Chapter 3

44 14 0
                                    

ANNY'S POV

Alas 3 na naman ng umaga. Magsisimba na naman kami ni yuna. kokompletuhin kasi namin ang siyam na araw ng simbang gabi.



pag nakompleto mo daw ito ay pwede kang magwish. kahit anong hilingin mo matutupad daw. pwera lang sa mga hindi magandang hangarin.



Nakatulog palang sila nanang at anti beauty. napagod kasi sila sa kakabenta sa karinderya. oo may karinderya kami sa ibang bayan.



Mga alas 9 na sila umuuwi kasi malakas ang benta nila.
naligo na ako at nagbihis.



Pagkatapos ay bumaba na ako. habang bumababa ako sa hagdan ay may biglang nagtoktok sa pintuan.



Nagulat ako syempre at kinabahan. baka kasi kung magnanakaw yan or something. lumapit ako sa pintuan at idinikit ko ang tenga ko dun.



Nagtoktok ulet.

"aray!" sigaw ko. kasi naman sa tapat pa ng tenga ko yung toktok. ang sakit kaya nun.

maya-maya ay nagsalita na yung nasa labas.

"anny?!" sigaw niya. hayy naku. si yuna lang pala. binuksan ko na ang pinto.



"bakit ang tagal mo? kanina pa kaya ako andito kumakatok." inis niya.



"akala ko kasi magnanakaw kaya diko muna binuksan."



"eh di kung magnanakaw na kung magnanakaw.. oh ano tara na malalate na tayo." yaya niya at hinila na niya ako.



Nang makarating kami ay pumuwesto na kami sa medyo malapit sa harapan.



Nagsitayuan na kami dahil papasok na ang mga sakristan, si father at si brother..?



Di ko pa pala alam pangalan niya.


Pero forget nalang natin yan kasi gosh! ang gwapo niya talaga. yieeh!! ;) biglang bumilis yung tibok ng puso ko kasi naman napatingin siya sakin. Sakin mismo.



Kasi kitang kita ko sa mata niya na ako ang tinignan niya. Haha assuming ba? Hayaan niyo na ako. ;)



Pero ilang minuto lang ay deretso na ang kanyang tingin.



Nasa kanya na naman ang tingin ko buong mass.







YUNA'S POV

Habang nagsesermon si father ay napansin kong nakatingin lang si anny sa harapan, sa may banda sa altar.



Nagtataka ako dahil hindi naman siya ganyan. At chaka nagtataka rin ako dahil may bago dito sa simbahan. Yung katabi ngayon ni father.



Bakit hindi ko alam to eh IYM ako, part ako ng simbahan.



Naalala ko ilang days pala akong hindi pumapasok dito sa simbahan at sa mga activities namin sa IYM.



Nagkasakit kasi ako.

Ang IYM pala ay isang organization para sa mga kabataan. And it stands for Integration Youth Ministry.



Kami yung sumasama sa mga barangay pag may misa sakanila. Nagroroleplay din kami at kung anu-ano pang ginagawa sa simabahan.



Bagong Brother siguro ito at nadestino dito sa bayan namin.



Teka gwapo naman tong bagong brother nato ah. Tiyak marami na ang sasali sa IYM at magsasakristan.



At tiyak yung mga kasama kong mga tamad na babae sa IYM ay magiging always present at active sa mga activities.



Parang naeexcite tuloy ako.

Tinabig ko si anny. Pero di siya tumingin. Tinabig ko ulet siya, dalawang beses. Sa pangalawang tabig ko ay lumingon na siya.



"Oh bakit?" gulat at nagtataka niyang tanong.



"Ang tahimik mo ngayon ah?" tanong ko.



"Nakikinig kasi ako kay father." sabi niya sabay lingon kay father.



"Sus.. weh? Kylan kapa nagkaenteresado sa mga sermon ni father?" kasi hindi naman talaga siya nakikinig kasi nakakaantok daw.



"Uy grabe ka naman. Nakikinig naman ako minsan."



"haha. Hindi kaya. Kanina nakatunganga ka lang. Tinititigan mo ata yung katabi ni father eh." asar ko sakanya.



"Uy.. hindi no." sabi niya agad. Nakita kong gulat siya.



"oh.. umangal agad."



"Uy hindi nga talaga."



"hoo.. kitang kita ko sa mga mata mo nagsisinungaling ka." asar ko parin.



"Uy tumahimik ka na nga diyan. Nandito tayo sa simbahan no."



"Eh magsabi ka ng totoo. Andito pa tayo sa simbahan oh."



"Umamin kana kasing crush mo siya. uy.. yiieh.." dagdag ko sabay kurot sa tagiliran niya.



"ano kaba tumigil kana. Baka marinig ka ng ibang tao. Baka pagkamalan pa nilang totoo yang sinasabi mo."



"Bakit hindi ba totoo?"



Nagpause muna siya ng saglit. Para bang yung expression ng mukha niya ay nahihirapan na magdesisyon kung ano ang sasabihin.



"ano kaba hindi no. wala talaga." sabi niyang nakatingin sa harap.



"hayy.. deny stage." sabi ko. pero hindi siya nagsalita. Ewan ko kung hindi niya narinig or nagpanggap siyang hindi niya narinig.



Hinayaan ko nalang at tumingin na sa harapan.



***

Please Vote, Comment and Share! ^_^

I Love You, Brother! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon