA GIRL!"

Panira ng araw yun. First day na first day ayssh! -_-

Bahala na sya sa buhay nya papasok na ako.

-Aliza's POV-

"Psh, wala ka na pake dun basta ang alam ko wala ako sa palengke! Makaalis nanga. OA GIRL!"

Aba ang yabang neto!! Di porket new student ako gaganyanin nya ako. Grabe manlait, panget panget naman sus!

Pero sa totoo lang....

Kasalanan ko din naman. Nadulas kasi ako e. hehe -_-" aba syempre para di mapahiya, segway din no.

AY! Eto na pala room ko...makapasok nanga.

Ayun, nagstart na ang orientation namin. Syempre no first day palang wala muna klase.

After halos 2hours ng boring na powerpoint presentation, recess na!! Yes naman. Nga pala..asan na kaya yung si Yani Lechon di ko pa ata nakikita. Mahanap nga..

Lakad lakad lakad...

"ALIZA!!!"

Aisssh O.O kagulat nanaman to si lechon e! Eh atleast di na ako maghahanap dahil nahanp nya na ako. Galeng ko talaga!!

And our crazy convo starts...

"Grabe ka makasigaw ah! Nakalunok ka ba ng megaphone ha?!"

"Ay, grabe ka naman. Baka sakali lang naman na di mo ako marinig no! Sooo, kamusta first day ng bestfriend kong abnoy?"

"Wag mo na tanungin pa!! -_-"

"Hala sya! Tatanong lang eh. Dali naaa kwento ka na."

"Sinabing ayoko eh! Ilang beses ka ba iniri ng nanay mo!!"

Hindi naman sa mataray talaga ako pero naiinis lang ako sa lalaking sumira ng first day ko. Nkakahiya noh!

"Highblood ah! Kalma!! Sige na dyan ka na, lilibre sana kita eh kaso...sige na bye!"

ANSABE NON? LIBRE?!!

Di ko hahayang lumagpas ang moment na to! I must go!!

"Yannnni! Saglit! Kwento ko na sayo!!! "

"Ayon naman pala eh. Madadaan ka pala sa tampo eh"

Actually dahil sa libre. Hahahaha. Wala kasi ako pera. Nagtitipid ako. Gusto ko kasi bumili ng camera ko. ON MY OWN. Sariling sikap to men!

"Ano kasi....may nabangga ako kanina nung papasok na ako ng room. Bastos nga e! Di man lang ako tinulungan! Sinabihan pa akong shunga. Sino ba naman di maiinis dun no. Kapuno kaya. Tapos malalaman mo classmate mo pala. Ayssh sakit sa bangs!"

"Sino ba yan? Baka naman di naman kasi sinasadya at shushunga shunga ka lang talaga ha!"

"Di ko kilala eh..."

"Nubayan! Describe mo nalang dali... Resbakan natin yan!! >:)"

Brutal talaga tong bestfriend ko. Pero atleast, supportive kahit minsan!!

"Di ko din alam e. di ko nakita mukha masyado kasi nga diba nasa floor lang ako at di nya ako tntlungan. O.o"

"Wag ka magalala..makikilala din natin yan best! Tara na, gutom na ako"

As usual gutom na naman sya. May bago pa ba? Hahaha! Sarap talaga pag libre hehehe :)

-------

AN:

FOLLOW THE AUTHOR!!

@TheaPrtcio

Thanks for reading. xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blinded Love (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon