♚CHAPTER 2♚

122 12 2
                                    


♕CHAPTER 2♕
Sandra

Talo ko pa siguro si Lydea De Viga sa bilis kong tumakbo. Third quarter na nung dumating ako. Na paaga daw yung laban sabi nung isang player na tinanong ko. at bweset na babae yun di man lang sinabi na super late na ko.

At ang nakaka inis pa di ko siya makita sa dami ng tao. sa inis ko umupo na lang ako sa likod ng bleacher ng mga player.Para madali kong makita si Renz , hawak hawak ng team namin ang bola at pinasa nung isang player kay renz yung bola.

Syempre kailangan ng mahal ko ang moral support kaya inilabas ko na yung kanina ko pang dala na board. Tinanggal na yung cartolina na ibinalot ko sa harap nun para di makita ng mga kaklase ko.

Tumayo ako at unti unti kong tinaas yung placard kong may naka sulat na.

Go! Renz sarang hae!!! ?????

"Go! renz. i shot mo na yan." sigaw ko. then ayun nga na shot niya. Yes! three points yun! "I love you Renz!!" pahabol na sigaw ko sabay tili.

Umupo ako at tinitigan ko lang siya habang dumidipensa sa kalaban niya at pilit na inaagaw yung bola..

Hay! sino bang hindi mababaliw sa taglay na ka gwapohan ng isang Renzo James Monticello? He was tall, dark and incedibly handsome. Nakadadagdag din sa appeal niya ang pagiging tahimik at seryoso niya. There was something mysterious about him that make me swoon. Payat siya pero mas nakadagdag yun sa tangkad niyang 5'9 at yun ang pinangarap ng bawat babae sa University na toh!

Hawak ulit ni renz yung bola at may napansin lang ako na sinasadyang sekuhin ng kalaban ni renz at mukang di yun nakikita ng referee dahil di man lang pumipito. Tumayo ako para sigawan ang bulag na refereeng yun.

" Ref. Oppensive foul yun ah! are you really qualified to be mediator? Do your job man." Inis na sigaw ko sa referee nung dumaan siya sa harap ko. Pero di man lang ako pinansin ng panot na refereeng yun.. Halata namang weg lang yung nakapatong sa tuktuk ng ulo niya..

Nag pa tuloy ang laban sigaw lang ako ng sigaw at cheer ng cheer kahit wala ng boses na lumalabas sa bawat sigaw ko.

Napatigil lang ako sa pag sigaw ng sumenyas si renz sa coach nila na ilabas siya sa court . Halatang ayaw pumayag nung coach nila dahil halos dikit na ang score ng kalaban sa kanila. at si renz pa ang team captain at star player ng team nila. Pero wala ng nagawa yung coach nila ng lumabas na ng court si renz.Sumenyas na lang yung coach nila ng substitution.

kinakabahan ako dahil papunta siya sa deriksyon ko .

Obviously, renz was not pleased to see me here. Huminto siya sa harap ko ng mag ka salubong ang kilay.

"Chabs, anong ginagawa mo dito?? " nakakunot na tanong niya.

Napasimangot ako. I hate that nick name. He always call me Chabs dahil nung una niya daw kita sakin ay na cute'tan daw siya sa chixxx ko. dahil chubby daw at walang araw na di niya pinipisil ang pisnge ko.

Napansin kong pawisan na siya. kumuha ako ng bimpo sa bag niya at saka ko inabot sa kanya.

" To cheer you on." Sagot ko at ngumiti ako ng pinakamatamis kong ngiti yung tipong lalanggamin ako.

'At para rin siguraduhin na walang babaeng mag tatangkang lumapit sayo' mahinang bulong ko.

Seryoso siyang tumitig sakin napa buntong hininga siya.

"Bumalik ka na sa room mo Chabs" mahinang mahinang utos niya.

"No!" matigas na sabi ko. " Dito lang ako" Saka ako umayos sa upuan ko na solong solo ko yung isang hilira ng upuan. Dahil walang nag tatangkang tumabi sa isang Brat.

Falling In A Wrong Guy And A Heartless OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon