Teaser

35.9K 540 25
                                    



Siya si Vera Mae Banal, isa sa walong heredera ni Don Alfonso. Pero bago siya maging isang literal na heredera---meaning, makuha ang mana mula sa kanyang abuelo ay kailangang masunod niya ang huling habilin nito. Don Alfonso was playing cupid. Ang gusto nito ay pakasalan niya ang anak ng katiwala nito. Si Brian.

Si Brian?! Si Brian na ang buong pagkakaalam niya ay labis na minahal ng kapatid niyang si Yumi. Si Brian na sa kasalukuyan ay may girlfriend nang nagngangalang Deniece. Si Brian na kahit kailan ay hindi niya makasundo.

Imposible iyon. Lalo at mayroon din siyang boyfriend. Si Dick.

Pero hindi niya akalaing batid pala ng abuelo ang tungkol sa kanyang sikreto. Dahil sa sikretong iyon, wala siyang choice kundi ang alukin si Brian ng kasal...

"Will you marry me, Brian?"

Muntik na itong mahulog sa upuan. "Naka-drugs ka ba, Vera Mae?" Sinalat nito ang noo niya. "Hindi ka naman inaapoy ng lagnat."

"Seryoso ako, Bri."

"Gusto mong maniwala ako? Ligawan mo muna ako."


Barely Heiresses - VERA MAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon