Kwentong Walang Buhay
(Original Don Ernando Arise Delegate Funeral Services)
J.A.Kulas (Beer Hill)
"Hello and congratulations! You are officially dead. Kung may natanggal po kayong laman loob, braso o kamay nung nabubuhay pa kayo, wag nyo na po sana hanapin at di nyo rin yan mapapakinabangan. Well pwede utak kaso kung wala din naman laman wag nyo na lang po hanapin, hehe" ang sabi binatang sumalubong sa'kin pagdilat ng mga mata ko.
Nakakapagtaka pero ang huling naalala ko mahirap huminga, nagdidilim ang paligid, bumubula bibig ko.. Tama nga ata sya, kaso bakit nandito ako sa kwarto ng babaeng pasyente? Ang alam ko lalaki ako nung buhay pa ako... ata.
"Ay nalimutan ko, kadalasan ng mga namamatay hinahanap ang katawan nila. Nandoon sa taas yung bangkay mo, gusto mo bang dalawin? Ako nga pala si Hayden" ang sambit ni Hayden habang inaabot ang kamay nya sa'kin.
"Tatagos ba tayo sa kisame?" ang sagot ko sabay hawak sa kanyang kamay.
"Aba kung yan ang trip mo, di kita pipigilin, basta ako mag-eElevator, bahala ka sa buhay mo... err patay mo, basta!"
Talagang di kapani-paniwala tong senaryo kong ito. Ang alam ko kasi kay kamatayan butu-buto, nakaitim na balabal, may dalang karit at mausok lagi ang entrance. Mali ata ako ng order nung tumawag ako kay San Pedro. Isipin mo, ang sundo ko, naka-jogging pants, puting t-shirt na may logo ng Chowking, tsinelas at may hawak na itim na cellphone na may palawit na Hello Kitty. Parang mamamalengke lang ang porma ng dapat na maghahatid sakin sa huling hantungan o kung ano o saan man yun.
"Teka teka teka sino ka ba talaga?" ang tanong ko.
"Hayden nga! Kung gusto mo yung kumpleto, Handakiel Mortis van Elfrie deka Martid. Yan Firstname ko, gusto mo ba yung buo?"
"Teka teka, nagkakalokohan na ata tayo."
"Bakit? Abogado ka dati di ba? You're dead! I came to pick you up, paker. Wag ka na magreklamo ok? Wala tayo mararating nyan sige ka."
Sandali akong di nakaimik dahil medyo tama sya, kakatanong ko wala talaga kami mararating... kaso dahil makulit ako, magtatanong pa rin ako.
"Bakit nga ba tayo naglalakad? Tumatagos naman tayo sa pader at tao diba?" ang tanong ko habang tumatagos kami sa isang doctor, isang psyenteng naputukan ng 5 star sa bibig at dalawang nurse na di magkandaugaga sa pagsaksak ng kung ano sa pasyente (Kung itatanong nyo kung paano ko nalaman na 5 star ang nakadale sa kanya, may hawak pa kasing 5 star at lighter ang luko kahit nag-aagaw buhay na siya).
"Been there, done that, matagal na din kasi akong patay, feel ko lang maglakad. Ikaw, patay ka na, magmamadali ka pa ba?"
"Eh kasi..."
"Chong ang buhay nagmamadali kasi masasayang ang buhay nya, ang patay wala nang kayang sayangin, Live Life Dude! Chill!"
"Patay na ko"
"Whatever, Die Death! Masyado kang paking"
Nagbukas ang elevator habang kinukulit ko si Hayden.
"Teka teka, tama ba narinig ko? Patay ka na rin? Ikaw si kamatayan di ba?"
"Kamatayan my pwet, Hayden ngaa!"
"Hu u?"
"Ay ang kulit, sige explain ko ha, si kamatayan na sinasabi mo, agent namin yun. Medyo puno na kasi sa impyerno kaya kelangan mag-expand na sila ng kanilang mga after death ventures. Isipin mo kahit sa Heaven, No Vacancy na. Buti kamo meron nang reincarnation. Imbes na matambak kami sa purgatoryo, nagtatrabaho kami para mabuhay ulit bilang tao. Pag madami ka kasing kasalanan bubuhayin ka ulit pero di ka muna tao, Ako nga kamel dapat ako, kaya nagwo-work ako ngayon. Tingin ko ipis ka na mamaya hehe.."
BINABASA MO ANG
Don Ernando Arise Delegate Funeral Services
Ficción GeneralA Collection of Short stories about the lives touched or will be touched by a Reaper named Hayden.