Chapter 2

32 3 0
                                    

Isang malaking ? lamang naiwan sa akin kung sino ang lalaking kadeal ni Mr.Aroselle dahil sa busy ako hindi ko napansin na gabi na pala

"Apo,kumain ka muna"-lola

"Ah lola salamat po"sabi ko habang isinasara ang laptop

"Hayaan mo na munang si Leanne ang umasikaso dyan"seryosong sabi ni lola

"Eh La?"tanong ko dito

"Hayaan mo na Apo tutulungan ko sya at isa pa marami kang dapat intindihin sa pag-aaral, siguro nga tama ang mommy at daddy mo na bata kapa para humawak ng kumpanya"iiling-iling na sabi ni lola

"La, kaya ko yun promise"tugon ko at itinaas ang kamay -promise sign-

"Hay nakong bata ka sige na ubusin mo na yan at matulog may pasok ka pa bukas"sabi ni lola at isinara na ang pinto.

-*-*-*-*-*-*-*-

"Hi Alexa"nakangiting bati sakin ni Ice

"Hello"-ako

"Ano yung emergency kahapon sa inyo?"-Sya

"Ah wala yun"-ako

"Okay sabi mo eh"-sya

Naglakad lang kami papunta sa room at biglang may nagsigawan

"Kyahhhhhhhhh!!! OMO dumadami ang mga poging transferee kyahhhhh!!!"-sigaw nila

"Sinabi bang may bagong transferee?"tanong ko kay Ice

Itinaas lang nya ang kaniyang balikat

Di namin inintindi ni Ice kung sino yung transferee nayun at derederetso nalamang kami sa aming klase

Nagdiscuss lang si sir hanggang sa matapos ang klase since Vacant naman kami naisipan namin ni Ice na pumunta sa Library

"Aray, anu ba!?"sigaw nung isang babae bakit sya sumisigaw

"I'm sorry, hindi ko sinasadya"sagot ni Ice kaya naman siniko ko sya, bakit sya nagsosorry?

"Look what you've done!"irita nyang sigaw

"Hoy babae! Wag mong masigaw sigawan itong kaibigan ko ha! Nagsorry na sya kaya pede ba tumigil kana!"sigaw ko din dito

Tiningnan nya muna ako mula ulo hanggang paa.

"Stupid!"sigaw nya

"Anong stupid! Ikaw tong nangunguna dyan eh!"sigaw ko at pinigilan naman ako ni Ice

"looser!"sabi nya at tumalikod na

"Psh! Kala mo naman kung sinong maganda!"sabi ko kay Ice

"Teka, bat ka nga pala sinigawan nang babaeng yon?"tanong ko kay Ice

"Eh kasi nabangga ko sya, pero yaan mo na yun, tara na"sabi nya at nanguna sakin papuntang Library

Problema nun? sinundan ko sya

"Bat ba ang bilis mong maglakad ha !?"sigaw ko dito

*No Responce*

"Hoy ano bang problema mo !?"sigaw ko ulit

Tumigil sya at humarap sakin

"Wala"nakangiti nyang sabi

?? Naguguluhan nako ha!

"Lika na nga, wag mo na yung intindihin!"sabi nya sabay higit sakin

Kumuha lang ako ng 1 Libro at ganun din sya pero horror yung sa kanya

"Hi"napatingin naman ako sa nagsalita at nung nakita ko sasampalin ko na sana sya kaso pinigilan nya ko

"Easy, I'm here to say sorry about dun sa kanina wala lang ako sa mood"mahinahon nyang sabi

"Mood mudin mo yang mukha mo!"sabi ko at tumawa naman sya

"Nagsosorry na nga yung tao eh, Sana naman bigyan moko ng isa pang pagkakataon"at talagang may emphasis pa yung 'sana naman bigyan mo ko ng isa pang pagkakataon'

"Cindy.Cindy Fortalejo"sabi nya sabay abot ng kamay

Tinitigan ko muna sya at saka sinabing

"Alexandra Stanford"sabay shake hands

"I know,this is your school"sabi nya

"Oh wait, Alexa sino yang kasama mo 'ipakilala mo naman ako"madiin nyang sabi habang nakatitig kay Ice

I feel some black aura here

"Ice Gueverra" malamig na sagot ni Ice

"Oh so ikaw pala si Ice tama nga ang naririnig ko 'nananakit ka ng babae"sabi ni Cindy na naka emhpasis ung nananakit ka ng babae..wait nananakit ?

"What do you mean nananakit?"naguguluhan kong tanong

"Eh kasi binangga nya ko kanina"-cindy

"E nagsorry naman sya at isa pa di nya yon sinasadya"sagot ko

"Alam mo alexa hindi lahat nakukuha sa sorry"sagot nya habang nakatitig kay Ice

"Alexa malelate na tayo sa next class natin"sabi ni Ice at hinigit ako palabas habang tumatakbo

"Te-teka Ice ang aga pa kaya!"sigaw ko dito

"Ah eh, nagugutom ako samahan mo nalang ako sa canteen"-sya

"Di kaba nag umagahan?"tanong ko dito

"Hindi"-sya at pumunta na kami sa cafeteria

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Hoy antakaw mo ha ako ang bumili ikaw ang uubos ano ka chicks?!"sigaw ko dito

"Eh gutom nga ako eh!"sigaw din nya

"Edi bumili ka ng iyo!"sabi ko at kumain na ulit at ganun din sya

"Alexa 9:55 na malelate na tayo sa class natin lagot tayo kay sir"sabi nya at tumayo na

"Teka di pa ubos kinakain natin eh!"sigaw ko dito

"Ang takaw mo talaga kahit kelan, mamaya na iliibre kita tara na late na tayo!"sabi nya at hinigit ako nakita ko naman na papunta dito si Cindy kaya naman binati ko sya

"Hi cindy"sabi ko at hindi ko na narinig ang sagot nya dahil sobrang nilis ng takbo namin ni Ice ..anu bang meron !?

"You two, why are you late?"bungad samin ni Sir

"Ah eh si-sir--"di ko natapos ang sasabihin ko

"Sir sumakit po ang tiyan ko dahil sa kinain ko sa cafeteria kanina kaya po nagpasama ako sa clinic"paliwanag ni Ice ...hayyy salamat

Tumingin muna si sir sakin naparang hindi naniniwala kaya naman tumango ako.

"Okay, take your seat"sabi ni Sir

Umupo kami at binulungan ko si Ice

"Ang galing mo magpalusot ah"sabi ko dito ang tumawa ng mahina

"Ganun talaga,buti nga nakaisip agad ako ng palusot para hindi na tayo sermunan ni Sir Mustajo eh"sagot nya naman

Magsisimula na sana ng klase si sir nang biglang bumukas ang pinto.

"Sorry I'm late natagalan akong hanapin ang room na to"sabi ng isang pamilyar na boses., Isang boses na gusto kong marinig noon pa

The Fall ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon