The trial of Rizal
by: J.A. Kulas
"Now hearing case number 86, 6:30 A. M. due on the date of December 30, 1896. Cause of death is by firing squad under the jurisdiction of the Spanish Goverment, location Bagumbayan Philippines... Teka teka teka, kilala ko to ah, Oy boss-manager-amo! Good morning! Ako nga po pala si Hayden ang bago nyong receptionist dito sa limbo office. Erning, ikuha mo nga tong si boss ng Upuan, tumapyas ka na lang ng ulap dyan." ang nagmamadali kong sigaw sa matagal ko nang assistant na si Erning. Ito ang ikalawang beses na nagpresinta ng resume' itong pambansang bayani ng Pilipinas dito sa opisina namin sa Langit, medyo naatras nga lang ulit ang hearing dahil naligaw yung tagasundo na pinadala namin.
Sumambulat sa'kin harapan ang matipuno ngunit medyo maliit na pangangatawan ng guro. Suot pa rin nya yung damit na huli nyang isinuot noong kinuhanan sya ng letrato noong 1896 pati na rin ang hati ng buhok nya, kaso imbes na sa kaliwa, sa kanan nakatutok yung one-side na buhok nito. Inabot nya ang kamay ko at bumati.
"Magandang umaga din sa iyo, amigo. Sa totoo lang medyo excited ako dahil pagkatapos ng 134 years bubuhayin na nila ako ulit sa wakas! Alam nyo namang matagal ko nang pangarap na muling makatuntong sa lupang nag-aruga sa'king pagkatao" ang masayang bati nya sakin, matapos ay inayos nya ang medyo nalukot nyang itim na tsaleko. Kinuha ko ulit yung papeles nya at credentials upang maipagpatuloy ang usapan.
" Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, alias Pepe, bayani ng Pilipinas. Pasensya na boss at ngayon lang namin naisalang ulit itong kaso mo, alam mo namang medyo special ang case mo, dahil halos kababalik-loob mo lang sa CEO namin bago ka barilin sa Bagumbayan. Bale, imbes na elevator pababa ang order sa'yo, dito ka sa'min sa taas dinala. "
"Laking pasalamat ko nga at dito ako napunta, imagine ang parusa lang na ibinigay sa'kin magtrabaho ako sa Entertainment business. Yun nga lang medyo nakakaasiwa dito, puro gawa sa ulap ang gamit nyo." ang sabi ni ginoong Mercado habang inaabot ang upuang gawa sa ulap na bigay ng assistant kong si Erning.
"Ayos lang yan, kita mo at nasanay ka rin naman. Mabalik tayo sa trabaho, dahil maganda ang naging performance mo dito sa lugar namin, at sa dami ng recommendation mo galing sa mga fans mo, binibigyan ka namin ng chance para mabuhay ulit sa pamamagitan ng reincarnation, à travers la renaissance de l'âme ."
"Oui oui homme de bien, nakalagay din sa kontrata ko na pwede kong ayusin lahat ng detalye ng pagkakapanganak kong mui, tama ba?"
"Oo naman. Ikaw pa, malakas ka sa'min. Tapos ka na rin mag-tour sa mundong ibabaw, tama?"
"Oo, katatapos ko lang kahapon, nakita ko na lahat ng kailangan kong makita"
"Good, sige unang tanong, Bansa ng kapanganakan"
"Ay problema ko pa nga pala yan, pwede bang ihuli na yan?"
"Bakit mo naman pag-iisipan pa yan? Ang nakalagay dito sa Mission and Vision mo, gusto mong ibangon ang Pilipinas mula sa kahirapan at maibalik ang makabayang Pilipino. Oh, tapos ang usapan, Pilipino!"
"Alam mo kasi, medyo dumadami na yung mga foreigner na mas Pilipino pa kumpara sa mga laki dito sa'tin. Sayang lang din kasi kung dito nga ako ipapanganak pero wala naman dito ang puso ko." ang sagot ni Dimasalang.
"Sige, sige, saka ko na lang isusulat yan, kasarian naman."
"Lalaki syempre!" ang sagot ni Rizal habang medyo kumikislap ang mata nitong nakatingin sa'kin.
"Aba, bakit parang ang bilis mo ata pumili ngayon?"
"Libido lang siguro pare hehe, saka sa katunayan, ngayon ang henerasyon kung saan pinakamaganda ang Pilipina. Ang di ko lang malaman ay kung bakit nagpapakulay pa sila ng buhok para magpanggap na ibang lahi, akala ko si Juan lang ang may problema, dumagdag pa din tong si Maria. Di mo ba alam suportado na nila lahat ng propaganda at damit na tinahi sa ibang bansa? Buti na lang at merong mga Pilipino na kahit nasa ibang bansa, andun pa rin ang harot at ugali ng mabuting lahi sa sining." ang sagot ni Pepe matapos nitong tumayo at isinampa ang isang paa sa ibabaw ng upuan habang nakatingin sa malayo.
BINABASA MO ANG
Don Ernando Arise Delegate Funeral Services
Fiksi UmumA Collection of Short stories about the lives touched or will be touched by a Reaper named Hayden.