Chapter 1

72 14 0
                                    

ANNY'S POV

"Dalian mo anny!" rinig kong sigaw ni yuna sa ibaba.





"Saglit nalang.." Sigaw ko habang sinusuklayan ko ang buhok with matching sayaw pa.






Haha nagpapatogtog kasi ako habang nagbibihis lalo na pag naliligo.






Sinasabayan ko ito. Di niyo lang naitatanong, magaling akong kumanta. Sumasali ako sa mga pacontest dito sa aming barangay.






December na ngayon at magsisimba kami ni yuna.






"Di ka nalang nasanay diyan sa kaibigan mo, ang tagal magbihis." narinig kong sabi ni nanang sa ibaba.






Nagroll eye nalang ako at umiling-iling.






Habang inaayos ko ang sarili ko sa salamin ay nakita ko yung lipstick ni auntie beauty.






Kapatid ng aking ina. Di niyo lang naitatanong, bakla po siya. Hihi.






Napaevil smile ako at kinuha ito. Tinignan ko muna ang aking paligid kung may makakakita ba sakin.






Kasi mapapagalitan ako pag nahuli nila ako, lalo na si nanang.






Magkakwarto pala kami ni nanang, si anti beauty naman ay mag-isa sa kabilang kwarto.






Actually nasa kwarto ako ngayon ni auntie beauty, nakikialam sa mga gamit nitong pampaganda. :D






Dalawa lang ang kwarto sa itaas. Sa ibaba naman ay salas, kusina at CR. Gawa sa kahoy ang aming bahay.






Di naman kami gaanong kayaman at kahirap. Sakto lang. Magkadikit ang bahay namin ni yuna, kong titignan mo sa labas ay iisang bahay lang pero sa loob nahati ito. For privacy kahit na magkakilala na kami ng matagal.






Nilagyan ko na ang aking labi ng lipstick.






"Hindi naman masama kong lalagyan ko lang ng kulay tong labi ko. Hindi naman masyadong malapad." sabi ko habang tinitignan ang mukha sa salamin at inaayos ang lipstick sa labi. Haha para lang akong tangang kinakausap ang sarili. Pero hindi pa po ako nasisiraan ng ulo. :D






"Hoy babae matagal ka pa diyan?" rinig kong sigaw ni yuna habang palakad papunta sa kinarorounan ko. Rinig ko kasi ang apak ng paa niya.






Binilisan ko ng itago yung lipstick kasi minsan hindi siya mapapagkatiwalaan. Minsan kasi hindi niya macontrol yung bunganga niya.






"Oh parang nakakita ka ng multo diyan.. Huwag mong sabihin na may nakikita kang multo dito?" natatakot niyang sabi habang nilingon-lingon ang magkabila niyang side.






I Love You, Brother! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon