Chapter 1

44 3 0
                                    

Alexa's POV

"Ha?! Hanggang ngayon hindi n'yo pa rin sya nakikita?!" napasigaw na ako dahil sa galit. "Ano ba naman yan, sayang lang ang mga binabayad ko sa inyo!"

"Eh, Ma'am, sabi nga po nila mahirap hanapin ang taong ayaw talagang magpahanap," sagot ng isa sa mga tauhan ko.

"Ewan ko sa inyo! Basta dal'wang linggong palugit na lang ang ibibigay ko sa inyo, at kapag hindi n'yo pa sya nahahanap sa loob ng dalawang linggong 'yon, tanggal na kayong lahat sa trabaho!" sigaw ko.

"Yes, Ma'am" sagot nilang lahat bago isa-isang lumabas sa aking office.

Ugh! Ang babagal nila kumilos!

Ilang minuto ang lumipas at nakita ko ang pagpasok ni Lola sa aking office. Napabuntong-hininga ako at napahilamos sa mukha.

"Oh, apo, bakit parang galit ka?" panimula ni Lola.

"Ah wala po, marami lang pong assignments sa school na kailangang asikasuhin," pagsisinungaling ko sabay ngiti kahit ninenerbyos. Sorry for, lying, 'La.

"Hija, wala ka bang klase ngayon?" tanong ulit ni kaya napatingin ako sa orasan. At crap! I'm almost late!

"Oh, crap! I have, Lola," sagot ko at hinal'kan siya sa cheeks nang matapos kong makuha ang aking bag. "I gotta go, 'La," I said as I run towards the door.

Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at nagdrive pupunta sa school. Buti na lang at ten minutes lang ang byahe at walang traffic. Good thing for me dahil nagkaroon pa ako ng extra twenty minutes pagpasok sa school.

Tumakbo ako ng mabilis at halos magkandarapa na ako sa daan. Nang makarating, akmang bubuksan ko na ang pinto nang biglang bumukas ito at tumama sa aking ulo, dahilan para matumba ako.

"Ouch!" reklamo ko.

"I'm sorry," walang kagatong-gatong na sabi ng isang lalake at tinulungan akong tumayo.

"Ba't ba kasi bigla-bigla ka na lang nagbubukas ng pinto, ha?!" sigaw ko sa kan'ya.

Napangiwi siya at tinakpan ang tenga. "Can you please lower your voice? Magkaharap lang tayo, oh," naiinis niyang turan. "Tabi, lalabas ako," aniya at tinalikuran na ako.

"Tch! Palibhasa p--" di ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Mrs. Santos, our first sibject's adviser.

"You two, pasok sa loob may klase tayo" mataray na sabi ni Ma'am.

Naglakad naman kami pareho sa upuan at gulat na gulat ako nang makitang naupo siya sa tabi ng aking upuan. What the hell is he doing here?

"Okay class, meet your new classmate, Ice Gueverra," tumingin si Ma'am sa kupal na 'to at tinawag. "Come here in front and please do introduce yourself,"

Tumayo ang mokong at nagpakilala. "Hi! I'm Ice Gueverra! I'm a transferee, sana maging ka-close ko kayong lahat," nakangiti n'yang sabi at ang mga babae ay halatang kinikilig at yung iba nagpapacute. Tch! Sluts.

"You may take your seat," sabi ni Ma'am nang matapos si Ice sa introduce-yourself-thingy. After that, nagsimula na ang boring na klase.

Lutang akong nakikinig dinadakdak ni Ma'am sa unahan. 'Di kasi ako mapakali dahil ramdam ko ang tingin ng Ice na 'to sa'kin. And everytime na titingin ako sa kan'ya, nahuhuli niya ako. Kainis!

'Di ko namalayan na tapos na pala ang klase kaya naman tumayo na ako at inayos ang aking gamit. Paalis na sana ako nang biglang magsalita ang mokong.

"Uy! 'Nga pala, sorry kanina huh?" nakangiti nyang saad.

"Okay lang," sagot ko kahit 'di naman ayos.

The Fall ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon