Prologue

23.6K 525 13
                                    



NAPAPIKIT nang mariin si Vera Mae. Hindi niya gusto ang halos awtomatikong pag-ipon ng mga luha sa mga mata niya subalit hindi niya iyon napigil. Mabilis ang mga unang patak na hindi nakayang pigilan ng madiin niyang pagpikit. Isang eksaheradong pagbuntong-hininga ang ginawa niya. Kung maaari nga lamang siyang sumigaw ay ginawa na rin niya pero pinigil niya ang sarili para doon. Ilang segundo pa ang pinalipas niya bago bumaba ng sasakyan.

"Keep calm, Mimi," she told herself. Pero duda siya kung kaya niya. Dahil habang pinipilit niyang ikalma ang kanyang sarili ay parang nagwawala naman ang buong kalooban niya. She locked the car door and took a step.

Nasa harapan niya ngayon ang bahay na buong akala niya noon na mapapasakanya. Malaki ang bahay na bakas ang rangya at karakter. Malawak ang hardin na alaga sa tabas ang mga tanim. Even the huge European-inspired garden fountain was well-maintained. Malinis ang tubig na ibinubuga niyon. The pine trees were lined on both sides of the house. At sa likod ng mansyon ay ang tila walang katapusan ding pine trees. It was her grandfather's grand vacation house in Baguio.

Garden sets were strategically placed. At dumagdag sa kirot na nararamdaman niya ngayon ang masulyapan ang swing na paborito nilang puwesto ni Don Alfonso. Sa mga panahong naroroon siya at nagbabakasyon ay palagi sila doon. She would tell him stories at interesado namang nakikinig sa kanya ang matanda. He would also tell her a lot of things. Mga kuwento kung paano nito naabot ang kalagayan nito ngayon. Pero higit doon ay mas nakikinig siya sa matanda kapag tungkol sa buhay niya noong bata pa siya ang binabanggit nito. And through him, nakilala na rin niya ang kanyang amang hindi niya nagisnan.

Another pain sliced through her.

"Lolo," she choked on that single word. At hindi na niya napigil pa ang pagkimkim sa nararamdaman niya. She lost strength on her knees. She took a step back at padausdos na napaupo sa gilid ng kanyang sasakyan. "Lolo," she sobbed.

Samu't sari ang dahilan ng pag-iyak niya. She missed her grandfather so much. Napaghandaan na niya ang pagpanaw nito subalit hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa tuwing iisiping wala na nga ito.

Bukod sa di-birong halaga ng pera sa bangko, a three percent share of stocks sa mining company nito at prime real estate property sa Quezon City ay ang bahay na ito ang takdang mamanahin niya. Subalit hindi pa sigurado iyon sapagkat nakatali sa isang kahilingan ang lahat ng ito para tuluyang mapasakanya.

It was ironic. Noon ay bigay ito nang bigay at sila naman ng mama niya ang tanggi nang tanggi. And when Angel was born, the old man became extra generous. Sabi ng mama niya, tapos na ang pagmamatigas at kailangan na nilang maging praktikal. Kaya maswerte si Angel. Naranasan ng bata ang luho at rangya na dapat sana ay dinanas niya rin mula't mula pa.

Pero magkaiba ang kuwento nila ng kapatid niyang iyon.

Kapatid. She sighed.

Hindi iilang beses na naisama niya si Angel sa Baguio at Sagada. At si Don Alfonso ay kinakitaan niya ng labis na pagkagiliw sa bata. He was even calling her "Little Apo" na lihim ding nagpapagalak sa kalooban niya. Even Yumi, who stayed with her lolo showed special affection to Angel na lalong nagpapaligaya sa kanya. Siguro dahil nang mga panahong iyon ay iilan lamang silang miyembro ng pamilya. Hindi kalabisang sabihing mas madami pa nga ang taga-silbi kaysa sa mga amo.

Pero hindi sukatan ang anumang pagkagiliw ng matanda sa kapatid niya, o ang mismong kabaitang ipinakita nito sa kanya noong nabubuhay pa para ipagkaloob sa kanya ang mana nang ganoon lang kadali. Abot-kamay lang sa tingin para makamit niya ang parte niya sa kayamanan ng matanda subalit malaki ang tsansa na mawala iyon sa kanya at mauwi sa kawang-gawa.

Barely Heiresses - VERA MAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon