Chapter 6.1

48 13 0
                                    

YUNA'S POV

Naglakad lang ako papunta sa school. Kagaya kay Anny malapit din ang school ko.
Di na kami nagkasabay ni Anny kasi ewan ko ba. :D

Nasa gate na ako ng school ng mapalingon ako sa likod ko. Nanlaki agad yung mata ko kasi may papalapit saking lalaking nakasalamin at nakabike ito.

"Tabi!" sigaw niya.

Bago pa niya ako mahagilap ay nakaatras na ako.

Nagstop na siya at lumingon sakin.
"Yuna ok kalang?" tanong niya.

"Grabe ka Paulo, muntik na ako dun ah. Pero ok lang ako." nakangiti kong sabi.

Si Paulo pala ay classmate ko at friend ko narin. Member din siya ng IYM at choir. Pero hindi siya yung main vocalist nila, siya yung guitarist. Pero magaling din siyang kumanta kagaya ng kaibigan kong si Anny.
At siya yung top 1 sa classroom namin at top 3 ako pero hindi ako galit sakanya o nakikipagcompete kasi magkaibigan at talagang mahirap siyang kalabanin.

"Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin. Kanina na naman may natalsikan akong babae dun sa tapat ng Stupid Highschool." sabi niya at bumaba na sa kanyang bisekleta.

"Eh anong ginawa mo?" tanong ko.

"Hindi ako huminto. Natakot ako eh." sabi niya.

"Ha? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Nasa harapan ako ng Stupid Highschool at nag-aaral dun yung babaeng natalsikan ko. Baka kung huminto ako baka ano pang gawin sakin ng babaeng yun. Alam mo naman na mga adik yung mga nag-aaral dun." derederetso niyang sabi.

Ay oo nga no? Kasi may mga nababalitaan kaming mahilig silang makipag-away at maraming mga fraternity doon at may mga bisyo din sila. Pero pwera kay Anny. Hindi siya ganun. May pagkatanga nga siya pero hindi siya pala-away, adik at gangster. Hihi peace. :D

"Grabe ka naman. Hindi naman lahat na nag-aaral dun eh kagaya ng iniisip mo." sabi ko.

"Paano ka nakakasiguro?"

"Uy baka nakakalimutan mo may kaibigan ako dun. At 101% sure akong hindi siya katulad ng mga ibang nag-aaral doon." pagtatanggol ko.

"Pwera sa kaibigan mo, pero the rest? I'm not sure." sabi niya.

"Pero... Maganda siya sobra!" dagdag niya.

"Ha? Sino? Kaibigan ko?" pagtataka kong tanong. Eh ang labo niya eh.

tumawa siya. "Paano ko naman sasabihin yun eh hindi ko pa nakita yang kaibigan mo."

"Aba malay ko ba kung nagkita na kayo. At chaka klaruin mo kasi." sabi ko sabay palo ko sa braso niya.

"Syempre yung natalsikan ko kanina ang tinutukoy ko. Ano kaba." tawa siya ng tawa.

"Ang gulo mo kasing kausap." sabi ko na naaasar.

Bigla namang nagbell. Senyales na pumasok na dapat sa mga classroom.

"Tara na nga. Pumasok na tayo." natatawa parin niyang sabi at nagsimula na siyang maglakad at tulak tulak niya yung bike niya. Sumunod naman ako.

Huminto muna kami sa parking lot ng school at ipinark niya yung bisekleta niya at pinadlock para hindi manakaw.

Yung bike lang niya ang kakaiba dito kasi puro mga magagarang sasakyan ang mga nakapark dito. Kasi nga mamahalin ang school nato.

Pero ewan ko ba sakanya, mayaman naman siya eh bakit hindi niya gamitin yung kotse nila? Nakapunta naku sa bahay nila at jusko! Ang laki. Mansion. Alam kong sakanila yun at nakilala ko narin yung mga magulang niya at mabait sila.

At kagaya ko din siya na scholar dito sa school nato. Valedictorian din siya nung elementary siya.

Baka siguro hindi siya yung tipo na mayamang sosyal. Kaya nga naging magkaibigan kami eh. :)

______________________________________
______________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You, Brother! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon