Chapter 4

158 6 3
                                    

"France! Sorry na! Ui! " Hay! Hinihingal na ako kakahabol ah! Bakit ko ba kasi nakalimutan yung tungkol dun! Tampururot tuloy.

"Hindi ok lang. " sabi nya. Hay nako! Eh di kung okay lang, dapat hindi nya ako pinapahabol ng ganito!

"Ehe! Hindi naman okay eh! Ui kausapin mo na ako oh. please? "

"Wala naman dapat pag-usapan eh. Sige na. Ok lang talaga na nakalimutan mo ako. Alis ka na. May pupuntahan pa ako. " Ok lang daw pero di naman ako nililingon. Ano ba kayong mga lalaki!

"Isa! Hindi ka hihinto? "

"Marunong din akong magbilang! Wag mo akong bilangan! "

"iiihh! France! Bati na kasi tayo! " bigla naman syang lumingon.

"Sino muna yung kasama mo kahapon? "

"Si-si ano--" naku! Lalong magagalit to kapag nalaman nya kung sino yung kasama ko.

"Sino?! "

"Fine! Si Kuya Gray! Sorry na kasi. "

"Kaya naman pala nakalimutan mo ko. Kasama mo yung crush mo! " saka naman naglakad ulit sya palayo. Hay! Hindi ako papayag na di kami magkabati neto!

Tumakbo ako para maunahan sya at hinarangan ko yung dadaanan nya.

"Sorry na please. " bago pa man sya magsalita ay kinuha ko na yung kamay nya at hinila ko sya patakbo.

"Hoy Shane! San mo ba ako dadalin?! Bitawan mo nga ako! " sabi nya pero di ko parin binitawan.

"Bibili lang tayong food! Tas dating gawi! Isa pag di ka pa pumayag, hindi na tayo bati forever and ever! "

**

Hay! Sa hinaba-habang pakiusapan ay naamo ko na rin tong bestfriend ko. Akala ko kailangan ko pa mag-lupasay sa kalsada eh. Kaya naman ito kami ngayon, dating gawi. Bili ng pagkain tapos marathon ng Detective Conan dito sa bahay.

"Kuya Walter! Pasok po! " sabi ko.Parang gulat na gulat naman si Kuya Walter pagkapasok nya.

"Young lady, hindi pa po ako kumakatok. " Ay! Ang kaweirduhan ko! Hindi ko natago! Haha. Hindi naman sa super magical powers ako ah. Pero nilagyan ko ng maliit na CCTV yung pinto ko na nakaconnect sa phone ko. Buti nga hindi nila napapansin yun eh. Kaya eto nagagamit ko pa rin sya.

"Ah-eh narinig kasi kita, kaya alam ko na nandyan ka sa may pinto. Ah France dyan ka muna ah kausapin lang ako ni Kuya Walter. " nilapitan ko na lang si Kuya Walter para hindi na ako makaabala kay France. "Ano po yun Kuya Walter? "

"Young Lady naiwan nyo pong nakabukas ito sa kwarto nyo nung nakaraang araw. " sabi nya sabay abot ng laptop ko sakin. Oo nga pala! Hay bwisit! Dami ko nalilimutan!

"Ay! Oo nga pala! Salamat Kuya Walter. "

"Ah Young Lady, napansin ko lang po na parang may mga missed video calls kayo sa Skype nyo. Baka po kasi importante. "

"Sige po ichecheck ko. Salamat sa pagremind Kuya! The best ka talaga! "

"Sige po. Mauna na po ako Young Lady. "

Pagkaalis ni Kuya ay chineck ko kaagad yung Skype account ko. May missed video calls nga! At ito na nga ang pinakahihintay ko na mangyari! Ang tawagan ako ni Ice. Tsk! Bakit kasi hindi ko to nadala nung isang araw!

"France! Baba lang ako! May kailangan lang akong I-video call. Ahm yung-yung tutor ko sa US. Nood ka lang dyan ah. "

"Sige! Balik ka kaagad. "

Bumaba naman ako kaagad sa may garden para mag-video call. Buti na lang ay agad itong sinagot nung tinatawagan ko at bumungad sakin ang seryoso nyang mukha.

So Young (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon