CHAPTER 1
EXCELIECA’S P.O.V
“Excelieca Angel Yen Formosa! Late kana bumangon kana dyan.”
Sigaw ng nanay ko. Ano ba naman yan kahit kelan talaga ang aga niya manggising.
“nay ano ba! Nauna kana naman sa alarm ko.” Sabi ko sabay patong unan sa mukha ko.
Lagi nalang kasing nauuna ang nanay ko manggising kesa sa alarm ko mga 5 min. before tumunog ang alarm clock ko gigisingin niya na agad ako.
“anong ang aga 5 min. nalang 5:00am na aba malalate kana naman niyan.”
Badtrip naman oh sayang ang 5 min. na yun. Every minute counts dapat!
“bangon na.” sabay hatak ng unan na nakataklob sa mukha ko.
“ang laki laki mo na ang hirap mo pa ding gisingin.” Tinanggal niya din ang kumot ko at hinawakan ang mga paa ko sabay hatak sa akin.
“nay!!!mahuhulog ako!”
“ayaw mong madaan sa pakiusapan eh kaya dadaanin kita sa santong paspasan.” Hinatak niya lang ako konti nalang babagsak na talaga ako sa sahig.
“babangon na nga ako. Bitawan niyo na ako.” Nagsisipa ako hanggang sa binitiwan na ako ni nanay.
“ayan eh di bumangon ka din. Bumaba kana at kumain kana muna bago maligo naayos ko na din ang damit mo.
Yung baon mo andun nakapatong sa ibabaw ng computer table.
Patayin mo ang ilaw sa baba bago ka umalis ha. Matutulog na ulit ako ikaw na bahala dyan.” Sabay higa sa kama ko.
“irecord niyo nalang kaya yung sinasabi niyo nay.paulit ulit lang naman tuwing umaga.” =.=
“eh kung batukan kaya kita dyan ng paulit ulit gusto mo?”
“ito naman si nanay joke lang syempre”
Ganyan ang routine namin araw araw.gigisingin niya lang ako kapag naayos niya na lahat ng kailangan ko at pagkatapos nun matutulog na ulit siya.
Ewan ko ba kay nanay kung bakit trip na trip matulog sa kwarto ko may sarili naman silang kwarto ni tatay.
Pagkatapos kong mag ayos ay pumasok na ako ng school.
Bago ko pa makalimutan magpapakilala na muna ako sa inyo.
I’m Excelieca Angel Yen Formosa 18 years old Civil Engineering student sa ******* University in Manila. From Cavite to Manila lang naman ang binabyahe ko araw araw.
Kaya pagdating sa school haggard na ang lola niyo. =.=
Pagbaba ko ng van temple run agad ako papasok ng University.
Paano ba naman kasi bawal ako malate sa first subject ko.
Architectural Design and Building Construction pa naman yun. Hindi kasi uso ang grace period kay Prof. Nicholas naku naman.
Pagpasok ko ng classroom hingal na hingal ako. Nag aattendance na pala.
“Formosa.”
“Present Sir.” Sabay taas ng kamay ko. May gulay ang aga aga pawis na agad ako.
“Ms. Formosa maswerte ka at umabot ka sa attendance. Lagi ka nalang late sa subjectko.”
“Sorry po Sir.”
“sige na maupo kana.”
“thank you po.”
Agad akong dumiretso sa upuan ko.