Chapter 17: The Investigation Continues

85 5 24
                                    

Day 1

"Shane, heto na lahat ng kailangan na information," sabi ni Walter sabay lahad ng ilang folders sa kilalang table ni Shane. "Included na d'yan yung mga statements na dati na nating nakuha," dagdag pa n'ya.

Napahinto naman sa paglalaro ng office chair si Shane at lumapit sa table. Agad naman n'yang dinampot ang isang ballpen sa may pencil holder.

"Have you read all of this?" tanong ni Shane na isa-isang pinaghihiwalay ang mga folders gamit ang ballpen na hawak.

"Yes." mabilis na sagot ni Walter.

Madali namang iniligpit ni Shane ang mga folders at itinago. "Then let's discuss about it," sabi pa nya sabay sandal sa kinauupuan at nagcross-arms.

Nakatingin lang sa kanya si Walter at tila hindi alam ang gagawin. Napabuntong hininga na lang si Shane sa kanya.

"Ok Kuya, you can start with the statements," suhestyon ni Shane.

"Ok. Let's start sa statement ng dalawa sa witnesses, kay Ms. Saddie and Ms Airis. Gaya nga ng nalaman natin dati, they were with Mrs. C's para sa preparation ng wedding invitations sa dapat sanang kasal nila ng Master Rio. Doon nga nila nakita ang bata na sinasabi ng Master na tinulungan n'yang kumuha ng bola tsaka umalis ang Master. Ilang minuto lang nakalipas ay nakatanggap sila ng sulat na galing sa University na pinuntahan ng Mrs. C sa Japan. Pagkabasa nito ay agad na kumaripas paalis ang Mrs. C. Ang eksaktong oras ng pag-alis ni Mrs. C sa bahay ay 9:23 ng umaga." paghahayag ni Walter.

"How sure they are na exactly 9:23am s'ya umalis?" tanong ni Shane.

"Nagcheck ng oras si Ms. Saddie dahil kailangan na n'yang umalis ng 9:30am." paglilinaw pa ni Walter.

"Ok. " saglit na natahimik si Shane para himayin ang mga sinabi ni Walter.

-wedding invitation→Rio and Allue's wedding

-little boy→(ball)cutting tool←Rio

-Japan→letter●

-9:23am?

**Time

Calculations:

-Two possible roads way to the area of the accident.

-First road will took more time to pass on because it's too long.
First roadCROSS OUT

-The last road will take about 30-35 minutes in 3 different speeds for her to be in the area of the accident.

Time deduction of the accident: 9:53am-10:00am

"Anong oras nangyari accident?" pahabol na tanong ni Shane.

"10:17am." mabilis namang sagot ni Walter.

Napakunot noo naman si Shane nang dahil sa narinig. Hindi tugma ang sinabi ni Walter na oras sa estima n'ya.

"There are 17-19 minutes time delay." paglilinaw pa ni Shane.

"17-19 minutes? That's too long. "

"Yes. At pwedeng maraming mangyari sa mga oras na 'yon. Ano naman kaya ang cause of delay?"

"Maybe flood?" suhestyon ni Walter.

"No rains. Summer no'n. Isa pa, dating hills ang lugar na 'yon. Too high to be flooded." sagot naman ni Shane.

"Baka dumaan s'ya sa ibang daan? Sa pagkakaalam ko, meron pa'ng isang daan maliban sa shortcut na karaniwang dinadaanan patungong simbahan. 'Yung main road?" pagdadahilan pa ni Walter.

So Young (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon