Memories

35 5 0
                                    


Pitong taon na ang nakalipas...
Pero sariwa pa rin sa alaala ni Asha ang nangyari.

Batid nyang may kulang sa buhay nya simula ng umalis sya sa lugar na pinagmulan nya.

Umaasa pa rin sya na sana ay masasagot ang mga liham nya na pinadala sa kaibigan. Kahit hindi na mabilang ang mga liham na ito. Kung susumahin na sa libong sulat na ipinadala nya. Masakit para sa kanya dahil ni isang tugon ay wala man lang syang natanggap.

Naalala nya pa kayo ako? Bulong nya sa isipan nya. Siguro kinalimutan na sya na taong yon. Sya na lang siguro ang naasa na maalala pa sya nito.

Pilit sinasabi ng isip nya na baka kinalimutan na sya. Pero ang puso nya, ay nanatili pa ring matatag.


***

"Kahit kelan talaga lampa ka ", sabi ni Kevin habang pasa si Tasha sa likod nya .

"Ikaw kasi tinakot mo ako kaya tuloy nagulat ako at nadapa."

"Sinisi mo pa ako ,ayaw mo pang aminin na lampa ka talaga ",Kevin

"Oo na nga panalo ka na ",

"Alam mo medyo mabigat ka rin ," biro nya

"Tss ibaba mo na nga ako ", at dahan dahang binaba ng batang lalaki.

"Ikaw naman galit agad para binibiro lang e."

"Hindi ako nakikipagbiruan ", Pagtataray nya. Tsaka inayos ang damit na suot.

"Hmm taray naman nito. Nga pala Tasha Pag laki natin ano bang pangarap mo?",

"Syempre gusto ko maging singer ",Tasha

"Teka gaya gaya naman e akin yun di ba ?"
Taas kilay nitong saad.

"E masama ba? Gusto ko kasi magkasama tayo ", ngiti nito sa kasamang bata

"Basta ba walang iwanan ,dahil kapag iniwan mo ako magkalimutan na tayo ",

"Hindi ko gagawin yun ano? ",Tasha

"Malapit na tayo sa bahay nyo",

Inayos nya ang paglalakad ng matanaw ang bahay. Baka mapagalitan na naman sya ng kanyang ina. Sapagkat may natamo na naman syang galos sa tuhod.

Sa di kalayuan ay napansin nilang dalwa na maraming kotse sa labas ng bahay nina Tasha at nakasuot ng magarang kasuotan , kaya agad silang tumakbo para alamin yun.

Pumasok sila sa loob ng bahay at nakita nila ang mama nya na nakalatay sa higaan at may kausap na matanda.

"Mama andito na po ako ", sabi ni Tasha at hinalikan sa pisngi ang may sakit na ina .

"Sya ba ang aking apo?", Sambit ng matandang lalaki na kausap nito kanina.

"Mama sino po sya?", Singit ni Tasha

"Tasha sya ang lolo mo ",

"Ah hi Lolo , kamusta po kayo " , magiliw syang nagmano sa matanda. Ngumiti lang sa kanya ang matanda bilang tugon. "Ano pong ginagawa nyo rito ?", turan ng bata

"Tasha sa kanila ka na titira ",saad ng mama nya

"Magkasama po tayo mama ", may ngiti sa labi nyang tanong. Umiling ito .Kaya nakaramdam sya ng panibugho sa dibdib."Bakit po mama san po kayo pupunta ?",

"Anak hindi na makakatagal ang mama ,kaya gusto ko sana dun ka na ", mahinahon nitong paliwanag

"Pero hindi kita iiwan mama ,katulad ni papa ", Niyakap sya ng mahigpit ng ina habang pinipigil ang maiyak ."Mahal na mahal kita anak kaya gusto kong maging maayos ang buhay mo"

"Ayoko po ", Tumingin pa sya kay Kevin na masama na din ang loob.

"Anak please ", umiling lang sya .

"Ayoko mama hindi kita iiwan hindi ako sasama", at tumakbo pa sya palabas.


Sinundan sya ni Kevin sa may puno malapit sa bahay nila habang umiiyak sya .

"Uy wag ka ng umiyak ",Alo sa kanya ni kevin. "Hindi ka aalis di ba? ,nangako ka sa akin ", hingang malalim nito. Batid nyang nahihirapan na rin ito sa sitwasyon na kaibigan. Kaya naaawa sya dito.

"Hindi ko kayo iiwan ", sabi pa nya

"Yun naman pala e . Kaya tumahan ka na dyan ", alo nya uli. Mahigpit syang niyakap ni Tasha at sinabing.

"Hindi ako aalis,pangako. Hindi kita iiwan".

"Alam ko." Tugon nya kay Tasha

Mga bata pa sila pero batid nilang may isang bagay na nanatili sa puso nila.

Ilang araw ang lumipas isang nakakalungkot na pangyayari ang hindi inasahan ni Tasha. Namatay na ang mama nya dahil hindi na kinayanan ang sakit nito.


Padalwang beses na syang nawalan ng magulang nung una ang papa nya ngayon naman ito pang mama nya. Mahirap para sa isang batang katulad nya ang mawalan ng magulang. Pakiramdam nya parang wala ng dahilan para mabuhay pa.

"Tasha wag ka ng umiyak ,ang mama mo masaya sya basta masaya ka din kaya wag ka ng iiyak ha?", sabi ng nanay ni Kevin sa kanya .

"Pero? Per------------ ",Niyakap lang sya ng mahigpit nito hanggang humagulhol na sya ng tuluyan.

Mga ilang oras ang lumipas matapos ang libing ng mama nya ay dumating ang Lolo nya kasama ang madaming Bodyguard nito.

"Tasha di ba hindi ka sasama ?", may pagdadalwang isip ang ngiti nito. "N-nangako ka sa 'kin di ba?"

Tila nagbabadya ang langit.

Nilapitan sya ng mga bodyguard ng matanda at kinapitan .

"Halina po kayo ", Wala syang ibang choice ,kapag umalis sya magagalit si Kevin, kapag hindi naman paano na ang magiging buhay nya?

Napailing lang si Kevin ng makitang hahakbang na papasok si Tasha sa kotse.

"Tasha?" gusto nyang lapitan ito pero hinila sya ng Ina.

"Babalik ako pangako," sabi nya habang pinipigil ang pag iyak.

Nangako ako sa kanya na babalik ako pero natapos ang walong taon hindi ko pa rin nagawang balikan sya .Alam ko ang nararamdaman nya ,sobra syang nasasaktan pero ganon din naman ako wala lang akong magawa. Iniwan ko sya kasi nangako ako kay mama na sasama ako kay lolo pero kung alam lang nya na araw araw nag iisip ako ng paraan kung pano kami magkikita uli.
Sana lang alam nya na nagsisisi ako at gagawin ko ang lahat ng paraan para patunayan sa kanya na mahalaga sya sakin.
Na tutuparin ko ang pangako ko.

AN: Like the first chapter?
Please vote and leave a comments. Thanks 😍

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heart Tones (Music University)Where stories live. Discover now