~ Chapter 1
Jhane's POV
"Kyle sabay na tayo pumunta sa room baka andun na si ma'am" sabi ko sa kanya habang nag babantay sya nang gate dito sa new building.
"Ah sige . sandali kukunin ko lang yung bag ko " sabi nya at pumasok sa quarters ng boys scout at kinuha yung bag niya .
Pag labas nya pumunta na kami sa main building . doon kasi ang room namin .
Pag dating namin sa room nakita na namin yung teacher namin si Mrs. Sandiego . matanda na rin siya
Huli kumuha ng libro dahil na late kami. Matapos ibigay yung libro . pinaiwan kami ni mrs. Sandiego para ayusin yung libro at dalhin sa faculty .
"Ano hatid na kita? " tanong niya .
" ah sige . Tara na ? " sabi ko naman .
"Sandali papa-alam lang ako sa mga kasama ko " umalis na siya at bumalik sa quarters para mag pa alam . pag balik nya ay umalis na din kami .
"Akin na yung bag mo . mukhang nahihirapan kana eh " sabi nya habang nag lalakad kami . malapit lang kase ang bahay namin pwedeng lakarin .
"Ah wag na kaya ko pa naman " sabi ko . kahit sa totoo lang mabigat na talaga yung bag ko . pano 8 na libro yung laman .
(A: pakipot ka lang e. )
Hoy author Hindi ah :3
"Hindi halata naman na di mo na kaya . akina yung bag mo" . sabi nya . mag sasalita pa Sana ako bigla niyang kinuha yung bag ko . wala na akong nagawa .
"Ah thanks :) dahil jan ililibre kita sa mcdo Tara ? Punta muna tayo dun " sabi ko sabay turo sa may robinson .
"Wag na . Tara na " sabi niya .
"Sige na pleaseee " sabi ko sabay puppy eyes . tignan ko lang kung hindi pa siya pumayag .
"Tss . sige na nga . matatanggihan ba kita ? " sabi niya na halatang napilitan .
"Yehey " ^_^ sabi na hindi nya ako tatanggihan e.
Pumasok na kami sa Mcdo tapos umorder ng pagkain . pag tapos namin kumain lumabas na kami at umakyat sa robinson at nag pahinga muna .
May nakita kaming upuan doon . hinatak nya ito at dinala sa pwesto namin kung saan mahangin . pag tapos ay nilapag niya yung bag namin at umupo na kami.
Katabi ko siya tapos parehas namin yakap yung bag namin . nag usap kami tungkol sa mangyayari bukas . first day of school namin yun . second year high school na kami at mag kaklase pa .
Pag ka tapos namin mag pahinga ay umuwi na kami . hinatid nya na ako sa bahay .
"Sige dito nalang ako . ingat ka sa pag uwi ah " sabi ko at kinuha ko na yung bag ko .
"Sige . salamat pala sa libre mo kanina ah . ako naman sasusunod . "sabi nya .
" haha . kahit wag na . sige na . para makapag pahinga ka na din ang aga natin pumunta tapos nag bantay ka pa . " sabi ko sabay tapik sa balikat niya .
" oo na . mag pahinga kana tapos kumain ah . wag ka na mag pupuyat " sabi niya sabay sumeryoso nanaman ang mukha .
" opo boss . hahaha . ikaw den mag pahinga ka na . tapos kumain ah . " sabi ko naman. Ganito naman kami lagi eh. Sanay na kami
"Opo . sige babye na " sabi nya
"Sige babye . ingat ka " sabi ko tapos kiniss ko siya sa cheeks.
Nagulat ako sa ginawa ko . first time ko siyang ikiss sheet lang . Hahahaha . Nakita ko din ang pag ka gulat sa mukha niya . hahaha .
"Ah sige . pasok kana sa loob . babye " sabi niya sabay kiss sa noo ko . ganyan siya ka sweet sakin . lagi niya kasi ako kini - kiss sa noo

BINABASA MO ANG
Friendship Or Relationship (On Hold)
Ficțiune adolescențiPaano kung Mutual ang feelings nyo ng Best Friend mo ? Mag le- level up ba kayo ? Magiging Comfortable na ba kayo sa isa't isa ? Or talagang Hanggang FRIEND NA LANG KAYO ?